CHAPTER THIRTY-SEVEN: The Wedding of the Decade

6 0 0
                                    

----3rd Person's POV---


____________________­____________________­______________


[BREAKING NEWS]


Yoon Y/n and Alex Kang's Wedding of the Decade: Two of the largest companies here in South Korea are about merge in accordance to their CEOs' marriage."It's time to break the limits in the business world, with my fiancee, Yoon Y/n." -Alex Kang in his most recent interview.


____________________­____________________­____________


Tahimik na pinagmamasdan ni Y/n ang article na kaka-release pa lang kaninang umaga.


Parang kagabi niya lang kinausap si Alex Kang pero ngayon ay sobrang trending na ng balita tungkol sa kanila.


Gaya ng inaasahan, kahit papaano'y natabunan ng mga article na ito ang kasalukuyang issue ng SEVENTEEN.


Nakatuon na ang pansin ng media sa tinaguriang "Wedding of the Decade" nina Y/n at Alex, na sinasabing pinakamaganda at pinakamagastos na kasalang magaganap sa South Korea.


Nalipat ang tingin ng dalaga sa singsing na ibinigay ni Alex Kang. Ni hindi niya kayang titigan ito nang matagal nang hindi naiinis, maging isuot ito nang hindi nasasaktan.


"Pinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ako magsusuot ng kahit anong singsing besides Seungcheol's ring.", bulong niya habang nangingilid na naman ang mga luha.


Napangiti na lamang siya at bahagyang natawa. Tiningnan niya ang kaliwang kamay niya at itinaas ito para pagmasdan ang palasingsingan nito.


"Sorry, akin."


Matagumpay silang nakarating sa rest house ni Y/n sa L.A. upang itago nang pansamantala ang mga miyembro ng SEVENTEEN mula sa media. Nalaman na nila ang nangyari kay Jisoo kaya naman mas lalong tumaas ang tensyon sa paligid.


Pinakiusapan ni Jeonghan si Allec na sundan sina Jihyun at Jisoo, na sinang-ayunan naman ng dalaga, ngunit gaya rin ng inaasahan, na-block ni Jihyun ang signal na nanggagaling sa tracking ni device ni Jisoo, kaya naman wala silang kaalam-alam kung nasaan na ang dalawa.


Walang magawa ang mga miyembro ng SEVENTEEN kundi magdasal para sa mga hyung nila.Pagkadating na pagkadating nila sa rest house, tuloy-tuloy na pumasok si Y/n sa kwarto niya at nagkulong roon.


Si Seungcheol naman, hindi sumama sa kanila at rumenta ng hiwalay na apartment malapit sa rest house ni Y/n. Gusto niya man na magpaka-leader sa mga panahong yun, sobrang bigat ng pakiramdam niya kaya napagpasyahan niyang humiwalay pansamantala sa grupo, para makaiyak nang walang nakakakita.


Biglang tumunog ang cellphone ni Y/n kaya naman kinuha niya ito sa desk na katabi ng kama niya.


Lalong kumalat ang inis sa katawan ni Y/n nang makita niyang si Alex ang tumatawag.


"What do you want?", tanong ng dalaga.

The Price of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon