003 - THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER

6.7K 285 57
                                    


Ilang linggo nang nag aadjust si Asteria sa bago niyang paligid. Inakala niya na isang bahay ang ospital kaya pati ang mga nurse na katulong ng doktor ay nauutusan niya din. Pwede naman nila ibuka ang kanilang bibig para sabihin ang kanilang propesyon, bakit ba tikom na tikom ang bunganga nila tuwing nagsasalita siya?

Kinumpara niya din ang bago niyang boses. Sobrang hinhin nito ngunit pag nagagalit ay parang bulkan na sasabog. Napansin niya din na hindi umaakma ang pagiging maldita niya sapagkat ang maamo niyang mukha ang nakakasagabal sa lahat. Imbes na lobo ang nakikita ng ibang tao para matakot sa kanya ay itinuturing siya na isang tupa.

Mas umaaktong katulong ang mga nurse kesa sa kanyang totoong katulong. Naobserbahan niya din na mas madaldal sila at parang itinuturing nilang anak si Shania.

Hindi ganon kasama ang pamumuhay ni Shania. Tila'y nagsisi si Asteria ng hinusgahan niya ang isang tao dahil sa panlabas na anyo. Kung titingnan kasi si Shania ay hindi mapaghahalataang anak siya ng isang mayamang pamilya.

Kasama niya ang katulong niya ngayon. Mayroon itong tsokolateng buhok, kayumangging pamamalat ngunit tinatawag niya na lang ito sa palayaw na "Ate" dahil ayaw niya malaman ang pangalan nito. Dapat na tutol siya na iba ang ipalayaw sa katulong sapagkat hindi akma ang tawagan nila bilang isang amo at manggagawa. Nilinaw na lang ni ate na sa panahon daw ngayon ay normal na lamang ang ganung tawagan.

Nasa ibang panahon si Asteria. Kaya siya dapat ang mag adjust at makisama sa iba.

Nasa loob siya ngayon ng malaking kuwarto. Nagtataka sapagkat nakakita siya ng maraming figurines ng anime at mga poster. Isama na ang mga libro na hindi niya maintindihan sapagkat puro manga, comics ang nilalaman at wala man lang ni iisang libro na makakatulong para mapalawak ang kanyang kaalaman sa mundong ginagalawan.

"Ate... Bakit ganito ang aking kuwarto? Mukhang... Pambata." iritableng saad nito. Mas gugustuhin niya pa sa simpleng silid kung saan siya tumutuloy. Bago niya kasi itinapak ang kanyang paa sa orihinal niyang kuwarto ay pinagsabihan siya na tumuloy muna sa kabilang kuwarto. Ang mga natitirang araw ay ang paggabay ng mga katulong kay Shania sa bawat sulok ng mansyon.

Hindi na siya naligaw sa susunod na araw dahil malakas ang memorya ni Asteria. May ibang pook din na pamilyar sa kanya kaya binabalikan niya ito.

"Madam! Ano ka ba! Ito ang paborito mong kuwarto! Paano mo nagagawang laitin ang mga minamahal mong kagamitan?"

Tumaas ang kilay ni Shania at ipinag krus ang dalawang braso sa bandang dibdib.

"Gaano ba ako ka hibang para pangalagaan ang ganyang kagamitan? Itapon mo lahat ito." hinawakan ni Shania ang kamay ng katulong.

"Itaas mo ang iyong braso." mabilis na utos niya na agad sinunod ng katulong. Nagulat na lamang siya na isa-isang hinablot ni Shania ang mga manga books collection mula sa shelf nito at ibinigay sa kanyang katulong.

"MADAM HUWAG! MAHAL PO ITO! GALING SA JAPAN!!"

"Eh ano naman kung galing yan sa ibang bansa? Hindi ko kailangan ng basura. Bilhan niyo ako ng mga libro na konektado sa politiko, matimatika at aklat na pang sining." ipinagpatuloy nito ang ginagawa at agad na hinawakan ng katulong ang kanyang pulupulsuhan.

"MADAM, HINDI MO NA KAILANGAN ITAPON ANG MGA ITOOOOOOO." Pagmamakaawa ng katulong.

"Kailangan ko mag aral-"

"May school ka po madam. Doon ka mag aaral. Hindi mismo sa loob ng bahay."

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Shania ng marinig niya ang katulong na umaatin siya sa isang paaralan.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon