. . . ⇢ 83 ˎˊ˗

151 11 0
                                    

"mae?"

malungkot na napangiti ang dalagang kakarating lang. napansin siya agad ni julie dahilan para mapatingin din sa kanya ang iba. pero lihim ding nagulat si mae nang mapansin si heeseung sa tabi ni julie.

bati na ba sila?

pero may napansin din siyang kasama nila, nandoon din si charlotte at kasama nito si sunghoon. gusto maging masaya ni mae dahil kahit papano unti-unti na nakokompleto ang grupo nila ni-ki, pero hindi dapat.

lalo pa't ang dahilan kung bakit halos lahat sila ay nandito ay para sa isa nilang kaibigan na namaalam.

lumapit si joy sa kanya at iginaya palapit sa puting mahabang kahon, hera's coffin. pero agad ding napahinto si mae matapos makita ang malaking larawan ni hera sa tabi nito. nakangiti ito, isang inosenteng ngiti.

"iwan na muna kita."

tanging tango lang ang naisagot ni mae sa sinabi ni joy saka dahan-dahang ibinaba ang tingin. kagat ang ibabang labi, hindi maiwasan ni mae ang malungkot at maawa sa sinapit ng kanilang kaibigan.

but at the same time, masaya si mae dahil hindi na mahihirapan si hera. kahit papano naman kasi ay naging magkaibigan sila at masaya siya dahil finally, makakapagpahinga na siya.

"rest and peace, hera.." usal ni mae habang malungkot na pinagmamasdan ang dalagang nakahiga at tila mahimbing lang na natutulog sa loob ng isang mahabang kahon.

"mae.."

biglang lumakas ang hangin at iyon ang narinig ni mae. tila ba may bumulong sa kanya hanggang sa bumalik sa kanyang alaala ang ibinulong ni hera sa kanya.

"make him happy.. for me."

sa totoo lang, hindi pa rin sure si mae kung gagawin niya ba ang nais ni hera o hindi. kasi sino ba naman siya para kay ni-ki, di'ba? paano niya pasisiyahin si ni-ki kung nasa ganito silang sitwasyon?

pinalayo pa nga siya nito dahil ayaw siyang magustuhan ni ni-ki and mae swears, that was the most painful line she ever heard. hindi nga dapat siya pupunta dito kasi hindi niya alam kung paano haharapin si ni-ki after 'yon nangyari.

napabuntong hininga na lang si mae at napapikit saka bumulong sa hangin. "susubukan ko hera, para sa kagustuhan mo."

unti-unting iminulat ni mae ang mga mata niya at muling pinagmasdan si hera bago tuluyang tumalikod. ngunit sa pagtalikod niya, hindi niya inaasahan na siya ang bubungad sa kanya.

"mae.."

"n-ni-ki.."

-♡️-

nasa malayo ang tingin at tanging nakakabinging katahimikan lang ang bumabalot sa kanilang dalawa. hindi alam ni mae ang gagawin niya sa totoo lang. after ng mga nangyari? bumabalik pa rin ang sakit.

pero alam niya ring hindi niya pwedeng takbuhan at iwasan si ni-ki habang buhay lalo pa't sa sinabi ni hera sa kanya.

samantalang si ni-ki naman ay hindi alam kung bakit bigla niyang hinila si mae papunta dito tapos hindi rin naman siya magsasalita. oh well, may gusto talaga siyang sabihin pero hindi niya lang magawa dahil sa hiya.

after what happened that day, wala ng mukhang maihaharap si ni-ki. may isa na naman siyang tao na tinulak palayo, isang tao na alam niyang naging mahalaga at parte na din ng buhay niya.

"uh.. c-condolence.."

si mae ang unang nagsalita dahil hindi niya na kayang tumagal pa ito, pakiramdam niya nas-suffocate na siya sa katahimikang namamalagi sa kanila.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon