044 - NOVEMBER

435 32 0
                                    


Humikab si Shania dahil sa puyat na natamo niya. Linggo kahapon pero bwinisita siya ni Zioquel kanina dahil may atraso sila kay Mrs. Sniff. Simple lang naman ang ginawa nila sa loob ng kusina at ayun ay ang mag bake ng cookies. The administrators of the school required to all of the students to do some simple task. Kahit mag bake ay pwede din dahil napaka rare ng isang tao na gumagawa ng bukal sa kalooban ang isang taga RPW na estudyante. Halos lahat sila ay tamad sa totoo lang.

Naka pasa si Zioquel pero pinasang awa lang si Shania dahil ang kanyang ginawa na pagkain ay medyo sunog na din. Nasa banyo siya ngayon at naglalaba ng mga undergarments at isinampay ito sa sampayan sa loob ng banyo pagkatapos maglaba.

Monday at walang pasok dahil sumapit na ang araw ng mga patay. Guess they were lucky to have another rest day. Si Sienna naman ay nagtirik ng kandila para ipagdasal ang mga namatay nitong lolo, lola at mga ninuno. Lumabas ng banyo si Shania at tiningnan si Sienna na nagdadasal habang may hawak na rosario. Mga ilang segundo, napagdesisyunan nito na mag type sa cellphone nito.

Minamahal kong Shania,

Sumapit na ang buwan ng nobyembre ngunit ito ay parang isang normal na araw lamang saakin. Kung alam mo lang kung paano namin pinaghahandaan ang araw ng mga patay ay nagsasagawa ang iba na gumawa ng basket na paglalagyan ng bulaklak. Magkakaroon din ng prosisyon ngunit para lamang ito sa mga mahihirap. Ang mga mayayaman ay may spesipikong lugar upang bisitahin ang mga mahal nila sa buhay. Ugali nilang magkaroon ng mahabaang padasal at sikat din saamin na magkuwento ng nakakatakot at puno ng kababalaghan. Ito din ang araw ng legalisasyon ng pagpapakamatay at sampung araw na padasal upang mawala ang masasamang espiritu sa bawat bayan. Mabilis pala ang pag-agos ng oras, baka kinabukasan magugulat na lang ako na hindi ko na kapiling sina Zioquel at ang aking mga kakilala.

Nagmamahal,
Asteria.

"Hindi ka magtitirik ng kandila?"

"Hmnn, nakakuha ako ng mensahe kina mama at papa na magdasal pero mamayang gabi ko na gagawin." she smiled and looked at the hourglass that was displayed at the top of her table. Hindi man kakilala ni Asteria ang mga kamag-anak nito, kailangan niya pa din magbigay galang dahil ang katawan na kanyang pinaghihiraman ay nagmula sa totoong Shania.

Nangalahati na ang hourglass, pero walang ni iisang buhangin ang nahuhulog dito. She tried to flip the hourglass hoping that the consumed sand could transfer on the other side, but sadly... Parang naka steady lang ito. Humiga si Sienna sa kanyang higaan at tinabihan siya.

"Handa ka na ba sa Festival Booth?" Sienna asked.

"Ano bang gagawin sa Festival Booth? Hindi pako handa dahil kahit anong klaseng pahinga ko ay tila'y tumindi ata ang pagpapahirap saatin. Lalo na't lunod na lunod na tayo sa mga gawain." ayaw sa lahat ni Asteria na nagpupuyat. Pero kahit gaano siya kabilis tumapos ng mga takdang aralin ay parang may susunod na naman silang gagawin.

"Kailangan natin mag entertain ng lower years. Bali gagawa tayo ng booth tapos sila bibisita saatin."

"What about the club activities? Diba may tugtog pa tayo sa banda?" naglaro na lang sa cellphone si Asteria ng sodoku.

"Excused tayo." Sienna sighed.

"Nag-release na ng poster ang student council. Tayong mga magkaka-klase sa Etiquitte class ay nag decide maghandle ng Ball. Something like that?"

"So... Server tayo?" Asteria simply cannot believe na gagawin niya ito sa kanyang buhay. Mas gugustuhin niya magluto kaso hindi siya gaano karunong...

Hindi talaga siya marunong.

"Malamang? Pero magkakaroon naman ng list kung ano mga roles natin."

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon