CHAPTER TWENTY-ONE: Keep Hurting in a Quiet Manner

4 0 0
                                    

----3rd Person's POV---

****FLASHBACK*****

In-on ni Y/n ang GPS niya at tinype ang coordinates ng location ni Seungcheol sa tracker nito.

Bukod kasi sa communication, kaya ding magbigay ng tracking location ng earpiece ni Seungcheol.

Wala sana siyang balak gamitin yun unless emergency yung situation. 

'Well, this calls for an emergency, right? Who knows. Baka kung sino makakita sa kanya. Masisira pa ang pangalan niya na matagal niyang pinaghirapang buuin pag nagakataon.' 

Pinaandar na Y/n ang sasakyan niya nang ma-confirm na ng GPS ang lokasyon ng Seungcheol. 

Mabilis na nakarating si Y/n sa isang bar na tago ang lugar.

Pumasok siya kaagad at nakahinga nang maluwag nang makita niyang walang tao kundi isang bartender at si Seungcheol na nakayubyob sa counter at nakatulog na sa kalasingan.

Tinapik ni Y/n ang binata. 

"Mr. Choi, let's go. We need to go now. Baka kung sino pa makakita sa'yo dito.", bulong niya dito. 

Nag-angat ng ulo si Seungcheol at binukas ang isa niyang mata.

Napangiti siya nang pagkalawak-lawak nang makita niya si Y/n.

Kahit na nanlalabo ang mata niya dahil sa epekto ng alak, mabilis niya nakilala ang pinakamamahal niyang Y/n. 

"Y/n~ Akin~ *hiccup* Aylabyuuu~", paglalambing ni Seungcheol kay Y/n at akmang yayakapin pa ito, pero umiwas si Y/n. 

"Wala akong oras sa mga ganito, Mr. Choi! Umuwi na tayo, halika na.", masungit na sabi ni Y/n at hinarap ang bartender na busy sa paglilinis ng mga baso.  

"Excuse me.", pagtawag ni Y/n sa atensyon ng babaeng bartender. "Bill, please." 

Akmang kukuha na ng pera si Y/n nang i-backhug siya ni Seungcheol. "Hmm... Ang bango mo talaga, akin~ *hiccup* Aylabyuu so much~~" 

*click*

'Ano yun?', tanong ni Y/n sa sarili nang may marinig siyang parang shutter ng camera. 

Agad-agad niyang itinulak si Seungcheol papunta sa upuan at inilibot ang mata sa paligid. 

'Hindi ako pwedeng magkamali. Camera yun.', bulong ni Y/n sa sarili. 

"Um, ma'am? Eto na po ang bill niyo.", sabi ng bartender na nagpabalik naman kay Y/n sa realidad.  

She narrowed her eyes to the bartender and made sure to memorize her features. 'I have to check her background.' 

"Thanks.", Y/n replied at inaabot ang bayad niya sa babae. "Keep the change. Thank you for taking care of him." 

Nag-bow ang bartender at bumalik sa pagpupunas ng mga baso at pag-aarange ng mga alcoholic drinks. 

Inalalayan ni Y/n si Seungcheol papunta sa passenger's seat.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga nang successful niyang maiupo ang binata at kinabitan ito ng seatbelt. 

Dinial niya ang number ni Jeonghan na finorward ni Bethie sa kanya.

After a few rings, sumagot din agad si Jeonghan. 

"Hello? Sino to?" 

"Oppa, si Y/n to. Pakisundo naman kami ni Mr. Choi sa entrance ng dorm niyo. I don't think kaya kong ihatid siya sa unit nyo mag-isa. Lasing na lasing siya eh." 

"Hala... Ano... Kasi, Y/n... Mukhang di ko siya pwedeng ihatid dito ngayon, lalo na kung lasing yan." 

"Po? Bakit po?", naiinis na tanong ni Y/n. 

"Kasi bumalik yung lagnat ni Soonyoung. Actually, ngayon lang siya ulit nakatulog kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam niya kanina pa. Pag may narinig na ingay si Jihoon, baka magkaroon ng away." 

Napapalatak si Y/n dahil sa inis at tiningnan nang masama si Seungcheol na umiiyak dahil sa kalasingan. 

"San ko dadalhin to, oppa?" 

"Y/n, please, uwi mo muna sa inyo. Baka kasi magising si Soonyoung. Sorry talaga."

"Tch. Fine. But you have to fetch him first thing tomorrow morning. Ikaw ang pumunta---" 

"Wala akong sasakyan, Y/n eh. Pwede ikaw na lang maghatid sa kanya dito, please?" 

"Aish! Oo na, oppa! Matulog ka na nga lang ulit!" 

"Okay, Y/n. Drive safely. Good night sa inyo ni Seungcheol~", pagsipsip ni Jeonghan bago ibaba ang tawag. 

"Y/n... *hiccup* Mahal na... mahal kita *sob*", pag-iyak ni Seungcheol. 

Tiningnan siya ni Y/n. Kumirot ang puso ng dalaga nang makita niyang umiiyak si Seungcheol.

Nasasaktan siya, nasasaktan sila. 

"Stop lying, Mr. Choi. Pwede ba? Kahit sa panaginip magsisinungaling ka, kahit lasing ka, sasaktan mo pa rin ako?", hinaing ni Y/n na may mga luha na ring namumuo sa mga mata.

"Hindi ako nag... Nagsisinungaling, akin... *sob* Mahal talaga kita. Bakit ba *hiccup* ayaw mo maniwala?" 

"Kasi ikaw mismo ang nagsabi! Di sana ako maniniwala kung sa iba ko narinig eh! Pero sa'yo ko mismo narinig, putang ina!", sigaw ni Y/n habang tumutulo ang mga luha niya. 

Bumalot sa paligid ang katahimikan.

Pareho silang umiyak nang tahimik, parehong nasasaktan because of loving too much, parehong naguguluhan but still loving the other. 

Nagulat si Y/n nang punasan ni Seungcheol ang mga luha niya gamit ang hinlalaki nito.

Nakatingin sa kanya ang binata with all his love for her.

She locked the gaze and they both melted.

All of their hidden emotions were showing.  

"Kung alam mo lang... Kung pwede ko lang sabihin sa'yo lahat, akin..", bulong ni Seungcheol sa dalaga. 

"Pwede naman, akin. Sabihin mo na kasi para malaman ko na... Kung bakit mo ko iniwan, kung bakit tayo natapos noon." 

Seungcheol pursed his lips at tinitigan lang ang pinakamagandang babae sa harapan niya.

Pinagmasdan niya ang babaeng patuloy niyang minamahal at sinasaktan.

He watched her cry for him, begging him to tell everything to her, asking for reasons so she can forgive and start loving him again.  

But he chose to stay quiet, to stay hurt in a quiet manner.

Kasi hindi lang sila ang masasaktan pag nagkataon.

Pati yung labing-dalawang lalaking mahimbing na natutulog ngayon sa dorm nila. 

*****END OF FLASHBACK*****

The Price of LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ