046 - HULA

398 27 0
                                    


Hindi sumagot ang kapares ni Zioquel at lumipas ang iilang minuto bago nagsalita ang babae.

"Kung makakasama mo ang pinakamamahal mo sa buhay? Ano ang magiging unang misyon mo?" Zioquel twirled around as the lady keep on guiding his steps like a true prince.

"Hmnnn. Ang pasayahin siya siyempre!" talak ni Quiel habang nakangiti. "Aminado ako na takot ako maging mapag-isa sa buhay. Kaya ninanais ko na mapasaya ko ng maayos si Asteria." since both of their identities to each other is anonymous, binanggit ni Zioquel ang pangalan ni Asteria.

"That's so sweet of you. At paano ka naman sigurado na ikaw at ng minamahal mo ay talagang nakatadhana sa isa't isa?"

"Mahal ko siya. Hindi ko kaya ipaliwanag o anong klaseng pagpapaliwanag ang maibibigay ko sayo pero isa lang ang alam ko... Mahal ko siya. At gagawin ko ang lahat, para mapasaya siya."

"Kahit, masaktan ka ay okay lang sa iyo?" the girl asked. Zioquel bit his lower lip and nodded in response with a slow pace.

"Okay lang ako masaktan. Ok lang saakin."

Hindi na nagusap si Zioquel at nang babae at tinapos na lamang ang pagsasayaw. Gusto naman ni Zioquel ibuka ang sariling bibig ngunit parang napaka weirdo ng babae sa kanya. Nagulat na lamang siya sa huling sinabi nito pagkatapos ng kanilang pagsasayaw.

"Gusto mo ba magpahula? Actually, we have a booth called 'Queen of Hearts.' nasa tabi lang ng dressmaking club ang lugar namin. Kung interesado kayong dalawa pwede niyo akong bisitahin para mabigyan kayo ng libreng hula." pag-aaya nito.

"Teka, ano pala pangalan mo –"

"ZIOQUEL! HALIKQ DITO, MAY GUSTO MAG AYA NA  ISAYAW KA." Hinatak agad ni Purple ang braso nito at hinila papunta sa isang babae na naka suit din.

"Teka pre, may kinakausap pako." tumalikod si Zioquel para ituro ang kapareha ngunit ni iisang anino nito ay wala na sa kanilang paligid. Ang bilis naman nito maglaho na parang isang hangin!

"Ay, may kausap ka ba? Pasensya ka na. Hindi ko na napansin."

"Hindi, okay lang. Nawala na agad kausap ko." he sighed at ngumiti ng matamis sa isang babae na nakasalamin at naka formal suit attire na kulay maroon. Zioquel bowed ngunit nakalimutan niya na siya pala ang dapat na umaktong babae sa kanila.

"Sige na mahal na prinsipe. Isayaw mo na ang iyong cinderella." hinawi ni Zioquel ang baby hair nito at itinaas ang kaliwang kamay para mag offer ng sayaw. He wants every girl to be comfortable with him ngunit hindi naman ata lahat ng babae ay komportable talaga sa isang lalaki.




━━━━━❘༻༺❘━━━━━



Kaliwa't kanan, pasikot sikot ang galaw ng mga kaklase ni Shania habang siya naman ay nakaupo sa isang sulok at nagtitimpla ng tsaa. Some of the lower years find her elegant because she looks like a professional person when it comes to brewing tea.

"Ate Shania, paano mo pala natutunan ang ganito?"

'Anak ako ng isang duke, walang impossible sa pag-aaral noon kung ang isang pamilya ay maraming pera para tustusan ang aking mga guro na turuan ako ng dapat gawin.'

"Ahhhh, makinig kayo sa inyong mga guro at matututunan niyo din ito ng maayos." Wala talaga siyang pinagtutuunan ng interest bukod sa matimatika at kanilang pinag-aaralan sa Science at ang banda.

Sobrang tagal ng oras, napansin niya na hindi na din masyadong masaya ang kanilang pag-uusap. Kung noon ay mahilig siya umatin ng mga tea parties, right now she took a reflection how useless it could be if their topic only contains a lot of gossip.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon