. . . ⇢ 07 ˎˊ˗

278 16 28
                                    

joy
@joypark

jay
WAKE UP MAHAL KONG DRAGON

jay
ANG PINAKA MAGANDANG DRAGON

jay
HAHAHAHAHAHAHAHAHA

joy
ang aga-aga pa gusto mo na agad masapak?

joy
pero gising na ko and gutom na kaso itong mga kasama ko ay tulog pa rin so hindi ko na sila inistorbo pa

jay
aww, hungry na ang baby dragon ko?

joy
yes 😔

jay
pupunta ako sa hotel room niyo at kakain tayo

jay
narinig ko din may nagtitinda ng siomai dito, you want that?

joy
siomai!? yes please huhu

jay
i'll be there

joy
waiting

-♡️-

"yah! yaaaahhhh!"

natawa lang si jay habang pinagmamasdan ang tuwang-tuwa na joy. nakatingin ito sa isang siomai restaurant kung saan lahat ng pagkain ay may halong siomai at talaga namang maganda ang restaurant na 'to sa mga siomai lover na tulad ni joy.

hindi na nagtagal pa at agad na hinila ni joy ang kasintahan papunta doon. pagkapasok nila ay bumungad sa kanila ang iilang mga tao na kamag-anak o kakilala ng pamilya ng mga CEO's— including jay's father.

at dahil doon ay namukhaan ni jay ang iba niyang mga kakilala. isa na doon ang babaeng naka-highwaist short, crop top, heels at shades, ang buhok din nito ay mahaba at wavy, matangkad, maputi at halatang anak mayaman.

"jay!?" tili nito at tumayo para lapitan si jay at bigyan ng yakap.

"vaseline." napangiti din si jay at niyakap ito pabalik.

tinanggal nito ang suot na shades dahilan para makita ang magaganda nitong mga mata, mahabang pilik-mata at maayos na kilay. ang linis din ng mukha niya at wala kang makikitang pimples o crinkles. idagdag mo pa ang katotohanan na hindi ito naka-makeup.

ang simple lang pero mukha na siyang diyosa at hindi maiwasan ni joy ang makaramdam ng pagka-insecure at magselos habang pinapanood sila jay at ang babaeng si vaseline na nagkakamustahan.

they look so good together..

nanlaki ang mga mata ni joy nang dahil sa kanyang naisip at sinampal-sampal ang sarili. "damn you self, 'wag ka ngang nega diyan. ano naman kung maganda siya? ikaw naman ang mahal ni jay." bulong niya sa kanyang sarili.

pero bahagya ding nagitla si joy nang hawakan siya ni jay ng mahigpit sa kamay. napatingin siya kay jay at kay vaseline na nakatingin din sa kanya at sa magkahawak nilang mga kamay.

"vaseline, she's joy. she's my girlfriend and future wife." pagpapakilala ni jay sa kanya at hindi niya maiwasang makaramdam ng init sa kanyang pisngi dahil sa huling sinabi ni jay.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon