. . . ⇢ 🦅 ˎˊ˗

161 13 3
                                    

∘ ─── 🦅༉ ─── ∘

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

∘ ─── 🦅༉ ─── ∘

lumaki si joy without her father. ilang beses siyang nagtanong at naghanap sa kanyang ama pero walang sinasabi ang mom niya sa kanya. at ngayon, 4 years na ang nakakalipas pero hindi pa rin alam ni joy kung sino ang tatay niya.

ang tanging alam niya lang sa tatay niya ay hindi niya dapat pang malaman kung sino 'yon. hindi niya alam, siguro masamang tao ang ama niya? ayaw sabihin ng mom niya dahil baka hindi matanggap ni joy kung malaman niya ang totoo.

pero ang malinaw, hindi sila magkapatid ni jay.

gusto pa rin malaman ni joy pero siguro hahayaan niya na lang. dadating din naman ang panahon at kusa niyang malalaman kung sino ang tunay niyang ama but for now, nandiyan naman si jericho para tumayong tatay-tatayan niya.

"lutang ka na naman."

nabalik sa wisyo si joy nang maramdaman niyang umupo sa tabi niya si jay. may lakad sila ngayon kaso hindi natuloy dahil umuulan kaya heto sila, nasa bahay nila jay at hinihintay tumila ang ulan.

and yes, okay na sila jay and joy. sapat na ang mga nakalipas na taon para masabi nilang nakapag-move on na sila at naghilom na rin ang mga sugat, kailangan din nila maranasan muli ang tunay na saya.

at mararanasan nila 'yon sa piling ng isa't-isa.

ngumuso si joy. "matagal pa ba titila ang ulan?"

"gusto mo i-contact ko si god para itigil niya ang ulan para sa'yo?"

joy looked at him in disbelief, natawa na lang siya matapos makita ang seryosong mukha ng binata. "siraulo, kulang ka ba sa tulog? matulog ka nga!"

hinila niya si jay pahiga sa lap niya saka nilaro-laro ang buhok nito habang si jay ay nakatitig lang sa kanya, nakangiti na parang nasisiraan dahilan para tampalin siya ni joy sa noo na ikina-aray niya.

napairap si joy. "ang hina-hina non."

"masakit kaya. kiss mo na lang para- aray!" muling tinampal ni joy si jay pero sa lips na nito na nakanguso kanina para humingi ng kiss.

"park jongseong, napakalandi mo talaga."

ngumuso muli si jay. "sa'yo lang naman."

joy shook her head. "bakit ka kasi nakatingin sa'kin ng ganon? para naman akong anghel kung titigan mo or something na magical or angelic."

napangisi si jay. "bakit hindi ba? for me, you're an angel."

"angel na may sungay?" sagot ni joy at pareho silang natawa.

"pero seryoso, i just realized kung gaano kalaki ng problemang dumating sa'tin but here we are now, still together. that time, i really thought i would grow old single because i can't love anyone but you." paninimula ni jay na ikinangiti ng dalaga.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon