CHAPTER FORTY-FOUR: Two-faced Bitch (Part One)

3 0 0
                                    

---Third Person's POV---


Chan was very excited to have a date with his noona crush, Jihyun. Pero dahil present lahat ng mga hyung niya, he thought that it would be disrespectful to leave the house without introducing his date to everyone.


Pagkarating nila sa sala, mapapansin agad ang matatalim at mapanghusga na tingin ng mga nakakatandang members sa dalaga.


"Hello po sa inyo. Ako po si Jihyun. If it's okay with you, I would like to ask the permission to hang out with Channie today.", Jihyun introduced herself.


Agad namang napataas ng kilay si Jihoon at tiningnan si Chan sa mga mata, pero dahil sa sobrang hiya, umiwas nang tingin ang maknae.


"Uhmm... Jihyun, right?", panimula ni Jihoon habang nakahalukipkip. "Alam mo naman siguro 'yung sitwasyon namin ngayon, Jihyun. Hindi kami pwedeng makita ng public dahil may issue na mainit pa ngayon."


"Oh, yeah, I'm aware of that, Woozi-oppa.", Jihyun replied with a sweet smile na nakapagpatulala kay Chan.


"Don't worry, oppa. Magmo-mall lang naman kami---"


"MAGMO-MOMOL?! CHAN, DI MO NAMAN SINABI NA---"


Hindi na natapos pa ni Junhui ang maduduming salitang na sana'y lalabas sa bibig niya nang hambalusin siya ni Minghao ng throw pillow.


"Dapat sa makasalanang bibig na 'to hindi na hinahayaang magsalita eh. Nasa'n na ba yung drum ni Jisoo-hyung holy water nang malunod ko na 'tong walang kwentang nilalang na 'to at mapagbayaran niya na ang mga kasalanan niya?", pagbubunganga ni Minghao habang hinahampas-hampas pa ng unan ang nobyo niya.


"Aray! Sorry na, babe! Awat na! Aray!", inda ni Jun habang pilit na iniiwasan si Minghao.


Nagtawanan naman ang ibang members dahil sa kalokohan at ka-cute-an ng china couple.


Pero 'di nila alam na iba ang naiisip ng bisita nila ngayon na nahihirapang pigilan ang pagngiwi.


"Yuck. Babe? Kadiri naman ang mga bakla dito. Talagang di sila nahihiyang iladlad sarili nila sa harapan ko ah?", bulong ni Jihyun sa sarili.


"Umayos nga kayo dyan. Wala tayo sa dorm, guys. Tandaan niyo, pagmamay-ari ni Y/n ang bahay na 'to. Pag may nasira kayo, babayaran nyo ah.", pagsuway ni Wonwoo habang nakapamewang.


Natahimik naman ang mga members dahil sa paalala na 'yun.


"Hindi porke't mabait si Y/n sa'tin, sasamantalahin na natin siya. Malalaki na kayo at hindi na kelangang pagsabihan pa.", dagdag pa ni Jihoon na sinasamaan na sila ng tingin.


"Hoy, ano ba naman kayo? Wag kayo magganyanan. May bisita tayo oh. Mahiya naman kayo sa girlfriend ni Channie.", singit ni Seokmin habang nakangiti nang nakakaloko kay Chan.


Agad namang namula ang mukha ni Chan dahil sa hiya.


The Price of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon