Attraction 42 - Regrets and Chances

8.3K 379 13
                                    

Shanna's Pov

"Shanna remember to lock your doors tightly, check everything before you leave and go to bed"

Hahay...para ko namang tatay itong si Tristan kanina pa siya paulit-ulit sa pagpapaalala sa akin eh.

"Opo tay..." sarkastiko kong sabi

"Shanna I'm serious here"

"Look Tristan, how old do you think I am? 10? gosh! para naman akong bata kung makapagpaalala ka"

"I'm just worried okay" aalis kasi sila patungo sa bahay ng magulang nito at doon muna sila hanggang matapos ang dapat nilang tapusin sa companya nila and his parents wants to play with their granddaughter.

"Mommy why won't you come with us?" lambing ni Sofia sa akin

"I can't baby, may kasal pa akong pupuntahan and besides it's your quality time with your grandparents"

"But...but..." naku! mukhang iiyakan pa ako nito

"Sofia, baby please understand"

"Baby, may iba pang aaikasuhin si Mommy mo" alo naman ni Tristan

"Okay..."

"That's my girl" hinatid ko na sila hanggang sa kotse nila. "Shanna.."

"Close the door, eat properly and don't stress yourself" patuloy ko sasabihin niya, "I get it already Tristan"

"Whatever smarty pants" he smiled, "Just take care" then he kissed my forehead

"I will" then I hugged him, and kissed Sofia, "Be good baby girl"

"I will" she responded, at umalis na sila.

"Ngayon, ano bang magandang gawin?" dahil sa wala akog magawa ay naisipan kong magmall.

Narating ko ang mall, nagtaxi lang ako dahil wala naman akong kotse. Habang naglilibot ako sa mall ay naisipan ko na din magshopping ng konting damit.

"Hmmm...mukhang maganda ito ah" I was at a clothing boutique, tumitingin ako ng mga tshirts ng bigla ako makarinig ng isang pamilyar na boses.

"This shirt is fabulous!" masaya nitong sabi. Sinilip ko kung sino yun at tama nga ako.

"Bea, that will look good in you" puri ng isa nitong kasama

"Everything looks good in me you know, kahit basahan pa" sabi naman ni Bea, gosh! hambog niya ah

"Haay...kainggit ka talaga girl, you have the most amazing life, a good career and a blissful lovelife" sabi ng isa pa nitong kasama.

"Yeah I know, I really love Mike, and he loves me too"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayu.an ko dahil sa narinig ko. Sila na pala ni Mike? Kailan lang?

"Oo nga! you're so maswerte"

"Yeah inggit much me"

"Come on girls, don't be" sabi ni Bea.

Narinig kong mga papalapit nilang yabag kaya nagmamadali kong ibinalik ang tshirt at umalis na doon. Ng makaalis na ako ay doon na lahat ng sink in sa akin ang narinig ko. So sila na pala, well siguro maraming nangyari sa mga nakalipas na taon, apat na taon din yun, matagal na rin. Dapat lang siguro sila sa isa't-isa tsaka nilinaw naman ni Mike na ayaw niya sa akin di ba? Hindi naman talaga naging kami, o ano. Siguro andoon si Bea sa tabi niya nung nagpapagaling ito kaya natutunan nito siyang mahalin. Siguro nga di ba?

Naglakad ako ng naglakad ng napansin kong nagiging blur na ang paligid. Tinakpan ko ang mata ko ng kamay ko. Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko, pero bakit ganun, bakit naninikip ang dibdib ko. Bakit pumapasok sa isip ko na sana ako yung tumutulung sa kanya. Sana ako yung kasama niya habang hinihilom niya ang mga sugat niya. Ang daming sana na pumapasok sa isip ko, bakit ganun? akala ko tapos na ako doon, pero andito pa rin pala. Lahat ng pagsisisi, lahat paghihinayang, lahat ng sana at gusto kong gawin para sa kanya.

Too Opposite!Where stories live. Discover now