CHAPTER THIRTY-FIVE: The Illegitimate Child

3 0 0
                                    

---YOUR POV---


*****FLASHBACK*****


Sino nga bang makakapaniwala?


Na isa pala akong anak sa labas ng isang mayamang businessman na nakilala ni mama sa bar na pinagtatrabahuhan niya noon?


Kahit para sa'kin, sobrang nakakagulat ang katotohanan na yun.


"Jeonghan, Jihyun, this is your sister, Y/n.", dad introduced me sa isang lalaki at sa isang batang babaeng mukhang mas matanda lang konti sa akin.


I was actually 5 years old nung nakilala ko ang mga kapatid ko sa tatay ko.


Si Jeonghan-oppa at si Jihyun-eonnie.


"Hi.", mahinang bati ko sa kanila, hoping na magiging mga bagong kalaro ko sila.


Well, after all, sobrang bata ko pa noon, and for a little girl, everything is always made of candies and rainbows.


So I smiled at them, with my pure heart. Without knowing na sa pamamahay ng mga Yoon, it's always about rivalries and competitions.


"That's our sister? That filthy looking girl is our long lost little sister?", mataray na tanong ni Jihyun-eonnie.


Bawat salita niya, tumatagos sa puso ng isang limang taong gulang na batang tumira sa isang simpleng tahanan na electric fan at t.v. lang ang meron, at nawalan ng ina nang maaga kaya kinatulong ng mga kamag-anak niya.


I thought dad would save me from my abusive relatives like a knight in shining armor sa mga fairytales.


Pero it turns out he was just there to just change my battleground, and nothing more.Sounds like an ordinary Korean drama, right?


Pero believe it or not, it really happens in real life.


Sa kanilang dalawa, Jeonghan-oppa is the unresponsive one.


Hindi siya masyadong nakikipag-interact sa kahit kanino. Lagi siyang tahimik sa loob ng mansyon at lagi lang nagbabasa ng mga libro niya. Palagi siyang sumasang-ayon sa mga gusto ni dad at kahit kelan hindi pa napagalitan o napagsabihan, dahil sa bukod sa pagkamasunurin niya, napakatalino ni Jeonghan-oppa at laging nag-uuwi ng mga trophies and medals.

Di makabasag-pinggan ang isang Yoon Jeonghan sa loob ng mansyon.

At sa mura kong edad, I admired him the most.


Sa kabilang banda, si Jihyun-eonnie ang boses ng mga Yoon.


Kahit na magkapantay sila ni Jeonghan-oppa pagdating sa talino at mga academic achievements, magkaibang-magkaiba sila dahil may sariling boses si Jihyun-eonnie sa loob ng mansyon. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya.

The Price of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon