Special Chapter:SoonHoon

3 0 0
                                    

---JIHOON'S POV---

***Day na na-admit si Soonyoung sa Hospital***

Kanina pa nakaalis si Seungcheol-hyung.

Saan kaya nagpunta yun?

Simula nung makasalubong namin si Ms. Bethie, di pa sya bumabalik.

Ako lang tuloy ang nagbabantay sa maingay na hamster na to.

Bakit ba ako sumama pa dito? 😑

Pigilan niyo ko, masasapak ko to.

Kala ko ba may sakit tong ulupong na to?

Bakit mas maharot pa to sa bulateng inasinan?

"Hoonie~ Hoonieee~ Hoons~ 😄", paulit-ulit niyang pagtawag sa'kin kahit na hindi ko siya pinapansin.

Nakakainis na hamster to.

Kung wala lang yang sakit, kanina ko pa yan hinampas ng gitara ko eh. 

"Jihoon..." Bigla akong napatingin sa kanya nang marinig kong seryoso ang pagkakatawag niya sa'kin.

Nilapitan ko agad siya nang makita kong nakahawak siya sa ulo niya.

"Bakit, Soonie? Masakit ba ulit ulo mo? Anong masakit sa'yo?"

Bigla akong kinabahan nang hindi siya sumagot agad.

"Huy, Soonie...", tanong ko habang pinipigilan ang pag-iyak ko. "*sniff* Di ko alam gagawin ko... Soonie..."

"Hala, hala, Hoonie, wag ka umiyak please. Ano ba yan? Jino-joke lang naman kita eh huhuhu Tahan na~ 😭", pagpa-panic niya sabay yakap sa'kin.

Namintig ang tenga ko sa narinig ko.

Ah...

Joke time pala ah 😒

Hinampas ko siya sa likod.

"Aray!", singhal niya.

Bagay lang sa'yo yan--- 

"Soonie, okay ka lang? Shit!" Ako naman ngayon ang nagpanic kasi umubo siya pagtapos ko hampasin. "Sorry na, Soonie 😭"

"*cough* Okay lang ako, Hoonie... *cough* Medyo malakas lang pagkahampas mo. Bawas-bawas naman sa kasadistahan, love XD", he replied, trying his best to reassure me.

Hinimas ko na lang ang likod niya at naupo na sa tabi niya.

Nginitian niya nang pagkalapad-lapad at hinawakan ang kamay ko.

"Cute mo, love.", komento niya.

Tiningnan ko siya ng masama. "Gusto mong isa pang hampas, 'love'? Mukhang di pa sapat yung isa eh."

"Joke lang, love. Sakit mo manghampas eh. (- 3 -) Kiss na lang para mawala na lagnat ng love mo 😳", pang-uuto ng hinayupak.

"Kiss mo mukha mo. Anong love-love? Tayo na ba, Soonyoung? Sinagot ka na?"

"Eeeeehh~~ sagutin mo na kasi ako para pwede mo na ko i-kiss 😚"

"Ayoko nga. Manigas ka dyan. I-kiss mo sarili mo, ul*l. Ikaw din naman may kasalanan kung bakit ka may sakit ngayon. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating g*go na nagpapalipas ng gutom at nagpapaulan, malamang wala ka ngayon dito at nagpa-practice pa tayo."

Lalo namang hinabaan ni Soonyoung ang mga labi niyang naka-pout at sumimagot na kala mo batang ayaw bilhan ng candy.

"Sungit 😑", rinig kong bulong niya bago humiga sa kama, tumalikod sa'kin at nagtalukbong ng kumot.

The Price of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon