CHAPTER THIRTY: Who's Alex Kang?

3 0 0
                                    

---YOUR POV---

"Seungcheol, listen to me.", pagtawag ko sa atensyon niya.


Tumingin naman silang lahat. Tuloy nagtaka ko kung lahat ba sila Seungcheol pangalan. At dahil lahat naman sila nakatingin, lahat na lang sila kakausapin ko.


"In a few minutes, dadating ang driver ko na may dalang bus at susunduin kayo para ihatid kayo sa airport. Dun niyo ko hintayin sa private jet ko. Lilipad tayo papuntang America and will stay there for a couple of days. Iso-sort out natin lahat dun, while I'm trying to find the hacker."


Nagtinginan sila na para bang tinitingnan kung okay lang ang reaksyon nilang lahat tungkol sa sinabi ko.


"Pa'no yung issue? Di ba tayo maglalabas ng statement about dun?", tanong ni Seungcheol sa'kin.


I pursed my lips at nag-isip mabuti ng tamang sagot sa tanong niya. This is a big issue. Hindi namin to dapat balewalain dahil pag nagkataon, lahat ng pinaghirapang namin, nawawala ng parang bula. Hindi biro ang usapin ng sexuality sa bansang 'to.


I have to make a move na kahit papano, makakapag-divert ng atensyon ng media papalayo sa SEVENTEEN.


"We will sort it out later.", tanging mga salitang nasabi ko habang pinag-iisipang mabuti ang susunog na hakbang na gagawin ko.


Tinititigan ako sa mga mata ni Seungcheol, na para bang may gusto rin siyang sabihin sa akin.I felt longing for his hands. Gusto kong hawakan siya sa mga kamay, yakapin siya, atsaka umiyak nang umiyak.


Because right now, I feel guilty.


Sa akin lang ang atensyon ng threat noon. Ako lang ang nasa panganib noon. Pero because of me, nadawit ang mga inosenteng taong katulad nila.

I felt my eyes tearing up. I want to cry...


Pero hindi muna ngayon, dahil ako ang mukha ng Pledis. Kelangan kong magpanggap na matapang, para maprotektahan ko ang mga artists ko...


Especially, SEVENTEEN.


May naramdaman akong kamay na dumampi sa likod ko and gave me a pat. Nang tingnan ko kung sino, nakita ko si Jisoo-oppa na nakangiti sa'kin.


"It's okay, Y/n. Everything's going to be okay.", sabi niya sa'kin at nagulat ako nang hilahin niya ako at yakapin.


Naramdaman kong tutulo na ang luha ko kaya tinago ko ang mukha ko sa balikat niya.


"I know, oppa.", bulong ko sa kanya while secretly letting out some beads of tears.


Nang bitawan niya ako, lumapit siya ulit kay Jeonghan-oppa at inakbayan ito.


Napatingin naman ako kay Seungcheol at natawa nang makita kong ang talim ng tingin niya kay Jisoo-oppa. Parang papatay siya kung makatingin.

The Price of LoveWhere stories live. Discover now