048 - UNDER THE SPELL? (1)

481 25 0
                                    


Pagkatapos ng sakit ni Zioquel ay si Purple naman ang pumalit sa puwesto nito. Ione and Beatrice are currently guarding Purple. Bakit sila nasa clinic? Aksidente kasing nasipa yung ari ni Purple habang naglalaro ng soccer kasama ang mga ibang RPA na estudyante.

"Bea, sabihin mo yung itlog ko nanakit. Yung bandang baba."

"Malamang iyon isusulat ko sa excuse letter. Saan ka ba nakakita ng balls na nasa noo? Meron ba? Diba wala? Pahamak ka talaga letche." Saad ni Beatrice habang dinudutdot ang cellphone upang makagawa ng excuse letter sa word app.

"Ione, pwede bang makisuyo saglit?"

"Sige lang." sabi ni Ione. Kasalukuyang nasa break ang time ng tatlo at iilang oras na lang ay babalik na ang dalawang babae sa kani-kanilang klase.

"Pwede bang kumuha ka sa cafeteria ng pagkain? Regular pack ng chopsuey with rice. Tatlo, saka orange juice pati isang mineral water." tumayo si Ione sa inuupuan nito at lumabas ng clinic. Nang makarating na siya sa hallway, napagmasdan niya si Anna na nakaupo sa sahig at umiiyak. She cannot bare to make a blind eye kaya nilapitan ni Ione si Anna.

"Vice... President?" Ione gulped. Hinawi niya ang bangs ni Anna at nakita nito ang lumuluhang mata nito dala nang matinding pagiyak. Todo din ito sa pagsinghot kaya pati ilong nito ay medyo mamula-mula din.

Itinaas ni Anna ang cellphone nito at binasa naman iyon ni Ione... Sabi dito - 'I-IONE... Shania stole my hourglass. She threaten me na magiging miserable ang buhay ko kapag di ko siya sinunod. I'm scared, iyon na lang ang isang bagay na pinakaiingatan ko.'

"H-HUH? TEKA SAGLIT. Kalma ka muna Anna." sabi ni Ione saka pinaypayan si Anna gamit ang kamay. Medyo kumalma na si Anna pero habang umiiyak ito pagalit nitong hinahampas ang hita.

"Bakit niya ba kasi kukunin hourglass mo? Saka isa pa, pwede natin siyang kausapin ng masinsinan tungkol dito." Ione has changed alot at mas gusto niya na ang buhay niya ngayon kumpara noon. With a deep sigh, Anna just nodded and texted something in her phone.

'Sorry sa lahat ng kadramahan ko. Dapat di na kita ginambala.'

"Hindi ka naman nakakagambala. Teka, bakit ka pala puro sugat?"

Pilit na ngiti ni Anna ang ibinungad niya sapagkat hindi niya pwedeng sabihin na may kapangyarihan ito na lumibot sa iba't ibang dimension at oras. Ang dahilan ng kanyang mga sugat ay pilit nitong pinagpapalit ang kaluluwa ni Asteria at Shania sa orihinal nilang mga katawan. Even in their dreams, their souls cannot be altered so she finds a great solution...

She needs to break the hourglass. Gusto niya na agad agad itong matapos. Ayaw niya sa lahat ay matitigas ang ulo, may kasunduan ang totoong Shania at siya. Wala naman nang mawawala kung maaga niya nang pagpapalitin ang kaluluwa nang dalawa eh.

Tumayo si Anna saka pinagpagan ang sariling uniporme. Pero bago umalis si Ione, agad na hinablot ni Anna ang buhok nito sabay na inuntog ang noo ni Ione sa pader. Umagos na ang pulang likido sa noo ni Ione dahil napasobra din ang pagkakauntog nito.

"PSSHH, Ang bigat." angal ni Anna sabay bumulong sa tainga ni Ione.

"Ione Lazuli... Ikaw ay gagamitin ko sa isa kong misyon. Hanapin mo si Shania Liebesfreud, at sirain ang Hourglass na pagma-may ari niya. Pagkatapos mong magawa ang lahat, ang mga kaganapan na nangyari sa taong ito ay magiging isang panaginip na lamang." hinila lalo ni Anna ang buhok ni Ione nang mas mahigpit.

"Naririnig mo ba ako nang maayos? Malinaw ba?"

Mga ilang segundo na napatango si Ione at parang patay na nag responde - "Oo, malinaw po. Annalise."

Natawa si Annalise. "Ayusin mo ang kinikilos mo. Mukha kang walang kabuhay buhay." agad na nagbago ang ekspresyon ni Annalise nang unti-unting nagkamalay si Ione. Parang sobrang bilis nang pangyayari at hindi niya alam kung ano ang naganap. Napasapo ito sa sariling noo at naramdaman ang kirot pati ang likido na pumahid sa palad nito.

"A-Anna? Teka... Bakit... BAKIT MAY DUGO AKO?"

'H-H-Hindi ko alam Ione. Basta nung tumayo ako bigla kang nahilo tapos sinalo lang kita. Then I saw that the blood is flowing out from your forehead.' humagulgol na naman si Annalise. Habang pinapakita ang cellphone na may lamang letra sa note app nito.

"Ahhh, ganun ba? Teka... Wag ka na umiyak. Wala lang ito okay?"

"Sure ka ba? Ito panyo, ipahid mo muna sa noo mo." Anna offered her handkerchief to Ione as the girl take it without any further ado.

"Sakin na muna panyo mo, thank you. Ibabalik ko din pagkatapos kong laban." Nahihilo si Ione but Anna encircled her right arm on Ione's waist.

"Susuportahan kita kung saan mo balak pumunta ngayon. Ilagay mo yung kaliwa mong braso sa leeg ko at dun mo ipatong."

"Salamat talaga Anna. Ang bait mo. Pumunta muna tayo sa cafeteria at may bibilhin ako." unti-unting lumakad ang dalawa papunta sa cafeteria pero may iilang tao pa din ang nakakapansin sa kanilang dalawa.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━


"Sienna, nagawa mo na ba lahat nang takdang aralin? Pagkatapos ng last subject natin kailangan natin tumugtog dahil may bisita tayong dapat aliwin." Tumingin si Shania sa music sheet habang silang dalawa ay nakatambay sa cafeteria table habang kumakain.

"Ahhh, narinig ko yung balita na mga magulang ni Prinsipe Jairuss ang bibisita. Hindi ko alam kung pasok sa kanilang pandinig ang mga rock songs." Sienna sighed.

"Tanggihan na lang kasi natin ang offer at hayaan ang orchestral group na tumugtog. Mas elegante pa ang konteksto nang kanilang musika kumpara sa atin." dinutdot ni Sienna ang sariling cellphone nito at kinakausap ang kapatid nito sa kabilang linya.

"Hindi... Kaya naman natin ito." this is their opportunity to shine brighter. There is no reason for them to decline the offer to entertain some higher class people. Pagkatapos kumain nang dalawa, nahagip nang kanilang mga mata si Ione at Anna na papunta sa kanilang gawi.

"Hi Shania, Sienna. Tapos na ba kayo kumain? If you don't mind... Can we share the same table with you guys?" paalam ni Ione.

"Tapos na kami kumain. Maaring kayo na yung sumakop sa puwesto namin." pagkatayo ni Shania ay aksidente nitong nasiko si Anna dahilan nang paghulog nang tray ni Anna na puno nang pagkain.

"Patawad." Shania helped Anna to fix the mess at sabay sabing "Teka Anna, ako na bahala sa mga pagkain mo. Let me repay you, sorry... I'm sorry na nabangga kita."

Anna nodded with a slight smile. Nag ring na ang bell as a sign na next subject na nina Shania at Sienna ngunit nag paalam na si Sienna na mauna na siya sa klase. Si Shania naman ay willing na mag pa-late kaya si Ione at Anna ay umupo sa table na pinag tamabayan nang dalawang babae kanina.

"Teka Anna. Punta muna ako sa banyo saglit dahil nahihilo ako. Parang gusto ko sumuka, maaring bang ikaw muna yung magbantay nang pagkain ko?" when Anna signaled an 'ok' sign ay kumaripas agad nang takbo si Ione papunta sa banyo. Anna looks like a trusted person kaya pati cellphone ni Ione ay pinaiwan din kay Anna.

Habang wala si Ione, may nilagay na kung anong tableta si Anna at binuhos ito sa tubig ni Ione. Hinalo ito gamit ang kutsara at nang makabalik na si Shania sa puwesto nila ay agad na umakto si Anna na parang walang nangyari.

"Oh, Anna? Bakit ka nag-iisa? Nasan si Ione?"

Kinuha ni Anna ang cellphone nito at nag type - 'Shania, I'm sorry but can I ask you a favor? Nauntog kasi si Ione at may sugat siya sa noo. Hindi lang halata kanina saka isa pa, natatakpan nang bangs ni Ione yung sugat niya. Sobrang tagal niya na sa banyo, please call her for me.'

"Bakit hindi na lang ikaw ang pumunta at ako magbantay nang gamit niyo?" Asteria asked. Napagod na siya sa kakahintay sa pula kanina at late na din siya sa klase.

'I... I can't... Medyo masakit puson ko. Nireregla ako at bawal ko takbuhin yung cr. Please Shania... PLEASEEE.' Nag puppy eyes pa si Anna at bumigay na nang tuluyan si Asteria. Napakawala nang buntong hininga si Shania at walang angal na tinungo ang girl's restroom na malapit sa kanilang cafeteria.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon