018 - CROSSED PATHS

2.4K 108 3
                                    

Minamahal kong Shania,

Lubos ko na ikinagagalak na ibalita sa iyo na ikaw ay nakapasok na sa bagong club! Ngayon, pag aaralan ko na kung paano gumamit ng gitara at pag-aralan ang ibang instrumento bukod sa klasikal. Hindi ko alam kung paano maipapahayag ang aking ekspresyon ngayon... Habang nasa entablado ako ay para akong nakaramdam ng pagkalito. Alam mo ba ang pakiramdam na akala mo'y nangyari na ang nangyari sa hinaharap ngunit parang ito ay malabo din mangyari? Tila'y baliw na ata akong pakinggan sa ngayon at hindi ko masabi ng maayos. Nahagip ng mata ko sina Zioquel at Ione upang masuportahan ako. Alam kong nagkataon lang din sila doon pero parang itinadhana na subaybayan nila ang aking perpormasyon. Inaamin ko, nanakit ang dibdib ko ng nakipagusap si Jairuss doon sa isang dalaga. Ipinokus ko ang aking paningin pero malabo ang mukha ng babae. Ako'y kinakabahan sa hindi malaman na dahilan ngunit maari ko din itong ipagsawalang bahala.

Nagmamahal,
Asteria.

Habang nasa malaking silid sina Shania at Sienna, taimtim na naguusap ang buong klase habang hinihintay ang kanilang guro sa Ingles. Hindi alam ni Shania kung ano ang kahalagahan nito pero nabanggit ni Sienna na isa ang Ingles sa madalas na ginagamit pagdating sa komyunikasyon.

Naeenganyo si Shania dahil bukod sa Ingles, napagkainteresan niya din ang iba't ibang manunulat na nakilala niya nung panahon na siya ay nabubuhay bilang si Asteria. Totoo na pasok sa mga dalaga ang mabubulaklak na salita ngunit may iba din na tumitingin sa realidad at hanap ang mapapanakit na nilalaman.

Natigilan sa paguusap ang magkaibigan ng maramdaman nila ang presensya ni Purple Ignacio. May mga usap-usapan na ito ang pumalit sa posisyon ni Shania pero kinumpirma na mismo ng binata na hindi iyon totoo at isang gawang haka-haka lamang.

"Hello, Manang Prinsesa." Purple smiled.

"Pagbati din sayo, Purple."

"Ahhhh, English ngayon. Pwede ka mag sabi ng ibang salita na ingles din." Tumabi si Purple sa upuan ni Shania. Umusog ang dalaga pero naka harang si Sienna kaya may malaking espasyo mula sa gilid nito.

"Sienna. Umusog ka."

"Ayoko."

Napansin din ni Shania ang kakaibang pag-akto ng kanyang kaibigan. Kumpara sa dati ito'y isang masunurin na aso sa kanyang amo. Ngunit nagyon, para na itong isang pasaway na bata na mahirap suyuin, pakisamahan at kontrolin. Hindi na din mag-aangal si Asteria sapagkat pakiramdam niya ay mas lalo siyang natutuwa sa kakaibang personalidad ni Sienna.

She's acting like they're equal. Not as just a classmate or a friend but as a person. Para talagang may sumpa ang kaibigan na hawaan siya nang kanyang kaugalian.

"Oo Sienna, wag kang uusog." lalong lumapit pa si Purple sanhi ng pagkaipit ni Shania. Naipit siya sa pagitan nila Purple at Sienna.

"A-Ano... Maari bang magtanong kung may kaklase tayong Annalise?" tanong niya sa dawalang tao.

"Maraming Annalise na name dito. Anong grade level niya saka anong last name? Maari kong ipahanap pagtapos ng klase." Purple suggested as he took out his phone from his pocket.

'Ano ba ang huling pangalan ni Prinsesa Annalise?' inaalala ni Asteria ang huling pangalan nito. Ang hindi niya alam, si Annalise ay walang huling palayao at hindi nabanggit ng mga magulang nito kung sino talaga siya.

Nakakalimot ba siya? Impossible!!

"Shania?" Purple asked. "Hoy, lutang ka ba? Bat ang layo ng tingin mo sa paligid?"

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon