CHAPTER ELEVEN: The Probability of Falling in Love with the Same Person Again

3 0 0
                                    

---Seungcheol's POV---

"Sungit.", bulong ko nang binaba ni y/n ang tawag.

Ano kaya yung sinasabi niyang blade? Nasugatan siguro siya kaya masungit. Hala, parang araw-araw naman siyang masungit eh. Menopause na kaya yun? Ang laki ng galit sa mundo XD

"Hyung, alis na ko.", paalam ni Jihoon sabay buhat ng isang malaking bag.

Oo nga pala. Kasama ko nga pala siya rito. Narinig niya kaya usapan namin ni y/n? Pero di naman nang-aasar eh. Baka di niya naman narinig. Pero saglit...

"Jihoon, bakit may dala kang bag? Maglalayas ka na ba?", tanong ko sa kanya.

"Tsk. Lutang ka talaga kahit kelan, hyung. Pupuntahan ko nga si Soonyoung di ba? Ngayon na siya madi-discharge.", pagpapaliwanag niya with matching irap pa. Isa pa tong minion na to eh. Napakasungit din.

"Mag-ingat kayo ah. Di na kita masasamahan kasi magmi-meet kami ni CEO eh."

"Magmi-meet o magde-date?", bulong niya, pero sa natural na chismoso ako at trained ang tenga ko, narinig ko siya.

"Meeting!", sagot ko.

He rolled his eyes. "Oo na lang, hyung, kunwari tanga ako.", he said sarcastically bago tuluyang umalis sa kwarto.

Hala, sinapian ba yun ni Seungkwan? Bakit ang sassy magsasagot?

***Fast Froward: sa isang japanese resto***

Muli kong tiningnan ang relo ko. 2:45 na pala. Parang ang tagal naman ni y/n. Malapit lang tong resto na to sa opisina niya eh. May nangyari kaya?

Mga ilang minuto pa at natanaw ko na rin siyang papasok sa restaurant. May suot na naman siya sunglasses. Maaraw ba? Nung trip nito? Nakapasok na sa restaurant, naka-shades pa rin? Silaw na silaw? Kung di ko lang to mahal, malamang tinawanan ko na to.

Pero shit naman kasi eh... Ang ganda niya kaya! Tamang-tama lang ang hugis at laki ng mukha niya. Napakaganda ng mga mata niyang kulay hazelnut at tamang-tama lang ang tangos ng ilong niya. Mahaba ang reddish brown niyang buhok, which I suppose na pinakulayan at pina-perm niya.

Ang ganda din ng hubog ng katawan niya. Sobrang sexy niyang tingnan, lalo na ngayon na naka-pencil cut siya at may suot siyang kulay red wine na fitted coat na bumagay sa pinkish white skin niya.

Is this some kind of spell? Kasi I really find her... Enchanting. Every time she's there, my heartbeat races and I feel electrified.

"I will really appreciate it if you stop staring at me like that, Mr. Choi. It really bothers me."

I snapped out of my fantasies nang magsalita si y/n na kanina pa pala nasa harapan ko.

"Ahem. Yeah. Sorry.", sagot ko sa kanya at uminom ako ng tubig para maiwasan ang awkward situation.

"What is it that you want to discuss with me?", mataray niyang tanong sa'kin pagtapos niyang ilabas ang laptop niya and started typing.

Napasimangot na lang ako at binigyan siya ng "Are-you-serious?" look. "Can we order first? Nagugutom na talaga ako eh. Wala kaming pahinga sa practice simula pa 8:00 am."

"Hindi ako waitress, Mr. Choi. Di naman kita pinipigilan umorder."

Ang sungit~ 😑

"Oo na. Tss, ang sungit mo naman...", komento ko.

Umorder ako ng sushi, udon at sukiyaki. Hays~ gutom na kooo!!!

Pinanood ko na lang si y/n mag-type habang hinihintay ko yung mga inorder ko. Nangalumbaba ako and I tilted my head para magpa-cute kay y/n pero mukhang waepek kasi di man lang siya tumitingin sa'kin at patuloy lang na nag-type.

"Here's your order, sir.", the waiter notified me tsaka isa-isang nilapag ang mga pagkain sa harap ko. "Enjoy your meal."

Huwahh~ pagkain huhuhu mukhang masarap~

"Uhmm... Y/n, kain na tayo.", pagyaya ko sa kanya. Inaangat niya ang tingin niya sa'kin at sa pagkain pero bumalik din agad sa screen ng laptop niya.

"I already ate in the office."

"Sure ka? Kahit konti lang kain ka. Nangangayayat ka na o."

"I don't like japanese cuisine.", she replied coldly, still not looking at me.

"Huh? Di ba favorite mo tong sukiyaki?", pagtataka ko. Dati kasi, after ng class namin, mag-aaya siya agad na kumain nito kahit na malalayo ang mga japanese restaurant sa school namin.

"People change, Mr. Choi. It's not a surprise kung yung gusto mo ngayon, kinamumuhian mo na bukas." Ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitiwan niya. Mukhang galit pa siya sa'kin. "Anyways, pwede na ba tayong mag-usap ngayon? As I have said earlier sa tawag, may meeting akong dapat attend-an."

"Uhmm...yeah, sure. *awkward laugh*", pagsisimula ko. "Well, gusto lang naman kitang i-update about Soonyoung's condition. Pauwi na siya ngayon and the doctor said that he's gonna be fine. So I suggest na i-lift yung pagkaka-ban niya sa practice room."

"No. He has to rest."

"Babantayan ko naman siya. Di ko muna siya pagpa-practice-in ngayong linggo. Basta nandun lang siya para di siya ma-bored at ma-stress sa dorm. Papauwiin ko din siya ng maaga. Besides, nandun din si Jihoon, I think he'll be alright with that minion guarding him all the time.", pagpapaliwanag ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim bago ako tiningnan sa mata. "Fine. Pero kapag nagkasakit siya lalo, I will put him on hiatus for one month.", she said.

I smiled widely. "Thanks.", I said. "Tapos, about the year-end performance... Usually kasi, pinapakita namin yung performances sa CEO para mahingi ang opinions niya."

"I'll arrange that in my schedule. Kelan ba pwede?", she inquired.

"Since bawal pa si Soonyoung this week, I suggest na-- You okay?"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong parang inaantok siya. Napahawak din siya sa ulo niya at napapikit. "Hmm... Medyo nahihilo lang ako.", sabi niya habang sapo-sapo ang ulo niya.

Sinara niya ang laptop niya at nilabas ang cellphone niya. Ngayon ko lang napansin, mukhang maputla nga rin siya.

"Hello? Bethie? Can you fetch me dito sa---"

"Y/n!"

Napatayo ako sa upuan ko nang biglang mahimatay si y/n. Hala ka! Anong gagawin ko?! Nilapitan ko sya at sinubukan ko siyang gisingin. Shit! Ang lamig niya.

"Hello? Hello? Ma'am y/n?!", sigaw ni Ms. Bethie sa kabilang linya. Pinulot ko ang phone niya.

"Hello, Ms. Bethie, please pumunta ka sa Diamond Hospital. Biglang nawalan ng malay si y/n. Dadalhin ko siya dun. Dun ka na lang sumunod.", I instructed her before ending the call at nagmamadaling binuhat si y/n papunta sa kotse ko.

Iniupo ko siya sa passenger's seat dahil madaming gamit sa backseat. Ano kayang nangyari kay akin? Bakit naman hihimatayin to eh sobrang maalaga to sa katawan niya. Imposible namang nagpalipas siya ng gutom kasi galit na galit siya sa sa mga taong ganun.

Habang nagda-drive ako, narinig ko siyang umungol at parang may sinasabi. "Sorry, y/n, ano ulit yun?", tanong ko sa kanya at nilapit nang konti ang tenga ko sa kanya.

"I still love you... Mahal kita, Choi Seungcheol...", she mumbled.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I felt butterflies in my stomach. I couldn't stop smiling... I was really expecting na hindi ko na ulit maririnig ang mga salitang yun mula sa kanya at para sa'kin.

Am I dreaming right now? Kung oo, I don't wanna wake up anymore.

"I love you, too. I never stopped loving you, akin.", I confessed, my voice cracked at our endearment.

She laughed. A kind of laugh na parang intoxicated siya.

"Ul*l... Stop lying. You never loved me. *giggles*"

Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun, couldn't believe of what she just said. Pero binalik ko rin agad sa daan ang mga mata ko. Mahirap na baka maaksidente pa kami.

"How can you be so sure?", I inquired, tears forming in my eyes.

"*laughs* I was just a distraction to you. Admit it, you coward."

The Price of LoveDär berättelser lever. Upptäck nu