032 - HER INSPIRATION

557 40 0
                                    

"Thank you sa mga tumatanggap ng fliers! Mwah! Mwah! At welcome naman sa mga bagong dating! Royal Possession Academy is a group of people that contains rich families from the different country. Not to mention, not only rich people is allowed to enter the school but royals as well." pagmamalaking anunsyo ni Beatrice. Nasa harapan ito ng gate ng RPA habang may kinakasama siyang dalawang alagad na nagpapaypay sa kanya at ang isa naman ay nakapayong. May iilang kaklase din ni Bea ang nagbibigay ng fliers upang magsilbing gabay at mapa sa mga taga ibang iskwelahan na estudyante.

"We have geniuses! Wala kaming bob-" may umagaw sa mic ni Beatrice at nakita nito si Jairuss na naka mask.

"OH, nandito na pala ang pinakamamahal naming prinsipe." She hysterically wipe off her sweat using the back of her hand.

"Anong klaseng greeting ba iyan Beatrice. Pinagmumukha mong mayabang ang school-"

"Ay teka, may nagpapa-picture sakin kuya." umalis ito sa kinauupuan at pinansin ang limang grupo ng mga babae upang magpa-picture. After nitong umalis ay agad ding pumunta si Beatrice sa kinauupuan.

"Alcohol nga, perfume saka powder. Gosh, stress nako mag greet hindi ko naman pinangarap mag ganito. Wala naman sila pake saakin kaya bat ko sila susuyuin para pansinin ako." angal niya.

"Beatrice Gillian." tumindi pagka seryoso ni Jairuss at napaikot na lang ang mata ng dalaga.

"Fine, fine. Aayusin ko na. Kasi naman eh, paulit ulit sinasabi ko. Bakit hindi na lang mag pa-play ng CD at yun yung magsalita mismo ng paulit ulit na greetings."

"Oh ito, pagkain niyo kung sakaling nagugutom na kayo." inabot ni Jairuss ang plastic na may lamang pagkain sa isang kakilala ni Bea pero hinablot agad ito ni Bea. That's only for hers.

"Konting tiis na lang po, magsasara din naman na yung gate natin eh." sabat ng isang alagad nito.

"Ilang oras na lang ba?" she asked.

"5 minutes." all of the people who surrounded her immediately responded. Parang nawala lahat ng pagod ni Bea at marahas na hinablot ang mic sa kuya niya.

"Ako na bahala, limang minuto na lang pala eh." she twirled around and cleared her throat. "EHEM, WELCOME EVERYONE! THIS IS BEATRICE GILLIAN HERE TO FORMALLY GREET YOU. KINDLY ACCEPT THE FLIERS THAT SHALL SERVE AS A GUIDELINES INSIDE OUR SCHOOL! HAVE A GREAT DAY AHEAD!"

Iling-iling na iniwan ni Jairuss si Beatrice at napagdesisyunan na mag-ayos na dahil may sarili pala silang booth na aasikasuhin. Most of his works right now is related to foods so it's his first priority to check on it.

Habang masayang nagbibigay bati ang dalaga, nakaramdam siya nang pagbato ng itlog sa pagmumukha. Sa sobrang pandidiri nito, binigyan niya ng masamang tingin ang grupo ng pitong kababaihan na ang aangas ng dating.

"Hoy, kayong mga mukhang adik. Saang banda ng school kayo?" she pointed at them while the mic is open. Walang hiya na sumabat ang babae na halos kalbo na ang ulo at itinaas ang crest nito.

"Harleston Academy. Bakit? Aangal ka? Anak ng mafia." they mocked at nagsitawanan ang iba. Naglabas pa sila ng sigarilyo at nagsindi gamit ng lighter. Kagat labi lang si Bea na hinarangan ang kanilang daan at pinakitunguhan ang mga bibisita sa kanilang iskwelahan.

"First of all, we have many rules that need to be followed." pinalambing niya ang kanyang boses na akala mo'y sinusuyo ang asawa na kumalma dahil masama ang magalit. Pero sa sitwasyon niya ngayon, she's praying that she needs to hold her anger.

"Bakit? Ano ba pake namin sa school niyo? Nandito lang kami kasi needed mag participate."

"I'll call my Daddy." she took her phone pero agad na sinampal ng babae na mukhang leader nila ang kamay ni Bea. Harleston Academy is full of strong people. Not to mention na madaming gangster saka maaring may anak ng mafia din doon.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon