CHAPTER FORTY: Let's Stop Surrendering. I'm Ready to Fight for you.

3 0 0
                                    

---Seungcheol's POV---


"Shit...", daing ko nang maalimpungatan ako.


Sobrang sakit ng ulo at lalamunan ko...


Minasahe ko ang sintido ko nang makaupo ako ng maayos sa kama ko.


I really am sick, huh?


"F-fuck this... h-headache...", I groaned habang pinipilit kong tumayo.


Hindi pa ako nakakaalis sa pagkakaupo ko sa kama nang biglang umikot ang paningin ko at mahulog ako.


Aish! Ano ba namang klaseng kamalasan 'to?! Kahit paghinga mahirap gawin.


Napapikit ako nang bahagya ulit akong mapaupo dahil nanginginging ang mga tuhod ko.


Napalinga ako sa may pinto nang may narinig akong mga yabag galing sa labas ng kwarto ko.


"Okay ka lang dyan?", narinig kong tanong ng taong nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.


Teka... Jeonghan? Oo nga pala... Tinext ko siya kanina...


"Hin...", huminto ako saglit para huminga nang malalim. "Hindi ako... makatayo..."


Dali-dali siyang lumapit sa'kin at inalalayan ako pabalik ng kama ko.


"Tsk matigas kasi ulo mo.", mahinang reklamo niya tsaka ako kinumutan.


Hindi ko na lang siya pinansin at pumikit na lang para mabawasan kahit papano ang pagkahilo ko, pero napamulat din naman ako nang maalala ko ang panaginip ko kanina.


"Si... Y/n?", tanong ko habang umaasang nandito talaga siya.


Jeonghan scoffed at me bago abutin ang basang tuwalya sa ibabaw ng nightstand. Nilagay niya yun sa noo ko at pagkatapos mahinang tinampal yun.


"Ah!", inda ko.


"Sa susunod na paiyakin mo ulit si Y/n, sasapakin na talaga kita. Walang leader-leader.", pagbabanta ni Jeonghan habang tinututok niya sa'kin ang sandok hawak niya.


"U-umiyak... Umiyak siya?"


"Ay hindi~ Tuwang-tuwa siya. May sakit ka kasi eh."


I pursed my lips at iniwas ang tingin ko sa kanya.


"Nandito ba sya?", mahinang tanong ko sa kanya.


Saktong pagkatanong ko nun kay Jeonghan, nakarinig ako ng mga yabag na papunta sa kwarto."Oppa, ok---"


Hindi na naipagpatuloy ni Y/n ang sasabihin niya nang makita niya kami ni Jeonghan. Napayuko na lang ako ng ulo ko nang mapagtanto ko kung anong nangyari kanina.


Ahh... so totoo pala yung panaginip ko kanina. So I really told her that...


"O-okay ka lang ba, Seungcheol?", nauutal niyang tanong sa akin.


Bahagya aking tumango bilang sagot.


"Mabuti naman.", she replied in a faint voice


Sandali kaming natahimik pagkatapos nun. Parang lahat kami naghahanap ng mga tamang salitang masasabi nmin sa isa't-isa.


Madami akong gustong sabihin para sa kanilang dalawa...


Pero baka hindi ito yung tamang oras.


Nabasag ang katahimikan nang bigla akong mabahing.


"Ba-bakit ba ang lamig...dito? Gina-ginalaw niyo ba yung heater?", mahina king tanong sa kanilang dalawa at nagtalukbong ako ng kumot.


Pero nagulat ako nang lumapit si Y/n sa akin at inalis ang kumot sa mukha ko. Inayos niya ako ng higa sa kama at kinumutan hanggang sa dibdib ko.


Nakatitig lang ako sa kanya habang inaayos niya yung kama ko, wondering how long she can do this for me.


Y/n... ang dami kong gustong sabihin, akin. Narinig mo ba lahat ng sinabi ko sa'yo sa panaginip ko?


"Ay shit! Yung niluluto ko!", natatarantang sigaw ni Jeonghan atsaka lumabas ng kwarto.Nagulat ako nang marinig kong mahinang tumawa si Y/n.


"Aish, that oppa.", komento niya habang nakatingin sa pintuan. "Teka...bakit ko ba siya pinagluluto? Oh my gosh! Yoon Jeonghan!"


Nang akmang tatayo na siya, hinila ko siya paupo ulit at tiningnan sa mga mata.


"Y/n...", tawag ko at marahan na hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya.


"Seungcheol, alam ko. Narinig ko lahat. Pinakinggan kong lahat ng sinabi mo sa'kin.", tumigil siya saglit at tinanggal ang kamay ko sa braso niya.


Naramdaman kong nangingilid ang mga luha ko nang gawin niya yun. Natatakot akong uulitin niya na naman yung mga sagot niya kanina.


Na susuko ulit kami...


Pero laking gulat ko nang hawakan niya ang kamay ko.


"Let's stop surrendering, akin. I'm ready to fight for you, for us"


Parang tumigil ang buong mundo ko nang sabihin niya yun habang malawak na nakangiti sa akin.


---To Be Continued---

The Price of LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat