CHAPTER TWENTY-NINE: Protect SEVENTEEN At All Cost!

3 0 0
                                    

---Seungcheol's POV---


"Actually... Karamihan sa mga ships na nabuo nyong mga carats ay totoo.", Jeonghan confessed, habang hawak ang kamay ni Jisoo. Tiningnan niya ang reaksyon ng boyfriend niya at nang nakita niyang tumango nang bahagya si Jisoo, tinuloy niya ang pag-amin kay Y/n. 


"We are all in a relationship maliban kay Seungcheol at kay Chan. Me and Jisoo, Jun and Minghao, Wonwoo and Mingyu, Jun and Minghao, Soonyoung and Jihoon, Seokmin and Sofia. Pero don't worry, wala namang nakakaalam ng mga sikreto namin kundi kami-kami rin."

"And this bitch.", singit ni Y/n habang matalim na nakatingin sa mga litrtong nagkalat sa lapag.


Natahimik ang lahat. Malamang dahil sa takot na lumabas ang totoo. At sa tono ng pagkakasabi ni Y/n. 


Bumuntong-hininga ako bago subukang pagaanin ang mga loob nila.

"Guys, let's not think too much about this. Magpahinga muna kaya tayo? Hmm? Kagagaling lang namin kila Seungkwan at anong oras na din. Let's talk about this tomorrow, pag okay na tayong lahat at bumaba na ang tensyon.", panghihikayat ko sa kanila habang sinusubukang makipagpalitan ng tingin kay Y/n.


Mukhang kumalma naman sila dahil sa sinabi ko. May mga tumango sa'kin pero yung iba, tulala lang at nakatingin sa mga litrato, lalo na sina Soonyoung at Jihoon na kanina pa nag-uusap sa mahinang boses.


Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila at mukhang ayaw naman nilang iparinig kaya binalewala ko na lang.


"Yeah. We can do that. Mukhang hindi pa rin naman niya balak na gamitin 'tong mga 'to ngayong gabi. I think it's better to---"


Biglang naputol ang pagsang-ayon ni Wonwoo sa'kin nang tumunog ang cellphone ni Y/n. Dali-dali niya yung sinagot.


"Bethie? How's everything---", biglang nanlaki ang mga mata ni Y/n, dahilan para kabahan kaming lahat.


"Pa'nong na-hack?! Tang ina, hindi birong halaga ang pinapasahod ko sa Security Department tapos hahayaan lang nila na magamit yung site ng isang amateur hacker?! I-TRACK NIYO ANG IP ADDRESS NG HACKER!! WAG KAYONG TITIGIL UNTIL THIS BITCH'S LOCATION IS CONFIRMED!!", sigaw niya kay Ms. Bethie sa kabilang linya bago niya ihagis ang cellphone niya sa pader.


Nagulat kami sa ginawa ni Y/n pero walang nagsalita kasi sobrang nakakatakot ang itsura niya.


"Tch. Mga walang kwenta.", naiinis na bulong niya bago ilahad ang kamay niya sa harap ko.


"A-anong...?", nauutal na tanong ko sa kanya.


"Cellphone.", sagot niya, sabay irap sa'kin. 


Aba, pasensya. Malay ko bang yun ibig niyang sabihin, di ba? 

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at ibinigay sa kanya. May dinial siyang number.

"Hello?", rinig kong bati ng lalaki sa kabilang linya.


Teka...lalaki? Sino naman kaya 'to? Tch. Hindi ako nagseselos ah?


Medyo lang... Hehe 


"2:00 am. Oasis Hotel. Room 0320.", sunud-sunod niyang sabi bago ibaba ang tawag. Tpos, nag-dial siya ulit.

"Hyung, sure ka dyan?", bulong ni Seokmin sa'kin.

"Saan?", tanong ko naman.

Ngumuso siya sa sirang phone ni Y/n sa sahig. "Tingnan mo yun. Di ka ba natatakot sa kapalaran ng cellphone mo, hyung? Bakit binigay mo yun kay Y/n?"


Natulala ako nang sabihin niya yun.


Shit...Yung phone ko...


"KAPAG WALA PANG UPDATE SA LOOB NG 30 MINUTES ABOUT THAT BITCH'S LOCATION, YOU'RE ALL FIRED!!", sigaw niya sa phone ko at akmang ihahagis na yun.


Hinawakan ko ang kamay ni Y/n para pigilan siya sa paghagis ng cellphone ko. Na-out-of-balance siya kaya hinila ko ang bewang niya para masalo ko siya. Sa isang iglap, magkalapit na ang mga katawan namin sa isa't-isa at rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya at ang mainit niyang hininga. Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita nanlaki ang mga iyon.


Teka...


puso niya ba yung naririnig ko...


O sa'kin mismo?


Naramdaman kong uminit ang mukha ko nang malipat ang tingin ko sa mga labi niya. Bakit parang ang attractive ng labi niya ngayon? Parang gusto kong halikan...


"Ahh...so si Chan lang pala ang single.", panggulo ni Jeonghan.


Pareho kaming nagulat ni Y/n kaya naitulak niya ako palayo. Nagtawanan naman silang lahat kasi nahulog ako sa sahig.


"HAHAHHAAHAH si Chan lang walang love life!", pang-aasar ni Seungkwan kay Chan na nakanguso lang sa gilid ng kwarto habang nakasimangot sa'min.


"Huy hindi ahh!! Sasagutin na kaya ako ng magiging girlfriend ko!", pagmamayabang ng maknae.


"Wow ha. Advanced mag-isip, Lee Chan.", komento naman ni Mingyu, na nakapagpatawa ulit sa amin.


Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Napatingin ako kay Y/n na hawak ang mga pisngi niya na parang tinatago niya ang mga yon. Sa tingin ko, mukhang tinatago niya yung pamumula ng mukha niya.


Napangiti ako dahil sa ka-cute-an niya.


"So...anong nangyari, Y/n?", tanong ni Soonyoung.


Napatigil ang tawanan sa pailgid. 


Bumalik ang mabigat na tensyon sa paligid. Bumuntong-hininga si Y/n at pumikit bago kami harapin nang may seryosong aura sa paligid niya.

Right then, we all knew that we are fucked up.


"The bitch just released the photos."


---To Be Continued---

The Price of LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt