. . . ⇢ 52 ˎˊ˗

161 13 10
                                    

"sabay tayo mag-lunch?"

"busog pa 'ko."

"may binili akong pagkain sa'tin-"

"busog pa nga 'ko."

"pero-"

"please, damon layuan mo muna ako."

pero hindi nakinig si damon at umupo lang sa tabi ni julie, dala-dala ang pagkain na binili niya. kinuha ni damon ang chicken at initapat 'yon sa bibig ng dalaga, pero tumayo lang si julie at inis na hinarap si damon.

"bakit ka ba ganito?" angil niya sa binata.

ngumiti lang si damon. "sinusubukan kong maging mabait para sa'yo-"

"hibang ka na, tigilan mo na lang kasi ako!" sigaw niya pa pero umiling-iling si damon.

"told you, i won't never let you go."

"pero hindi kita mahal!"

tumayo si damon at lumapit kay julie saka hinalikan ito sa noo, maharas na pinunasan ni julie ang noo niya at masamang tinitigan si damon. mas lalo lang ngumiti si damon at saka naglakad paalis.

nang mawala si damon sa paningin ni julie ay tuluyan nang napaupo sa sahig si julie, nanghihina ang buong katawan dala ng galit. napakuyom ang magkabilang kamao niya at saka napayuko, madiin na kinagat ang ibabang labi.

"i hate you damon, i fvcking hate you!"

ginamit niya ang buong lakas para tumayo at saka pinagbabato ang mga gamit na nakikita niya sa kwartong ito. wala siyang pakialam kung mga gamit 'to ni damon at mas lalong wala siyang pakialam kung saktan man siya ni damon sa ginawa niya.

-♡️-

wala sa sariling naglakad papasok ng hybe university si julie, nakatingin siya ng diretso pero ang utak niya ay kung saan-saan nakakarating. in short, lutang siya habang naglalakad.

kaya naman nang may biglang manghila sa kanya ay bahagya na lamang siyang nagulat. sisigaw pa sana siya nang takpan nito ang bibig niya at magtago sila sa likod ng main building.

pero hindi nagtagal ay nakawala din si julie nang buong lakas niyang kagatin ang kamay na nakatakip sa bibig niya. napasigaw ang nagmamay-ari non at sasapakin pa sana siya ni julie nang matigilan ito nang makita kung sino iyon.

"hee.."

"jul-"

agad tumakbo palayo si julie pero agad siyang napatigil nang mahawakan ni heeseung ang kamay niya. hindi na nakagalaw si julie nang maramdaman niya na lang na niyakap siya ni heeseung mula sa likuran.

"i missed you.. so much."

i missed you too.

gustong-gusto 'yon sabihin ni julie pero sa tuwing bumabalik sa alaala niya ang mga salitang binitawan ni damon ay lalo lang siya natatakot para sa kanilang dalawa.

nagigising na katotohanang hindi na sila pwedeng magsama.

ginawa ni julie ang lahat para makawala mula sa bisig ng binata. pero sa bawat subok niyang makawala ay siya namang paghigpit ni heeseung mula sa pagkakayakap sa kanya.

hanggang sa naubos na ang lakas ni julie. nanghihina na rin kasi siya, lalo pa't ang lalaking mahal niya ay yakap-yakap siya ngayon. at sa totoo lang, gusto niyang yakapin si heeseung.

pero hindi pwede.

"let me go.." nanghihinang usal ni julie.

"no, sabihin mo munang kilala mo pa 'ko."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon