Attraction 25 - Back off! his mine

10K 371 24
                                    

Joan's Pov

Monday, Monday, Monday.....hay ang boring talaga pag.Monday. Naglalakad ako ngayon patungo canteen bibili ako ng ballpen eh, oh! wag kayong reaction paper diyan! Merong school supplies doon kaya wag kayo!

Habang naglalakad ako panay naman ang pag.hum ko, well hindi kasi ako biniyayaan ng magandang boses kaya hum lang ang kaya kong gawin pasensya na. Ng malapit na ako sa canteen may nakita akong pamilyar na bulto ng katawan....hmmmm...siya kaya ito? Napataas ang kilay ko ng kay narinig akong maarteng hagikgik ng babae.

"Ehem!" malakas kong tikhim kaya napalingon sila sa akin

"Ma!" nakangiti pang bati ni Kevin sa akin, habang ang bruhildang si Kaye ay tinaasan lang ako ng kilay, aba't! hinahamon ako? Kapal ah!

"Aga-aga lumalandi" bulong ko

"Ma saan ka pupunta?" tanong ni Kevin

"Sa canteen may bibilhin ako"

"Malamang meron, eh ano pa ba ang ginagawa sa canteen?" mapang-asar na sabi ni Kaye

"Alam ko, hindi mo na kailangang ipamukha sa akin, may utak naman ako" bagot kong sagot "Pero salamat na rin, at least alam ko na ngayon na nag-iisip ka pa rin pala" tapos binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti na nakapagpasalubong ng mga kilay nito.

"Samahan na kita Ma"

"Pero Kevin, di buh may pag-uuspan pa tayo" malanding sabi ni Kaye at yumakap pa sa braso ni Kevin, nakakainit ng ulo ito ah.

"Ay oo nga pala, pasensya na, ahm okay lang ba sa'yo Ma?"

At nagtanong kapa! Syempre HINDI!

"Bakit ka humihingi ng permiso sa kanya? Hindi ka naman niya boyfriend" sabi ni Kaye

Medyo nagising ako sa sinabi ni Kaye. Huminga muna ako ng malalim.

"Sure, wala naman akong paki.alam sa gagawin ninyo, kagaya nga ng sinabi ni Kaye, hindi mo naman ako nobya" sabi ko kay Kevin, medyo nagulat siya sa sinabi ko at biglang nag-iba ang ekspresyon niya.

He stared at me at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

"Oo nga naman pala" I don't know but he sound bitter when he said it. "Wala nga pala tayong relasyon, I see..........,so mauuna na kami" yun lang at umalis na sila, medyo nagulat nga ako sa ginawa niya.

Pagkatapos kong bumili ng dapat kong bilhin ay bumalik ako kaagad sa classroom. Ewan ko ah pero nawalan ako ng gana bigla. Lumipas ang ilang iras ay ganun pa rin ang pakiramdam ko, para bang ang bigat-bigat ng dibdib ko na ewan buh.

"Joan?..."

Hay...ano ba ito? May mali ba sa ginawa ko?

"Hoy Joan..."

Eh kasi naman, bakit ba? Totoo naman yung sinabi ko di ba?

"Joan!"

Aish! kainis ka talaga Kevin, ano ba....

"JOAN!" sigaw ni Shanna at sa sobrang gulat ko ay natapon ko ang milkshake na binili ko.

"Waaa! Milkshake ko" naiinis akong tumingin kay Shanna "Shanna naman bakit ka ba ng gugulat?"

"Sira! kanina pa kaya ako tawag ng tawag sa'yo, hindi ka naman sumasagot, ang lapit-lapit na nga natin sa isa't-isa hindi mo pa ako marinig, naglinis ka ba ng tenga?" sagot naman niya

"Oo naman! ano ka ba!"

"Ahhhh...so isa lang ang ibug sabihin niyan" at tinignan niya ako ng mabuti "May problema ka ano?"

Too Opposite!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant