. . . ⇢ 31 ˎˊ˗

174 15 16
                                    

julie's pov,

tahimik ang palagid at tila walang gustong magsalita sa aming dalawa. nakaupo lang ako sa front seat ng kotse habang bukas ang pintuan at nakatingin sa malayo. si heeseung naman ay nakatayo habang nakasandal sa sasakyan.

dito niya 'ko dinala after niya 'ko puntahan sa bahay kanina at kanina pa kami tahimik. gusto ko magsalita pero hindi ko kaya. naisip ko na baka ayaw akong kausap ni heeseung kaya nanatiling tikom ang bibig ko.

tanging simoy lang ng hangin ang maririnig sa mga oras na 'to, kung paano ito humampas sa mga dahon at palay. nasa bukid kami ngayon, walang tao at kaming dalawa lang ang tanging nandito.

napalunok ako. hindi ko na kaya. gusto ko na talaga magsalita kaya sumubok ako. "h-h-hee-"

"kumusta ka na?"

natigilan ako nang magsalita din siya. nagkatinginan kaming dalawa pero agad din siyang nag-iwas ng tingin dahilan para makaramdam ako ng kirot mula sa aking dibdib.

bakit hindi niya magawang tumingin sa akin?

napakagat ako sa ibabang labi at ibinaling na lang ang tingin sa iba. "a-a-ayos lang ako.." sagot ko na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatawa.

mukha ba 'kong ayos sa lagay na 'to?

"julie." rinig kong sambit niya pero hindi ko siya nilingon. "pinagkakatiwalaan mo ba 'ko?"

tumango ako. "oo naman."

"minahal mo ba 'ko?"

sa sinabi niya ay agad akong napalingon sa kanya. diretso lang siyang nakatingin sa unahan habang nakapamulsa. ibinuka ko ang bibig ko para sumagot pero ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa ring salitang lumalabas sa bibig ko.

"bago ako umalis sa isla, may nag-text sa akin. may sinend siya sa aking litrato, julie." lumingon siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "it was you, kissing another guy."

hindi ako makapagsalita. gusto kong magalit. gusto kong manapak. gusto kong sapakin si damon dahil nangako siyang hindi niya ipapakita kay heeseung ang bagay na 'yon pero hindi niya sinunod ang pangako niya.

demonyo siya.

pero gusto ko rin umiyak. nanghihina ako sa mga oras na 'to, lalo pa't kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata ni heeseung ngayon. kinakausap ako ng mga mata niya, nagtatanong ito at naguguluhan.

"h-hee-"

"am i not enough for you?" pabulong niyang usal, may isang luhang kumawala sa kanyang mata bago umiwas ng tingin. narinig ko siyang natawa, tawang may halong sakit. "a-akala ko nagawa ko na ang lahat para maging best boyfriend mo pero hindi pa rin pala."

"nagkulang pa rin ako."

agad akong bumaba sa sasakyan at lumapit sa harapan niya. nakayuko siya ngayon kaya hinawakan ko ang pisngi niya para i-angat ang tingin niya sa akin. "heeseung, hindi sa ganun. alam niya kung gaano ka naging mabuting boyfriend sa akin. alam niya kung anong mga ginawa mo para pasayahin ako."

"p-pero bakit ka pa naghanap ng iba..?"

doon ay natigilan ako.

doon ko napagtanto na hindi pa alam ni heeseung ang lahat ng nangyari. akala niya pinagtaksilan ko siya kahit ang totoo ay hindi talaga. biktima lang ako, biktima kaming dalawa dito at si damon ang dapat sisihin sa mga nangyayaring 'to.

gusto kong sabihin kay heeseung ang totoo pero hindi pwede, lalo na nang maalala ko ang mga sinabi ni damon. that guy is a psycho, he can do whatever he wants at hindi malabong saktan niya ulit si heeseung.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon