CHAPTER THIRTY-NINE: One Sick Day

3 0 0
                                    

---3rd Person's POV---


"So...", panimula ni Jeonghan habang nakapamewang sa harap ng natutulog na Seungcheol.


"Iiwan natin siyang mag-isa ng isang gabi tapos ganito ang gagawin niya sa sarili niya? Lakas ng loob humiwalay sa atin tapos di kayang alagaan ang sarili? Tapos ngayon pa talagang bawal tayong pumunta ng ospital? Really?"


Hindi sumagot si Y/n dahil nakatitig siya kay Seungcheol at nag-aalala.


Napansin naman yun ni Jeonghan kaya inrolyo niya ang mga mata niya at napabuntong-hininga na lang.


"Hoy. Ano? Tititigan mo lang yan? Pag tinitigan mo ba yan, mawawala lagnat niyan?"


Napakurap na lang si Y/n at tumingin kay Jeonghan na para bang nagtatanong kung anong gagawin niya.


Hindi pa nakakapag-alaga ng may sakit si Y/n dahil wala naman siyang kasama sa bahay noon at meron siyang private doctor para gamutin siya may sakit.


The perfect Y/n isn't that perfect after all, lalo na sa pag-aalaga ng mga tao.


"I... I don't know what to do...", mahinang sagot ni Y/n habang nangingilid ang mga luhang nakatingin kay Jeonghan.


Nagulat si Jeonghan nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Y/n. His face softened at the sight kaya nilapitan niya na lang ang dalaga and tapped her head.


"Don't worry. He'll be okay.", sabi ni Jeonghan habang nakangiti sa paiyak nang kapatid niya.


"Dito ka lang. Maghanap ka ng bimpo at punasan mo siya para bumaba ang temperature niya.

 Palitan mo siya ng damit. Hinaan mo ng kaunti yung heater. Lalabas muna ako saglit para bumili ng thermometer at gamot. Bibili na din ako ng pagkain nating tatlo."

Tumango nang bahagya si Y/n at ngumiti na rin.


Pagkaalis ni Jeonghan, maingat na ginawa ni Y/n lahat ng sinabi ng oppa niya.


"Bakit ka naman nagkasakit, akin? Nagpaulan ka ba?", mahinang tanong ni Y/n nang maalala niyang umulan pagkatapos nilang makarating sa rest house.


Malungkot niyang tiningnan si Seuncheol at inayos ang kumot na nakabalot rito bago ipagpatuloy ang paghahanap ng damit.


"Y/n...", rinig niyang tawag ni Seungcheol habang hinuhugasan niya ang bimpong nahanap niya.


Napatingin siyang muli sa kasintahan niya at naghintay sa sasabihin nito.


Naramdaman niyang muli ang pagsikip ng dibdib niya at ang mga luha niyang tutulo na anumang oras. Nilapitan niya si Seungcheol at hinawakan ang pisngi nito.


Nagulat siya nang hawakan ng binata ang kamay niya habang nakapikit pa rin ito at magkasalubong ang mga kilay.


"Y/n... Please wag... P-please...Wag mo kong...iwan...", bulong ng binata atsaka tumulo ang mga luha niya.


Tinakpan ni Y/n ang bibig niya para pigilan ang mga hikbi niya. Ayaw niyang magising si Seungcheol at makita siyang umiiyak, kaya pinigilan niya ang sarili sa paghikbi.


"Y/n... Y-Y/n... I love you... P-please don't--- Don't leave me, akin...", pakiusap ni Seungcheol sa pagitan ng mga hikbi niya.


Binuksan niya nang bahagya ang mga mata niya at kahit nanlalabo ang mga ito, nakita niya ang mukha ni Y/n.


Hinigpitan niya ang hawak niya kay Y/n habang iniisip na nananaginip lang siya. Na nananaginip lang siya at nagdedeliryo dahil sa lagnat.


Na paggising niya, wala naman talaga ang dalaga sa tabi niya.


"S-seungcheol...", mahinang tawag ni Y/n habang pinipigal pa ring mabasag ang boses niya.


"Bakit ba ayaw mo pang sumuko, akin? I just surrendered. Binalik ko na sayo yung singsing, Cheol. Binalik ko na sa'yo yung puso mo. Just let go of me na lagi na lang nagpapahirap at bumibitaw sa'yo. Sumuko na tayo, Cheol."

Masakit mang marinig ang mga salitang yun na nanggagaling mismo sa bibig niya, sinubukan ni Y/n na maging matapang ulit.


Pero di niya alam na kahit anong tapang pa ang ipakita niya, duwag pa rin siyang susuko para lang maprotektahan si Seungcheol at ang mga kaibigan nito.


"Hanggang ngayon... Susuko pa rin tayo? Sumuko na nga ako noon, akin. Pa-pasusukuin mo ulit...ako?", tanong ni Seungcheol. "Y/n... Wag naman ulit... Pagod na kong sumuko. Subukan naman nating lumaban..."


Tumahimik na lang si Y/n at binitawan ang kamay ni Seungcheol para kunin ang bimpo na binasa niya. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha ng binata habang walang patid pa rin ang pagtulo ng mga luha niya.


Nasasaktan siya.


Nasasaktan siya kasi galit na galit siya sa sarili niya, na kelangan pa ng pakiusapan ng lalaking mahal niya para lang lumaban.


Nagagalit siya kasi sobrang tapang niya sa harap ng mga board members at sa harap ng mga empleyado niya sa kompanya.


Pero pagdating sa harap ni Seungcheol at sa pagmamahalan nila... Sobrang hina at duwag niya.Nang matapos niyang asikasuhin si Seungcheol, iniwan niya and hinata at tumambay sa sala habang hinihintay na makabalik si Jeonghan.


Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang mga salita ni Seungcheol kanina at ang payo ni Jeonghan sa kanya.


Nakatulala lang siya sa sahig at malalim na nag-iisip kung tama ba ang mga hakbang na ginawa niya para maprotektahan ang SEVENTEEN. Iniisip niya kung tama lang bang masaktan sila ni Seungcheol kapalit ng kaligtasan nila.


Maya-maya pa, bumukas ang pinto at pumasok si Jeonghan sa apartment. Pero hindi ito napansin ng dalaga dahil abala siya sa pag-iisip.


Napangiti na lang si Jeonghan nang makita niyang seryosong-seryoso ang itsura ni Y/n.


"Sa wakas...", bulong niya sa sarili habang inaayos ang mga pinamili niya. "You came back to your senses, saeng."


---To Be Continued---

The Price of LoveWhere stories live. Discover now