CHAPTER TWENTY: Karupukan Dahil sa Abs

5 0 0
                                    

---3rd Person's POV--- 

Tahimik na kumakain si Seungcheol habang pinapanood si Y/n na mag-type sa laptop niya.

Nag-aalala siya kasi akala niya nagtatrabaho na naman ang dalaga kahit na hindi pa ito kumakain.

Pero ang totoo?

Eto tina-type ni Y/n sa laptop niya... 

***Monitor ng laptop ni Y/n*** 

--------------
CHOI SEUNGCHEOL, PANO NA KO MAKAKA-MOVE ON NYAN SA ABS MO HA?! KUNG ALAM MO LANG KUNG GANO KA KA-SEXY KANINA, MALAMANG IKAW MISMO MAGDEMANDA SA MGA MAGULANG MO DAHIL SA PAGGAWA NILA NG ISANG NILALANG NA DAHILAN NG HEART ATTACKS NAMING MGA CARAT!! ILLEGAL KA AT ANG PUTANG INANG KAGWAPUHAN MO!!! GUSTO KITANG SAKALIN NGAYON, HAYUP KA!! TAPOS KUNG MAKATITIG KA NGAYON KALA MO KUNG SINONG CONCERN. EH MUNTIKAN MO NA NGA AKONG PATAYIN, HINAYUPAK KA!! PAGBABAYARAN TALAGA TO NI YOON JEONGHAN!!!
-------------- 

"Uhmm... Y/n?", tawag ni Seungcheol sa dalaga pero hindi siya narinig nito dahil sa nanggigigil pa syang nagta-type sa laptop niya ng mga pagbabanta sa Jeonghan-oppa niya. 

"Ahem, y/n.", mas malakas na tawag ni Seungcheol. 

"Ay, abs! Puta, ano ba yun, Seungcheol?!", inis na tanong ni y/n. 

Napakurap naman si Seungcheol habang dina-digest yung sinabi ni Y/n. 

"Pfft... HAHAHAHAHHAAHA" 

"Isa pang gamit ng syllable na 'ha', paglalamayan ka na, Choi Seungcheol.", pagbabanta ng dalaga habang nakatingin nang masama sa tumatawang lalaking kaharap niya. 

Mabilis namang tinakpan ni Seungcheol ang bibig niya dahil sa takot na baka ihampas ni Y/n ang laptop sa mukha niya.

Pero malawak pa rin ang ngiti niya dahil sa slip of tongue ni Y/n kanina.  

'Abs lang pala katapat nito eh. Di naman niya sinabi para naipakita ko pa sa kanya. Sa kanya naman talaga yun, sa kanya naman talaga ako.', bulong ni Seungcheol sa isip niya. 

"Hoy! Anong ngini-ngiti mo dyan ha?! Gusto mong sapakin kita para mabura yang ngiti mo sa mukha mo?!" 

"Napakabayolente mo talaga, Y/n.", komento ni Seungcheol bago sumubo ng pagkain niya.

"Bawal ba ngumiti? Illegal na ba pagiging masaya ngayon, ha?" 

"Tch. Masaya ka lang dahil nadulas yung dila ko, gago.", bulong ni Y/n. 

"Ano?" 

"Wala! Sabi ko bilisan mo dyan para maihatid na kita sa bahay ni Seungkwan-oppa at makapagpahinga na ko!", pagpapalusot ng dalaga habang binubura lahat ng tinype niyang kalandian kanina.  

"Eto na po. Bibilisan ko na po.", sagot ni Seungcheol.

"Sungit mo.", bulong niya pero narinig ni Y/n kaya tiningnan siya nang masama. 

Natahimik ulit ang dalawa.

Tanging mga ingay na lang ng kubyertos at ang cellphone ni Y/n ang maririnig.

Nagpapatugtog kasi siya ngayon at kasalukuyang nagpe-play ang <LET ME HEAR YOU SAY>.

Nagulat si Y/n nang biglang sabayan ni Seungcheol ang part niya sa kanta at nagsasayaw pa habang kumakain.

Sikretong napangiti siya dahil sa ka-cute-an ni Seungcheol na nagba-body wave habang may subong kutsara. 

'Gwapo ka ba talaga o cute? Nakakainis na pagiging perfect mo.' 

Nawala naman ang ngiti niya nang maalala niya kung anong nangyari kagabi.

The Price of LoveWhere stories live. Discover now