CHAPTER THIRTY-FOUR: Where Everything Started

3 0 0
                                    

----3rd Person's POV---


Tahimik ang loob ng van habang nanonood sa pag-uusap nila Seungcheol at Y/n. Ramdam nila ang sakit sa bawat salita at kilos na binibitiwan ng magkasintahan.


"Anong ibig sabihin ni Y/n sa---"


Hindi na naituloy ni Mingyu ang tanong niya dahil biglang nagsalita si Soonyoung. "Ginawa na 'to ni Seungcheol-hyung dati, para sa atin.", sabi niya habang parang Wala sa sariling nakatingin sa monitor at pinapakinggang umiyak si Y/n matapos niya iwan si Seungcheol sa unit na yun.


"Marami nang nagaw si Seungcheol-hyung para sa atin. Kahit hindi natin alam, patuloy siyang gumagawa ng paraan para maprotektahan tayo."

Hindi nagtagal, may mahihinang hikbi na maririnig na sa loob ng mini bus nila. They all feel guilty kahit na hindi naman sila gumagawa ng kahit anong krimen.


Alam nilang napakaresponsableng leader ni Seungcheol at marami na siyang naisakripisyo para sa grupo nila, pero di nila inaasahan pati ang sariling kasyiyahan niya ang handa niyang isuko para lang hindi sila magkahiwa-hiwalay.


"Hansol...", mahinang tawag ni Seungkwan. Napalingon sa kanya ang nobyo niya at nakita siyang umiiyak nang tahimik sa pinakadulong parte ng bus.


Dali-daling lumapit si Hansol sa kanya at inakbayan siya.


"Babe, anong---"


"Pwede bang bumawas tayo sa bigat ng puso ni Seungcheol-hyung?", bulong ni Seungkwan at inaabot ang hawak-hawak niya cellphone kay Hansol.


Tiningnan niya ito ng binata at nagulat sa mga nabasa niya roon. Puro bash na sa kanila ang makikita sa mga social media platforms. 


Marami ang nagalit at nanghusga sa pagmamahalang meron sa pagitang mga miyembro ng SEVENTEEN. Maraming Carats na rin ang umalis sa fandom nila dahil sa kumalat na balita.

Yung iba pa sa kanila, namemersonal sa mga posts at comments nila. Dinadamay ang pamilya ng mga members, naglalabas ng mga gay memes na may harsh captions at nangungutya sa mga members, lalo na kay Seungkwan na pinagsasabihang 'Hansol is too good for Seungkwan'.


"Hansol, pwede bang---"


"No, Seungkwan. Hindi ako papayag sa gusto mo. We are in this together. Mas mahal kita kesa sa SEVENTEEN. If I have to leave the group just so I can continue loving you, I definitely will." pagkontra ng nakababata habang nanggagalaiting binabasa ang iba pang mga posts sa Twitter.


"Pero, Hansol...", panimula ni Seungkwan. "Ganun na lang yun? Wala tayong gagawin? Ang laki na ng nasakripisyo ni hyung noon. Can he still do it? Can his heart still take it? Di mo ba nararamdaman yung lungkot niya?"


"No, hindi tayo susuko. I love you.", pagmamatigas ni Hansol. "Hindi ko kayang gawin yung ginawa ni hyung para sa'tin, dahil mas mahal kita kesa sa SEVENTEEN."


Natahimik na lang si Seungkwan at isinubsib ang mukha niya sa mga kamay niya habang sinusubukang pigilan ang paghikbi niya. Niyakap siya ni Hansol at hinalikan sa tuktok ng ulo niya. 

The Price of LoveWhere stories live. Discover now