027 - PAGDUDUDA

719 43 5
                                    

Minamahal kong Shania,

Masama na ba ako kung lalabagin ko ang ninanais mo na maging isang masama? Sa totoo lang, nagkakaroon na ako ng pagdududa kung ipagpapatuloy ko pa ba itong paghihiganti laban sa mga nanakit sayo. Kung totoo na ito na ang kanilang pangalawang buhay, masasabi ko sayo na silang lahat ay tunay nang nagbago. Hindi naman ako masyadong sinasaktan ni Beatrice dahil ang pasalita nitong matalim ay masyadong mababa para masaktan ako ng pisikalan o emosyonal. Si Jairuss naman ay dumidistansya saakin kapag nasa publiko kaming lugar ngunit madalas kaming nagkakausap pag nagtatagpo ang aming landas sa hardin ng RPA. Hindi ko gaano nakakausap si Ione at wala akong mailalapag na balita sa kanya. Mas napalapit pa ang aking loob kay Sienna Patrilorque at nagkaroon na ako ng interest para kilalanin si Purple Ignacio. Kung patuloy pa ang pagpapatakbo ng mapayapang oras, ikinalulungkot kong ibalita sa iyo na hindi ko maisasatupad ang pagpa-planong maging masama.

Nagmamahal,
Asteria.

Pagkatapos isulat ni Asteria ang saloobin sa kanyang cellphone, she started to enjoy how to use it especially when it was related to academic works. Nagtataka nga si Asteria na de-subo na lahat ng sagot sa mga estudyante dahil mas upgraded ang kanilang henerasyon kumpara sa pinaggalingan niya. She could speedily finish her work before the deadline's end.

Nasa music room sila ngayon ni Sienna at sabay na pinag-aaralan ang piyesa na tutugtugin nila. Tatlong oras na silang nag eensayo at desidido pa din ang estamina ni Asteria para matuto. Tamad si Sienna mag aral pero kailangan niya din sabayan si Asteria.

"Ate Shania, tigil muna tayo. Masakit na ang mga daliri ko." kinamot nito ang ilong at umupo sa lapag upang damdamin ang lamig ng tiles ng backstage.

"Nanaginip ako... Ahhhh, I don't know what kind of dream is it."

"Bakit? Ang bata bata mo pa, nakakakalimot ka agad." natatawang suway ni Shania. "Tantanan mo na kasi ang pagpupuyat, nakakasama yan sayo. Ano ano ba kasi ang pinapanood mo sa gabi?"

"Porn lang."

"Ahhhhh, HA. HA. HA." Shania replied awkwardly. Ilang beses din nitong pinagsasabihan si Sienna na masyado pa itong bata para manood ng malalaswa. Her friend said it was very educational as long as Shania was open minded. Sarado talaga ang utak ni Asteria sa ganung mainit na usapan at walang interest na alamin kung paano gawin ang... Pagtatalik.

"Nasan ba ang mga iba nating kabanda?"

"Hindi ko din alam." nagkibit balikat si Sienna at umalis saglit para kumuha ng tubig na maiinom.

Yes, they already have a band assigned by the president of their club that contains five persons. Sa vocalist line ay free take ito ng kaninong role. Kumpleto na din sila ng Bassist, Pianist, Guitarist and Drummer. Kilala lang ni Shania sa pangalan ang tatlong kinakasama at iyon ay sila Glide, Lucid at Valora. And the other members are her and Sienna.

Valora took the Bassist role, Lucid as the vocalists, Glide as a Drummer, Sienna as their Pianist and lastly... Shania who owns an electric guitar and a second vocal in their band. Ano ang pangalan ng kanilang banda? It's just simplified into a dull color called BLACK.

Dumating ang lalaki na medyo maitsura. Napaka classy ng buhok nitong ash blonde at kayumanggi na balat. He has a grey bandana on his forehead while covered in different cool accessories habang nilalaro paikot sa kamay nito ang isang pares ng drumstick. Naka formal attire din ito ng kanilang uniporme. May kinakausap din itong lalaki na naka neon green sneekers, black sando with vertical three stripe neon green pattern, black gloves at ang ulo nito ay naka messy side bun na mayroong neon green highlight sa dulo ng buhok nito at grey headband. Namataan ng dalawa si Shania kaya agad silang tumakbo papunta dito para magpakilala.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon