002 - AMNESIA

8K 327 55
                                    

Pagkadilat ng mata ng dalaga ay agad siyang napatayo ng mahinhin na para bang siya ay bagong gising na hinalikan ng kanyang prinsipe. Nakaramdam siya ng muling pagkabuhay na ikinangiti ni Asteria.

Nakapaloob siya sa isang silid na walang palamuti at puting kulay lamang ang nakapinta sa bawat pader. Nakahiga siya sa simpleng higaan at dalawang pares na pundang unan lamang ang nakapatong dito kasama ang puting kumot. Nahagip din ng kanyang paningin ang isang malaking kahon na parang may ibinibigay na lamig (aircon) na ikinalito niya.

"Hindi ako namatay. Sigurado ako na bumalik ako sa nakaraan kung saan ang aking edad ay nasa sampung taong gulang pa lamang." napatawa siya sa sarili na parang baliw at hinawakan ang kanyang buhok na unti-unti niyang nasilayan ang malinaw na kulay nito.

"B–Bakit ang buhok ko ay parang kakulay ng ginto?!" nagpapanik na saad niya. Hinibla niya ang iilang buhok at hindi nga siya namamalik mata na ang buhok niya ay ginto.

"W-W-Wala akong ganitong klase ng buhok!!" pasinghal na saad niya. Nakaramdam din siya ng panlalabo sa kanyang paningin na isa din sa kanyang pagtataka.

Hindi din malabo ang mata ni Asteria simula ng pagkabata niya. Ang katawan niya ay parang katawan ng isang mahinang nilalang! Sobrang bigat kung ninanais man niya gumalaw at parang tamad na tamad ito kumilos sa kanyang sarili.

Bigla siyang nagulat ng may isang nilalang ang bumukas ng pinto. Isa itong katulong na nakadamit ng uniporme. Inaasahan ni Asteria ang pormal nitong pagbati sa umaga ngunit bigla itong sumigaw na agad na ikinainis niya.

"Madam Shania!" patakbo na niyakap ng katulong si Asteria sanhi ng pag bibigay niya ng sampal sa katulong.

"Huwag mo akong yakapin! Isang mahirap na nilalang!!" tumagos ang boses ng dalaga sa loob ng kuwarto na ikinabigla ng katulong.

"M-Madam Shani–"

"Sinong Shania ang ibinubuka ng iyong bibig?! Hindi mo ba ako kilala? Ako si Asteria Avalanche!! Isa akong anak ng Duke na nagmula sa mayamang pamilya! Wala ka bang respeto?! Ano ang iyong pangalan at sasabihin ko kay ama na tanggalan ka ng trabaho!!"

"M-M-Madam! Maawa ka saakin! Ito na lamang ang aking trabaho. Ang aking sahod ay sapat na para sa araw araw naming pamumuhay." nauutal itong sinagot ng totoo si Asteria. Lumuhod ito bilang pag mamakaawa na ikinangiti ni Asteria.

"Sinungaling ka. Kung ito na lang pala ang matino mong trabaho ay gawin mo ng maayos ang iyong gawain! Pinapasahod ka ng maayos para gumawa ng tama! Sa susunod na pumalpak ka ay hindi na kita bibigyan ng isang pagkakataon para magtrabaho saakin." inikot nito ang kanyang mata ng nakita niya na tumayo ang katulong. Bakas dito ang luha sa kanyang mata dahil hindi niya na nakikilala ang amo sa kanyang harapan.

Nasilayan ni Asteria ang kamay nito na nangigigil na hinawakan ang pananamit. Pinipigilan ang hikbi ngunit lalo pang uminit ang ulo ni Asteria.

"Bigyan mo ako ng tubig. Pagkatapos, huwag ka nang babalik. Isang inutil."

Tumango ang katulong at agad na lumabas. Pagkalipas ng ilang oras, bumalik ito na may dalang baso ng tubig ngunit... Marami na itong kinakasama. Sa likuran nito ay isang lalaki na nakabalot ng puting kapa at ang dalawang tao naman ay naka pormal na suot. Hindi niya din madiskubra ang uri ng kanilang moda.

Kakaiba ang kanilang kasuotan. Mas nakakapukaw ng atensyon, maaliwalas tingnan at mukhang hindi mabigat na suotin. Hindi tulad sa kanya na kailangan niya pa manamit ng maraming sapin at sapilitan na isuot ang paha. Isama na ang mabibigat na aksesoridad at sapatos na dapat ay mataas ang takong.

"A-A-Anak!" mahinhin na saad ng ina. Balak sana ito salubungin ng mahigpit at mainit na yakap ng sumabat sa nakakatakot na tono ang kanilang anak.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon