041 - HIS FRIENDS

414 37 1
                                    

"Magandang tanghali sa inyong lahat." pagkabukas ng pintuan, bumungad ang limang tao sa harapan ni Asteria. Dalawang babae at tatlong lalaki habang nagkasalubong sila lahat ng mata.

"Woah, ang ganda mo nga!"

"Mistisang babaita oh!"

Puri ng mga ka tropa ni Zioquel. Asteria opened the door even wider to give them a warm welcome.

"Pasok kayo, nasabi saakin ni Zioquel na bibisita kayo." pumasok naman ang mga kaibigan nito at dumiretso sa sala. Pagkagising kasi nila Zioquel at Asteria ay agad silang gumawa ng gawaing bahay. Ang mga bata ay tumulong na din sa pagpupunas ng mga figurines at saka naglaro sa loob ng kuwarto.

"Hintay lang muna kayo, titimplahan ko kayo ng kape at bibigyan ng miryenda." Asteria hurriedly took an action na pinagtaka ng mga kaibigan nito.

"Diba mayaman yung jowa ni Zioquel? Buti walang arte yan dito. Saka, curious ako kung paano naging sila." dinutdot ni Johanna ang cherry mobile nitong cellphone na parang may importanteng kinakausap. Naka lugay ang brown nitong buhok at makinis ang balat nitong kayumanggi.

"Grabe ka naman. Hindi naman lahat ng nag-aaral sa Royal Possession Academy ay talagang... Spoiled, masama ugali saka minamaliit ang mga mahihirap. Paaralan iyon diba? Ibig sabihin naituturo din dun ang kagandahang asal." saad ng nakasandong lalaki na kulay black at may pattern na snoopy ang short. Naka army cut ito na kulay grey at may mga piercing sa tenga.

"Jusko, nag aral naman tayo Jepoy pero parang hindi ata naituro satin ang kagandahang asal noon. Napaka bad influence mo nga lalo na kay Lira, inaya mo pa mag cutting para maka-arkila ng bike sa bagong tayo na arkilahan noon." mahaba ang itim na buhok ni Boyet at medyo maputi din ang kulay ng balat nito pag ibibilad sa araw. Boyet ang ipinapalayaw ng ka tropa nito sa kanya sapagkat parang pamila na din ang turingan nilang magkakaibigan.

"Hays, kayo naman. Ang ingay niyo." suway ni Lira habang kinuha ang electric fan na medyo malayo sa kanila para ilapit. Pinaikot din ito para lahat silang lima ay magkaroon ng hangin.

"Grabe, mukhang suplada yung jowa ni Zioquel. Tingin ko hindi natin makaka-vibes yun. Asan ba yung lalaking iyon? Baka gumaan yung aura pag nandito siya eh." si David ang pinakamatangkad sa kanilang lahat pero ito ang pinaka softie sa kanilang magt-tropa. He's a giant bear but a real cinnamon roll that needs to be protected at all cost.

Dumating si Asteria na may dalang sandwich na pinalamanan ng cheeze na nakalagay sa plato. Sinunod din nito ang pagdala ng mga kape na itinimpla niya, but in case that Zioquel's friends didn't like her coffee, she prepared a sugar.

"P-Pasensya na kayo ah, kung medyo walang lasa yung kape ko lagyan niyo na lang ito ng asukal." she was nervous! Naka pack na kasi ang asukal na binili ni Zioquel. Not to mention, pag ito yung nagtitimpla ang sarap ng pagkakatimpla ng kape nito na walang hinahalong kung ano ano. Back in her time, it was really hard to brew a tea and prepare a coffee.

Tinikman ito ng mga ka tropa ni Zioquel at ang iba sa kanila ay nag thumbs up.

"Okay naman timpla mo sa mga kape namin." Johanna eyed Asteria from head to toe.

"Ano kaya nagustuhan mo sa pangit naming ka-tropa."

"HUY. JOHANNA." saway ng apat sa kanya.

"Ay, sorry. GWAPONG KA TROPA pala." she smirked. "Hoy, magpakilala muna tayo. Ate mistisa, ako pala si Johanna."

"Ang pangalan ko ay Shania... Shania Liebesfreud." she introduced herself too.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon