CHAPTER TWELVE: She's Watching

5 0 0
                                    

---3rd Person's POV---

Lutang na lutang si Seungcheol habang nagpa-practice sila. Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip niya ang nangyari noong nakaraang linggo when y/n passed out right in front of him and confessed how she still loves him even in her intoxicated state.

Nag-aalala siya para sa dalaga dahil, kahit na hindi dapat kasi pinagbawalan siya ni Bethie na dumalaw, nalaman niyang may nagbabanta sa buhay ng babaeng mahal niya.

---Flashback (5 Days Ago sa Hospital) ---

Nakatayo si Seungcheol sa tapat ng kwarto kung saan naka-admit si y/n at tahimik na nakikinig sa pag-uusap ni Bethie at ng doctor.

Hindi siya pinayagan ni Bethie na pumasok sa kwarto o maging sa hospital sa kadahilanang sikat ang binata at baka kung anong issue ang biglang ma-formulate ng mga paparazzi.

Napakunot na lang ang noo niya dahil di siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon.

"Ms. Y/n was poisoned?", Ms. Bethie asked the doctor, disbelief was evident in her tone.

"Yes, but don't worry. The poison used is not deadly. It was strong enough to knock her off, yes, pero masyadong mahina para mapatay siya. That's why even after the long exposure to the poison ay nagfa-function pa rin ang katawan niya.", paliwanag ng doctor. "The question is saan at paano siya nalason."

Napalingon si Bethie kay y/n at tiningnan ang natutulog na dalaga mula ulo hanggang paa na parang ini-scan ang dalaga. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sugat sa hintuturo nito na hindi niya pa nakikita. "She didn't eat anything that day. I guess the poisoning was not done through ingestion of the oral cavity. Perhaps... By scratching her skin with something laced with poison?"

Napatango ang doctor said sinabi ni Bethie. "I suggest a protective party for Ms. Y/n. Masyadong delikado ang nangyari sa kanya. Isang miscalculation sa dosage, pwedeng tumigil ang puso niya sa pagtibok.", the doctor said.

'May gustong pumatay kay y/n?', tanong ni Seungcheol sa isip niya habang nakatitig kay y/n nang puno ng pag-aalala.

---End of Flashback---

"Huy! Lalim ng isip ahh", panggugulo ni Wonwoo na tumabi kay Seungcheol sa sahig. Break nila sa practice. "Ingat, hyung, baka malunod ka. Babaw kaya ng isip mo XD"

Di siya napansin ni Seungcheol dahil abala ito sa pag-iisip tungkol sa kalagayan ni y/n. Kinakabahan siya. 'Pa'no kung sa susunod magtagumpay na yung gustong pumatay sa kanya?', lang tanging laman ng isip niya. Hinayaan na lang siya ni Wonwoo na maging lutang dahil wala rin siya sa mood na makipag-asaran sa lutang na tao.

Ilang minuto pa ang dumaan at nanatiling tahimik ang practice room ng SEVENTEEN dahil nararamdaman nila na parang may hindi tama sa leader nila at siguradong tatamaan sila pag ginulo nila ang nakakatakot na leon sa pag-iisip.

"Nung problem ni hyung? Nakakatakot tumingin, kala mo papatay.", bulong ni Seungkwan kay Mingyu na umiinom ng tubig.

"Ewan ko. Kanina pa nga yan eh. Pagkapasok pa lang natin, nakasimangot na agad. Nakakatakot nga kahit paghinga niya eh.", pagsang-ayon ng uling--- este ni Mingyu. Peace na, gusto ko lang talaga magpatawa XD

"Shh... Wag kayong maingay kung mahal niyo pa mga buhay niyo.", bulong ni Wonwoo sa kanilang dalawa na lumipat na kasi natatakot na rin siya sa facial expression ni Seungcheol.

"Mas mahal kita kesa sa buhay ko, babe.", paglalandi ni Mingyu.

Napangiwi si Seungkwan at naparolyo ng mga mata niya si Wonwoo bago ibato ang hawak niyang empty bottle kay Mingyu. Sapul sa mukha ang higante dahilan ng pagtawa ng iba.

"Pwes ikaw di kita mahal, giant uling na tinubuan ng mukha ng tao.", pagtataray ni Wonwoo.

"HAHAHAHAHA Basted si Mingyu-hyung! Iyak ka na, hyung, tapos mag-bar tayo. Syempre libre mo.", pang-aasar ni Chan.

"*gasps* Baby, sinong nagturo sa'yo ng ganyan?! Bad mag-bar!", pananawaynng self-proclaimed mama ng SEVENTEEN na si Jeonghan.

"Hay naku, hyung, don't us. Madaling araw ka na nga nakauwi kahapo kasi uminom pa kayo ni Jisoo-hyung pagtapos ng practice eh.", pambabara ni Myungho na nakaupo sa gilid na akala mo di nakikinig kasi nagbabasa ng libro.

Mas lalong lumakas ang tawanan kaya nagising si Seungcheol mula sa pag-iisip niya nang malalim. Napansin yun ni Seokmin kaya sinignalan niya ang lahat na manahimik kaya naman tumahimik ulit ang practice room nila.

Nagtaka naman si Seungcheol kung bakit nawala ang ingay. "Anyare? Bakit tumahimik?", tanong niya sa members niya.

Nagkatinginan naman ang iba. "Eh kasi, hyung, nakakatakot ka tumingin eh. Ano bang iniisip mo, hyung? Nakakatakot facial expression mo ngayon eh.", Mingyu explained.

"Ha? Talaga? Hala, sorry, kids. May iniisip lang talaga ako. Wala yun. Sige, mag-ingay lang kayo.", sabi ni Seungcheol sa kanila at ngumiti sa kanila.

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang ibang members ng SEVENTEEN nang marinig nila yun. Bumalik sila sa pag-aaway at pag-aasaran, na pinagsisihan ni Seungcheol kung bakit niya sinabing mag-ingay sila.

Biglang natigil ulit ang ingay nang bumukas ang pinto ng practice room nila at pumasok ang CEO nila na si y/n. Tumayo silang lahat at binati ang dalaga, samantalang nanatiling nakaupo si Seungcheol habang nakatitig kay y/n.

"No need for the formalities, guys. I'm just here to assess your year-end performance, just as what Mr. Choi suggested last week. Are you guys ready for the performance?", tanong ni y/n sa kanila.

Tumingin ang lahat kay Seungcheol, all is expecting na siya ang sasagot sa tanong pero nakatulala pa rin ito sa dalaga. Napabuntong hininga na lang si Soonyoung at siya na ang sumagot, "Yes, ma'am. Buo na po ang choreography at na-rearrange na po ni Jihoon yung kantang gagamitin namin."

Nagulat ang lahat nang ngumiti si y/n at bahagyang tumawa. Well, they find her laugh adorable, pero bago sa kanila yun kasi nakakatakot ang aura niya kapag napapaligiran ng mga assistant at secretary niya.

"Sorry. Ang cute niyo kasi eh. Call me y/n, Soonyoung-oppa. Actually, magkasingtanda lang po kami ni Hansol-oppa at Seungkwan-oppa. I was just born in the later month of May kaya I address them as oppa, too.", pagpapaliwanag ni y/n habang nakangiti pa rin sa kanila.

Mas lalong naglakihan ang mga mata nila nang malamang napakabata pa niya.

"Hala, edi pwede po kita tawaging Y/n-noona?", excited na tanong ni Chan while looking at y/n with shiny eyes.

Napa-aww ang lahat sa loob ng kwarto dahil sa ka-cute-an ng maknae. Ang iba di nakapagpigil at kinurot ang pisngi ni Chan sabay tap ng ulo nito.

"Yes, Chan. Napaka-cute mong bata ka!", panggigigil ni Y/n atsaka tinap ang ulo ni Chan na parang bata.

"Yehey! May noona ulit ako!"

Nagtawanan ang lahat, maliban kay Seungcheol na lutang pa rin. Pero bigla siyang napaangat ng ulo nang may ma-realize.

---SEUNGCHEOL'S POV---

Si Soonyoung tinawag na oppa pero ako Mr. Choi? What the heck? Di ba ako ang mahal niya?

"Tss.. Bakit ako Mr. Choi?", bulong ko sa sarili ko pero mukhan narinig naman ni Chan.

"Y/n-noona, bakit daw po si Seungcheol-hyung hindi mo oppa? Nagrereklamo po siya.", pagsusumbong ng duwende.

"H-huy wala akong sinasabing ganyan ah! Pauso ka, Chan!", depensa ko.

"Kasi...", paliwanag ni y/n. "Pangit si Mr. Choi. Ayoko sa kanya kaya Mr. Choi siya."

Napasimangot naman ako sa narinig ko. So ganon? Pangit ako? Oo na lang. Mukha namang masaya siya dun sa palusot niya. Pagbigyan... Mahal ko eh.

"Anyway, let's get on with the performance, shall we?", pag-aaya ni y/n.

The Price of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon