028 - DESISYON

673 38 4
                                    

Physical Education is the most hated subject that Shania and Sienna could ever experience even if it's just a one day participation. Nasa malawak na gymnasium sila ngayon habang naglalaro ng basketball. Hindi makakapaglaro si Asteria dahil may dalaw ito, naalala niya nung una siyang dinalawan ng red days, Sienna is the one who assisted her how to use napkins na madali niyang natutunan.

Sa panahon kasi nila noon, bawal sa babae na inaanunsyo ang pagdudugo dahil ito ay nagsisimbolismo ng masamang balita. Naiirita si Asteria dahil kung sino mang nilalang ang nagimbento ng ganong klaseng pamahiin ay maari niya ng putulan ng ari. Nagtanong din si Sienna kung paano niya sinosolusyunan ang kanyang dalaw at sinabi niya na ang ginagamit nila noon ay halos tirante na mahigpit suotin. May iba naman na kapag malakas ang dalaw ay inilalagay sa isang spesipikong lugar upang magpalipas ng isang linggo para magamot ang pagdudugo.

Tumakbo pa sa isipan ni Asteria ang sinabi ng kaibigan na – "Kung mapupunta ako sa mundo niyo. Gusto ko may kapangyarihan, ayoko talaga mamuhay sa sobrang mahirap na kalagayan."

Habang nasa isang sulok lang si Asteria sa bleachers, si Beatrice naman at ang isa pang kinakasama nilang coach ay naguusap dahil nagmamala-drama queen itong nag alibi na may menstruation din si Bea pero wala naman talaga itong dalaw.

"Ouch, Ma'am... If this continues I shall end up to our school's clinic again." nilagay nito ang dalawang kamay sa bandang puson at mahina itong hinilod.

"Edi bat hindi ka pa pumunta dun kung masakit yung puson mo?" tanong nito.

"Kasi mild pa lang siya. Saka nako pupunta doon pag malala na." pilit na ngiti ni Bea at nahagip ng mata nito si Asteria. Sabay niya na tinuro ang babae na naka PE uniform at naka low ponytail na tali ang blonde na buhok.

"Ma'am, sitting pretty lang si Shania. Tatabi na lang ako sa kanya. Mas okay na din na makanood ako ng match para maka gawa ako ng strategy sa susunod naming laban pag naudlot yung laro." agad na pumunta si Bea sa gawi ni Asteria at nagulat na lang ang dalaga nang dumikit ang balat nito sa balat niya.

"Ang lagkit." lukot ang mukha nito na ginawi ang direksyon ni Bea. Ilang sentimetro ang pagitan nila at kung titingnan sa ibang anggulo baka akalain ng iba na naghalikan na sila.

"Huwag ka mag alala, hindi naman nakakamatay ang lagkit, nerd." talak ni Bea. She distanced their space a little bit while she's whistling like a parrot beside Shania. Naka cross legs na lamang si Shania habang nakapangalumbaba at tinitinggnan si Sienna kung paano maglaro ng basketball, she was not good but not bad either.

"Hey, I know na... I did something bad to you in the past. But all of it happens for a reason. Ang totoo niyan–"

"Ehem, may chismis mga behs." nagulat ang dalawa ng may nagpaparinggan na apat na grupo na mga babae ang nagkwe-kwentuhan. "Alam mo ba, pagka check ko sa facebook account ko, tumambad sa isang site itong si ex-vp na may bagong nilalandi daw. Tinggnan mo ghorl, ito oh."

Kunot noo na pasimpleng tumingin ang dalawa sa direksyon ng apat habang naghahagikhikan.

"Hoy, mga witch. Rinig namin chismis niyo. Akin na nga iyan bruha." agad na tumayo si Bea mula sa kinauupuan sabay na hinablot ang apple phone ng babae. As she scrolled to her fb's timeline, the post contains alot about Shania and Zioquel's pictures na akala mo ay may ginagawang malisya.

"Thank you for the information. Btw, sorry kung inagaw ko cellphone mo ng walang paalam." binato nito ang cellphone sa may ari at sabay na dumikit ulit kay Shania. Bea feels happy and at ease knowing that the nerd's relationship doesn't evolve around Jairuss anymore.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon