029 - PAGUUSAP

585 42 3
                                    

Muling binuksan ni Asteria ang mga mata at nadatnan ang sarili na nakalutang mula sa madilim na paligid. Magaan sa pakiramdam ang suot niyang manipis na puting tela habang ang puti niyang buhok ay nakasayad ng tuwid. Tangging paghinga lang ang kanyang ginagawa hanggang sa lumitaw ang babae na naka itim na belo at may hawak itong espada na puno nang dugo na kung aakalain ay parang pumatay ito ng isang tao.

"Napansin ko na tila'y nagbago ka na habang napapatagal sa mundo ng mga tagalupa." napangiti ito dahil planado na sana ang lahat ng gagawin ni Annalise kung sakali na matuloy ang paghihiganti ni Asteria. Sa kanyang palagay, normal lang naman maghiganti ngunit... Napansin ata ni Asteria na ang mga taong nakapaligid sa kanya ay hindi umaakto ayon sa inaasahan nito.

"Anong mangyayari kung hindi ko gagawin ang lahat ng pananakit? Hindi ko na alam ang gagawin kong misyon... Nalilito ako sapagkat pakiramdam ko ay nagiging makasarili at gahaman ako sa pagmamahal. Ang hinahanap ko noon ay parang mahahanap ko sa lugar na ito... Hindi din naman mabuti kung sasaktan ko silang lahat kung may pangalawang buhay sila upang magbago." Asteria blinked as her golden eyes glimmered like a star due to her small tears. She feels sleepy.

"Hmnn. Mag enjoy ka muna!" mahinhin na napapalakpak ang babae habang minataan lang siya ni Asteria ng seryosong mukha.

"Bakit? Ayaw mo ba? Ikaw lang ang tao na makakausap ko na gusto ng problema. Gusto mo bigyan kita?" she giggled but she could do it since Annalise's inner self could take it half jokingly.

"Hindi... Natatakot lang ako na baka isang araw... Guguho na lang lahat ng parang bula."

"Malakas kang nilalang Asteria... Kung may balak man sumira ng buhay mo, sigurado akong hindi naman magtatagumpay ang magiging kontrabida sa istorya mo. Besides, you're a villain."

Napangiwi si Asteria sa huling sinabi ng kinakausap. It's true that she was trying her best to be the best... But now, hindi niya alam kung anong direksyon na ang kanyang tatahakin.

"Bago ako magising, nais ko sana tanungin kung bakit nagkaroon ng pangalawang buhay ang iba kong mga kakilala?"

"Hmnnn, we made a contract. Let's just say that all of the people that I visited through their dreams could consider it as a nightmare but at the same time a blessing. Naalala mo ba nung nasa ospital ka? That time ay talagang deds ka na pero sadly, ako sumagip ng problema, hindi ako guardian angel pero dahil mabait ako ginawa ko na ang trabaho na hindi ko naman dapat trabaho." naparolyo ng mata ang babae sa likod ng tela ng belo na tumatakip sa mata nito.

"And?" Asteria interestingly asked.

"Ano pa? You ended up in comatose habang lahat ng mga kaklase mo ay naka graduate. Ikaw lang ang nasa kritikal na kalagayan ng aksidente duh."

Napag-iwanan siya? Ang sakit naman nun pakinggan.

"Then there's this Romeo who wanted to find his Juliet, you see... I could hear the plea of the people who wish that they could turn back the time para lang makabawi sa isang tao. At lahat ng kanilang ikinikilos ay depende sa kanilang damdamin. Zioquel, Jairuss and Beatrice were the ones who mostly prayed that they wanted to go back. Binibisita ko sila sa kanilang panaginip hanggang sa isang araw ay nagbigay ako ng kontrata sa kanila." naglabas ito nang isang scrolyadong papel na napapalibutan ng ginintuang kadena at kandado.

"Nakapaloob dito ang kanilang pirma kung saan na nangako sila saakin na sa pangalawang buhay ay magbabago sila at hindi magkakaroon ng pagsisisi. Dahil mababalewala lang ang ikalawang buhay na ibinigay ko kung magsisisi pa sila, I didn't turn back the time for them to be like that. They promised... Na gagawin nila ang lahat para makagawa ng mabuti sayo." itinaas ng babae ang kaliwang kamay at lumabas dito ang scales of justice kung saan nakalagay sa magkabilang panig ang kaluluwa ni Beatrice Gillian.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon