033 - PRACTICE

501 41 0
                                    


"Beh, ano toh?" Beatrice questioned as she lifted the paper painted in red and covered in tape.

"Uh... Papel?" Sienna is not sure how to answer her directly.

"Shocks alam kong papel toh, what I mean is bakit ganito itsura? Anong gagawin natin dito?" tinaas-taas pa nito yung bagay na hindi pamilyar sa kanyang mata.

"Wala tayong Apple ngayon, iyan muna daw yung poison apple." Sienna retorted back at nilapag ni Beatrice ang props. Yes, isa siya sa tutulong ng paggawa nang kanilang props para sa performance pero kokonti pa lang ang kanyang naia-ambag kaya isa na lang siya sa taga make-up ng kanilang grupo.

"Just make sure na sa next performance natin huwag niyo naman gawing mala 5 minutes craft yung mga props. Mababa pa naman mag bigay ng grades ang teacher natin pag nakita na di maayos yung presentation." napagdesisyunan ni Bea na umalis sa art room at dumiretso sa music room kung saan na halos lahat ng kaklase niya sa English ay nandoon.

Sa isang banda naman, sira na ang araw ni Asteria sapagkat sakop nang pagpa-practice ang sabado at linggo kaya maaga din sila gagawa ng groupings. All of her members are responsible enough to participate, kahit labag sa kanyang kalooban na magising ay kailangan niya makisama.

But... 7 AM practice is too much.

Tinititigan niya din ang script niya at parehas din ang kalagayan nila ni Ione na pilit ipinapasok sa utak kung ano ang sasabihin sa entablado. And, have they ever mentioned na si Jairuss ang gaganap na male lead sa kanilang play? People find it funny because the one who shall take the role is a prince kahit na hindi nababagay dito ang role na maging mahirap.

Binabasa ni Asteria ang bawat scene. Ang unang ganap ay aatin ang Evil Queen sa kasal ni Snow White. Dahil sa inggit nito sa anak na nagkaroon ng magandang pamumuhay, she plotted something evil to the point na papatayin niya ito.

Napahawak sa sintido si Ione dahil hindi niya ma-process ng maayos ang bawat salita na gusto niyang ipasok sa kanyang kukote. Dahil kagabi, pagkatapos ng napaka busy na araw ay nasaniban na naman siya ng pagbisita ng babae na nagpaparamdam sa kanya. As flashback started to play itself, she cannot help but to use the papers that she's holding to cover her face. Grabe din tindi ng eyebags niya kung tititigan siya sa malapitan.

'Pagbabago... Pagbabago.' someone is still whispering those words while she's wide awake.

Pagkadating ni Purple sa Music Room, hindi mapigilan ng binata na manghiram nang dalawang pamaypay para bigyan ng hangin ang sarili. Kahit fully air-conditioned ang iskwelahan ay hindi nito nararamdaman ang lamig sapagkat nababalot siya ng makakapal na tela.

"Ugh, I hate how my age turns out to be 30 while my partner is 14." nandidiri na napakamot sa mukha si Purple.

"Ano ba yan, wag mo naman kamutin mukha mo. Naka set ka na sa make-up eh." tinampal ng kinakasama ang kamay ni Purple saka napabuntong hininga ito.

"Ganda ng name ko, Prince Ferdinand A.K.A Florian." pinatinis ni Purple ang boses. Specifically, wala naman talagang name ang partner ni Snow White pero madaming nagbigay o nag akala ng names dito.

"Bruh ang laki ng age gap namin ni Ione, 17 years. Kung ako talaga prinsipe mas gugustuhin ko pa magmahal ng iba kaysa sa... Ouf, ayoko na lang mag say. Masakit na sa ulo ang romance ni Prince saka ni Snow White." sabat ni Purple.

"Hays, okay, okay. Mag start na tayo sa scene one." tumayo na sina Asteria at Ione sa kanilang kinauupuan. As Ione clutched her arm to Purple's arm, nag sign na ang kaklase nila na may hawak na clapperboard. Pagkatunog nito at sumigaw ng "ACTION." ay agad nang nagsimula umakto si Ione.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon