Attraction 19

9K 383 9
                                    

Cristina's Pov

Andito kami sa locker room ng girls, kakatapos lang ng volleyball match.

"Okay ka na?" tanong ko kay Shanna na nakaupo pa rin sa isa sa mga benches.

"Medyo, pero masakit pa rin ang mga kamay ko" namumula kasi ang mga kamay niya

"Eh paano hindi yan pupula eh, ikaw kaya lahat tumatangap ng bola nila, argh! Kainis talaga ang mga kutong lupang yun!" inis na inis na talaga si Joan

"Hahaha! Hinga naman Joan, okay lang yun tsaka panalo naman tayo eh"

"Oo nga tapos na yun, punta na lang tayo sa clinic para matignan yan" sabi ko

"Naku yelo lang katapat nito, hali na kayo labas na tayo" tumayo na siya at lumbas na kami at nagulat kami dahil andoon kasi sina Ethan.

"Hey babe!" sigaw ni Ethan

"Tumahimik ka nga akala mo naman kung gaano tayo kalayo, kung makasigaw" nasa may pinto lang kasi sila kaya sakto sa paglabas namin ay sila kaagad ang makikita namin.

"Eto naman, excited lang naman ako"

"Hay ewan ko sa inyong dalawa" nailing-iling na lang si Joan

"Hi Ma! congrats" tapos niyakap so Joan "Ang galing mo talaga"

"Oo na, oo na bitaw na" lumayo si Joan pero halata ang pamumula ng mukha niya.

"Kamusta ka?" tanong ni Mike kay Shanna

"Okay lang" nakangiti naman niyang sagot

Biglang kinuha ni Mike ang bag ni Shanna.

"Mike.." akmang pipigilan sana niya si Mike

"Ako na, tsaka bumili tayo ng yelo para dyan sa kamay mo"

"Okay"

"Asaan si Quenie at Marco?" bigla kong tanong

"Canteen, bumili na nga makakain natin" sagot ni Ethan

"Really?! salamat naman kasi gutom na ako" sabi ni Joan

"Alrights Canteen na tayo!" sigaw ni Kevin tapos umakbay pa kay Joan.

Bigla kaming nakarinig ng malakas na pagbukas ng pinto kay napalingon kami sa kabilang locker room, lumabas doon sina Diana at Kaye.

Tumingin sila sa amin at tinitigan lang din namin sila.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" sabi ni Joan na nakataas ang kilay

Tinaasan lang siya ng kilay ni Diana.

"Bakit? Masama bang tumingin?" sabi ni Kaye

"Oo! Lalo na pag kayo na mga mandaraya"

"Joan tama na yan" awat ni Shanna

"Nandaya? Oh come on, kasalanan ba namin na si Shanna lang talaga ang magaling sa inyo kaya siya lang ang tumatangap ng lahat ng tira namin" kutya ni Diana

"Diana tumahimik ka na lang pwede at baka hindi ako makapagpigil at ipapakain ko sa'yo ang bola sa volleyball" galit na sabi ni Mike, at mukhang natakot na man siya.

"Ba-Bakit ninyo ba sila kinakampihan? Ta-tayo ang magka department ah!" natakot ata siya sa sinabi ni Mike

"Halata kasi ang pandadaya niyo" galit rin na sabi ni Kevin

"Hmph! alis na tayo Kaye ayoko na sa baho dito"

"Buti pa nga, at maligo ka ng mabuti ah, nangangamoy lansa kana eh" asar ko sa kanila

Too Opposite!Where stories live. Discover now