CHAPTER FORTY-ONE: Channie's Secret Noona

3 0 0
                                    

---Third Person's POV---


"Soonyoung-hyung!! May kausap na babae si Channie sa cellph---"


Di natapos ni Seokmin ang pagsusumbong nang hilahin siya ni Chan at takpan ang bibig niya.


Dali-dali namang tumakbo ang ibang members nang marinig nila ang sigaw ni Seokmin.

"Ooohh~ Binata na maknae natin!", pang-aasar ni Seungkwan atsaka inakbayan si Chan.


"H-hyung!"


"Eyy...pakilala mo naman kami sa girlfriend mo, Chan! Wag kang madamot!", komento ni Mingyu habang naglalakad galing sa kusina kasama si Wonwoo.


"Hi-hindi ko po siya girlfriend!", depensa ni Chan nang namumula ang mga pisngi.


Lalo namang lumapad ang mga ngiti ng mga hyung niya nang makitang sobrang nahihiya ang maknae ng grupo nila.


"Weh~ Di nga~", pangungulit ni Soonyoung habang sinusundot-sundot ang pisngi ni Chan. "Wag ka na mahiya, maknae~ Yiiee~"


"May girlfriend na si Chan! May girlfriend na si Chan! May girlfriend na si Chan!", sabay-sabay na sigaw nila para mas lalong asarin ang pulang-pula nang maknae nila.


"Ano... hin-hindi ko nga po siya girlfriend!", sigaw ni Chan. "Pero...uhmm..."


"Hmm? Pero?", tanong ni Soonyoung habang nagniningning ang mga mata dahil sa sobrang excitement.


"Uhmm... crush... crush ko po siya hehe", nahihiyang tugon ng binata habang tintakpan ang mukha niya dahil sa kahihiyan.


Bigla na namang nag-ingay ang ibang members. Chineer nila si Chan. Pinisil-pisil nila ang pisngi at ginulo ang buhok ng maknae nila.


"Binata na talaga ang baby namin huhuhu T^T", pag-iinarte ni Soonyoung.


"Parang kahapon lang, pinapalitan ko pa siya ng diaper T^T", sabi ni Seungkwan habang nag-iiyak-iyakan at yakap si Hansol.


"Gamit ka lagi ng condom, bibi ah? Mahirap na---"


"Tumigil ka ngang hinayupak ka. Kung anu-anong tinuturo mo sa bata eh!", pananaway ni Minghao kay Jun atsaka piningot ang tenga nito.


"Hala, nanonood nga ng---"


"Hyung!", muling sigaw ni Chan kaya naman natawa ulit ang mga members.


Sakto namang tumunog ang cellphone ni Chan. Naghiyawan ang mga hyung niya.


"Whoo! Go get him, tiger! Rawr!", pagpe-pep talk ni Soonyoung habang minamasahe ang balikat ni Chan.


"Whoohoo~ Fighting, dongsaeng! Yakang-yaka mo yan! Daanin mo sa moonwalk para mapasagot mo agad!", sabi ni Hansol atsaka nag-thumbs up.


Napabuntong-hininga na lang si Chan dahil sa pang-aasar ng mga hyung niya.


"Fighting!"


Umiling na lamang siya at napangiti habang naglalakad papalayo sa kanila para masagot niya ang tawag.


"Hello? Noona?", bati ni Chan sa caller niya.


"Kamusta ka na? Okay lang ba kayo dyan?", tanong ng babae sa kabilang linya.


Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni Chan nang marinig niya ang boses ng naiibigan niyang babae. Napangiti siya at simretong napangiti dahil sa tanong ng dalaga sa kanya.


"Opo, okay lang po kami dito. Lumipad lang po muna kami sa L.A. para po medyo uumupa po muna yung issue.", nahihiyang tugon ni Chan.


"Mabuti nam---"


Nagulat si Chan nang marinig niyang may nahulog sa background ng kabilang linya.


"Shut up. I'm talking to Chan over here.", rinig ni Chan na pakikipag-usap ng noona niya sa kung sino.


"Uhmm noona? Okay lang po ba kayo dyan?", nag-aalalang tanong ni Chan.


"Yes, Chan. Okay lang kami dito. Masyafo lang talagang maingay 'tong kasama ko."


"Ahh..."


"By the way, okay lang ba sa'yo if magkita tayo ngayon? Actually, nasa L.A. din ako ngayon eh. I just miss hanging out with you. If you want, pwede tayong mag-shopping or something like that."


"Ta-talaga po, noona?", excited na tanong ni Chan.


"Yeah. Sunduin na lang kita dyan. Just text me the address and I think I will be ther before...uhmm... 3:00 pm? What do you say?"


"O-okay po, noona. Text ko po sa inyo ang address."


"Okay. See you, Chan~"


"See you po, Jihyun-noona."


---Jihyun's POV---


"Bye~", pagpapaalam ko kay Chan bago ibaba ang tawag.


Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko at inilipat ang tingin ko kay Jisoo nakasalampak sa sahig habang nakati sa upuan.


"You really don't know when to give up.", I commented while coldly staring at him.


"D-don't... please... w-wag si Chan..."

The Price of LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu