038 - ALL ABOUT HER

502 36 0
                                    

Habang saba'y sabay na kumakain, ang mga pamangkin mismo ni Zioquel ang unang naging malapit kay Shania. Helian is a girl with a cheerful attitude. Ang buhok nito ay tsokolate at ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi. Nasa limang taong gulang pa lamang ito habang ang dalawa namang lalaki na kinakasama nito ay parehas na anim na taong gulang.

Ether is a quiet guy at kalbo ang lalaki. Marl has an army cut hair. Simpleng cartoon pattern ng pananamit ang kanilang kasuotan na magkapares na sando at shorts.

"Ate! Narinig ko na puno ng mayayaman yung school ni kuya! Saka, mala kastilyo daw school niyo? Kung may picture ka pwede patingin kami?" Helian asked. It's more like a request.

"Sure." inabot ni Asteria ang iphone. Maingat na kinalantari ng ang mga bata ang pictures sa iphone, sinaway sila ni Zioquel.

"Hoy, kayong tatlo mag ingat kayo. Mahal cellphone ni Shania."

"Opo" magalang na sagot ng mga bata. "Hala, parang nasa Disney kayo. Gusto ko din makapasok sa school niyo ate! Feeling ko isa na din akong Princess pag nakapasok ako doon."

"Makakapasok ka naman doon, basta lagi kayong mag-aaral ng mabuti at abutin niyo mismo ang pangarap niyo sa buhay." sumubo ang dalaga ng kanin at ulam nito ay Chop Suey. May sariling mundo din sina Zioquel at ang mama at papa nito.

"Anak, grabe. Impossible talaga na jowa mo siya."

"Ano ba naman kayo Tay, Nay. Aksept da fakt na naging kami. Kung may tatanungin kayo tungkol sa kanya ay huwag kayo mahiya. Saka, hindi naman ganun ka arte si Shania na isang uri ng mayaman na nakikita niyo sa palabas. Tingnan niyo, malapit agad sa mga pamangkin ko."

"Madami ba pagkain doon ate Shania?"

"Yes. There's a lot of food to grab in there." hinawakan ni Shania ang buhok ni Helian. "Ang ganda ng buhok mo, bakit lagi mong tinatali?"

"Kasi ate, yung mga ka schoolmate ko pinagtatawaman yung buhok ko. Parang pancit canton daw."

"Pancit canton? Ahm... Ano iyon? Saka, Sir... Ma'am, ang sarap po ng mga inihain niyong gulay."

"Ano ka ba! Maraming presh na gulay saka prutas saamin. Kuha ka lang diyan kung ano ang iyong gusto. Zioquel, oo nga pala. Bukas wala kami ng tatay mo dahil bibisita kami sa tita mo. Ikaw muna bahala sa mga pamangkin mo ah." paalam ng nanay nito.

"Maasahan niyo ako. At kayong tatlo, huwag naman kayo magpasaway." turo ni Quiel sa mga bata.

"Hindi kami magpapasaway kuya. May bisita! Makikipaglaro muna kami kay ate Shania!" Marl smiled. "Ate, pwede picture tayo sa cellphone mo?"

"Sige, mag picture tayong lahat." She agreed like a little lamb. Nakailang take na sila ng photos. Pagkatapos nila kumain, si Zioquel na ang nautusan maghugas ng pinggan at pinapunta ng mga magulang ni Quiel ang mga bata papunta sa isang kuwarto.

"Shania ang pangalan mo diba? Ako si Jonathan at ito naman ang asawa ko. Si Quiessele."

"H-H-Hello po!"

"Alam mo naman na mahirap kami diba? Ano... Gusto lang namin masigurado na... Hindi mo pinagtri-tripan ang damdamin ng anak ko."

"I LIKE HIM." She truthfully confessed.

"I like your son. At saka isa pa, kahit medyo bago pa lang po kami sa relasyon we are still improving day by day. Madami pa po kaming dapat pagdaanan, at haharapin po namin iyon ng magkasama." napahawak sa magkabilang pisngi si Asteria ngmaramdaman niya ang pamumula ng kanyang mukha.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon