036 - APPROVAL

454 37 1
                                    

SAPPHIRA :
Anak, nakakabigla ka naman. Kung nandito ka lang sa bahay, makikita mo talaga kung paano mag panic yung papa mo. Nakakabigla, pwede ba tayo mag video call? Gusto namin makita boyfriend mo.

Shania replied, umagang umaga ngunit sumapit ang sabado at parehas na nasa cafeteria sina Sienna upang kumain ng agahan. "Ina, galit ba kayo?"

SAPPHIRA :
Medyo, kasi hindi pa namin nakikita sa personal yung lalaking iyan. Is he nice?

SHANIA :
Yes, he's the most nicest guy that I ever met.

SAPPHIRA :
Anak, yung dad mo ito. Hiniram ko muna cellphone ng mom mo. Alam mo, ang mga lalaki na ka-edaran mo ay mapagpanggap. Sa una lang magaling pero pag tumagal ay iiwanan ka din.

Kuno't noo na napabasa si Shania. Sinubo nito ang red velvet cake sa bunganga at uminom ng freshmilk bago mag reply sa text. "Papa, don't judge my boyfriend like that. Pag nakita mo siya, sure ako na magugustuhan mo siya."

SAPPHIRA :
HINDI! Kahit kailan hindi ka pwede magkajowa! Ako muna lalaki mo sa buhay mo. Di mo alam baka loko-loko yang lalaki na napili mo. Saka yung Jairuss, hindi ba't nanliligaw sa iyo iyon? Ano nangyari dun sa hinayupak na yun?

SHANIA :
Things doesn't turn out to be good. Saka, wag mo ganyanin si Jairuss ama. Prinsipe iyon, wala na din kami koneksyon sa isa't isa. Mga tanghali ng 1, mag-oopen po ako para makapag video call tayong lahat. Do you have a free time?

SAPPHIRA :
Wala akong free time para sa lalaking iyan. Sayo lang ako may free time anak –ndlwncpqbflsnsn

SAPPHIRA :
Hay nako anak, mama mo ito. Huwag ka makinig sa papa mo. Sige, mago-online kami mamayang 1. Or pwede ka din tumawag anytime! Papausad na lang namin yung meeting para makilala namin iyang boyfriend mo. Kumain ka na at magiingat ka lagi ah! We love you.

SHANIA :
Salamat, kayo din. Mahal ko kayo.

"Sino yang kinakausap mo? Hindi mo maubos ubos pagkain mo dahil distracted ka sa kakadutdot." Sienna finished her breakfast and drink a glass of water as her drink.

"Sina Ina at Ama kausap ko. Bakit parang nienerbyos ako? Like... Tugudug, tugudug... Ako pa yata ang mas kabado kay Zioquel eh." sabay sabay nitong nilantakan ang kinakain at napaubo nung nabilaukan si Shania. Nagpapanik na napa tayo si Sienna sa kinauupuan at kumuha ng tubig para iabot ito sa kaibigan.

"Salamat, ehem. Ehkk–" she coughed a bit.

"Alam mo, normal lang nerbyusin. Mawawala din iyan mamaya-maya pagkatapos niyo mag-usap."

Inubos na ni Shania ang agahan at ang dalawa ay naghiwalay na ng landas dahil may aasikasuhin si Sienna sa isa niyang club. As usual, to get some fresh air the lady decided to go straight to the garden. Hindi din aakalain ni Shania na makakasalubong niya si Beatrice na naka tight white sando, short shorts at tsinelas. May sunglasses pa ito at nag apply ng sunscreen na akala mo'y nasa beach para magbakasyon.

"Buti na lang talaga nakasalubong kita dito. I keep texting on you pero wala kang respond. Wala ka bang load? Hindi ba uso sa mayaman ang mag-load?" Beatrice aggressively pulled her wrist that makes her swept into her actions like a wind. Sabay silang umupo malapit sa bench at nag-usap.

"I wanted to be close to Ione. Pero these past few days, hindi ko na siya nakikita. Nagtanong ako sa mga alagad ko kung ano na nangyari sa kanya. Some of them said that she's being bullied. Para akong aso na sinusundan siya secretly." nagpaypay si Bea gamit ang sariling kamay.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon