CHAPTER NINETEEN: A Five-Year-Old Sweater

3 0 0
                                    

---SEUNGCHEOL'S POV--- 

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa t.v.(?) Bakit may nagpe-play ng <MANSAE> nang ganito kaaga?

Minulat ko ang mga mata pero sinara ko rin agad nang may naramdaman akong kirot sa sintido ko.

Fuck...

Ang sakit ng ulo ko...

Ano bang nangyari? 

I groaned in pain then opened my eyes, just to see na wala ako sa kwarto ko. Napabalikwas ako nang tayo at nahulog mula sa kama. 

Aray...  

Nasaan ba ko?

Anong oras na ba? 

"I thought you won't wake up 'til lunchtime." 

Ay sh*t!

Napatalon ako sa gulat dahil sa boses. Dahan-dahang akong humarap at nakita ang isang masungit at nakahalukipkip na Y/n sa may pintuan ng kwarto. 

"Y-y/n? Anong--- nasan--- aish!", pautal-utal kong sabi at frustrated na ginulo ko ang buhok ko dahil di ko man lang magawang magtanong nang maayos.  

She glared at me before she let out a long deep sigh. "Nasa condo kita, Seungcheol. There's no need to jump into conclusions. You were drunk, you called me, I fetched you, I brought you here, then you slept. That's it." 

Teka... Ano?! Sh*t! Am I hearing this right?! 

"A-ano nga ulit yun, Y/n? Pwede pakiulit?" 

"You were drunk, Seungcheol. That's it." 

My stomach churn in a fluttering way as I heard her call my name.

Napangiti ako nang pagkalawak-lawak.

Sh*t!

Tinawag niya akong Seungcheol! 

"Tch. Anong nginingiti-ngiti mo dyang gilagid ka?", maangas na tanong niya.

I chuckled nang ma-realize kong naka-pambahay siya.

F*ck...

Ang cute niyang tingnan sa oversized pink sweater at black pants. Tpos naka messy bun pa ang buhok niya at naka-blue apron na may design na carrot sa gitna

Aigoo~~

Napaka-cute talaga ng babaeng to! 

"O! Maghilamos ka at magbihis tapos sumunod ka sa baba. Mag-almusal ka bago kita ihatid pabalik sa dorm niyo. I promised Jeonghan-oppa to give you a lift.", she instructed pagtapos ihagis sa'kin yung hawak niya at padabog na lumabas ng kwarto. "Wag kang gagalaw ng kahit ano dyan kung ayaw mong maputulan ng kamay!", pahabol niya. 

I chuckled at her cuteness and looked at things she gave me.

I literally froze nang makita ko kung ano yung binigay niya.

My lips curved up as my heart ached.

That girl...

Naitabi niya pa pala tong sweater ko? 

I smelled the fabric and all of our memories went back to me.

Favorite niya tong hiramin sa'kin kasi ang lambot daw tsaka kaamoy ko.

Pero dahil sa halos araw-araw niyang suot dati, napalitan na ng amoy niya.  

All of those happy and painful memories of our hidden love story...

I knew that she's keeping it, just like how she kept this sweater for 5 years na wala ako sa tabi niya, 5 years na pareho kaming nangungulila sa isa't-isa...

Kung di lang talaga ako tanga noon, malamang hanggang ngayon, kagaya pa rin kami ng dati...

na masaya...

na kuntento...

na nagmamahalan...

"*sighs* G*go ka kasi, Choi Seungcheol. Nasayo na, pinakawalan mo pa.", bulong ko sa sarili ko habang yakap ang sweater ko. 

---YOUR POV--- 

"Hello, Y/n? Kamusta? Gising na ba si Seungcheol?", bungad sa'kin ni Jeonghan-oppa nang tawagn ko siya. 

"Yes, oppa. Pakainin ko lang tapos hatid ko agad dyan sa inyo." 

"Ay, naku, y/n! Kasi..." 

"Hmm? Ano po yun?" 

"Bigla kasing nag-aya si Seungkwan sa Jeju since day-off naman daw namin hanggang bukas. Nasa airport na kami ngayon at 15 minutes na lang sasakay na kami sa plane. Wala atang dalang spare key si Seungcheol. Pwede bang... Ano..." 

"Gusto mo pong hatid ko siya sa Jeju?", I asked monotonously dahil nararamdaman ko na ang gusto niyang sabihin.  

"Hehehe... Pwede ba, Y/n? Kasi biglaan talaga to eh. Si Mama Boo kasi ang nag-aya kaya di namin matanggihan eh." 

"Jeonghan-oppa, naranasan mo na bang hindi sumahod?" 

There was a pause.

Tapos biglang naging maingay ang background. 

"Hello? Jeonghan-oppa?" 

"Hello po, Y/n-noona?" 

"Chan? Bakit binigay sa'yo ni oppa yung phone? Will he use you as a bait?" 

"Noona, payag ka na po, pweaseeee~", pagpapa-cute ni Chan sa kabilang linya. 

Putang ina.

Napakatalino mo, Yoon Jeonghan.

Bakit ko ba naisip na matatalo ko ang isang ahas na katulad ni Yoon Jeonghan? 

"*sigh* Fine."  Narinig kong biglang may nagsigawan sa background.

Napa-face palm ako nang wala sa oras.

Tch.  

"Naka-loudspeaker ba tong tawag na to, Chan?", tanong ko nang ma-recognize ko yung mga boses sa background. 

"Ha-ha? O-opo, noona. Bakit po?" 

Huminga ako nang malalim atsaka... 

"Lee Seokmin! Kwon Soonyoung! Kim Mingyu! Yoon Jeonghan! Wen Junhui! Kakaltasan ko ng 30% percent ang mga sahod niyo this month! Magsimula na kayong magtipid!", sigaw ko bago ibaba ang tawag at ituloy ang pagluluto ko ng sinangag. 

"Pfft." 

Lumingon ako sa likod ko at nakita si Seungcheol--- 

"Huwaaahhh!! Fuck you, Seungcheol!!! BAKIT KA NAKA-TOPLESS?!!", I screamed bago takpan ang mga mata ko.

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko.  

PUTANG INANG SIX-PACK ABS AT MESSY HAIR YAN!!!

MAMATAY AKO NANG WALA SA ORAS!!!

CHOI SEUNGCHEOL!!! 

"Eh kasi maliit na sa'kin to, Y/n. It's been five years, you know.", rinig kong sabi niya.

"Tsk. Wala akong pake! Pumanik ka nga dun! Magpapadala na lang ako dito nang damit! Pumanik ka na!" 

"Fine, fine! Eto na po, papanik na!", he replied tapos narinig ko ang mga yabag niya papanik sa guest room. 

I sighed aggressively bago paypayan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.  

Shucks, biglang uminit!

Nakakainis!

Ano ba namang karupukan yan, Y/n!

The Price of LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα