. . . ⇢ 90 ˎˊ˗

129 11 4
                                    

unti-unting iminulat ni jake ang mga mata niya saka napangiti. kinapa niya ang tabi niya pero agad din siyang napabangon nang wala siyang maramdaman na nakahiga sa kanyang tabi.

empty space.

where's cyril?

umalis si jake mula sa higaan para hanapin si cyril pero wala, wala siyang cyril na nakita. nagsimula na siyang magpanik at kabahan nang mapansin niyang wala na din ang mga gamit ni cyril.

pero natigilan din siya matapos makita ang sulat sa tabi ng lamp. kinuha niya 'yon at binuksan. tatlong words lang ang bumungad sa kanya ngunit sapat na 'yon upang mapaupo si jake sa sahig dahil sa panghihina.

i'm sorry, jake.

napayuko si jake at halos mapunit na ang papel sa pagkakahawak niya. nakasubsob siya sa sarili niyang tuhod at hindi na maiwasang mapahikbi. umagang-umaga pero ito na agad ang bumungad sa kanya.

"c-cyril.."

-♡️-

"cyril, my beloved wife!"

masuyong ngiti ang bumungad kay cyril nang magkita sila ni victon. niyakap siya ng binata pero hindi man lang gumalaw si cyril para yakapin ito pabalik, nakatingin lang siya sa malayo.

habang puso ay lihim na nagdurugo.

victon pulled away from hug, pansin niyang nakatulala si cyril kaya naman hinawakan niya ito sa kamay at pinisil iyon ng marahan dahilan para mabalik sa sarili si cyril at mapatingin sa kanya.

"finally, i caught your attention." ani victon na matamis pang ngumiti. "well, i'm glad dahil kusa kang sumama sa'kin—"

"i only did this for my mom." kaagad pinutol ni cyril ang sinasabi ni victon.

natigilan si victon pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito. "so you know? you know i can take everything you have kapag hindi ka sumama sa'kin?"

hindi sumagot si cyril.

mahinang natawa si victon. "what an obedient daughter, sana all."

hinarap ni cyril si victon dahilan para mapahinto ang binata, tinitigan niya ito sa mga mata at malungkot na ngumiti. "victon.. why are you doing this?"

ngayon, si victon naman ang hindi sumagot. the way cyril looks at him, hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging speechless. gusto niyang sagutin ito ng nakakaloko pero hindi niya magawa.

pasimpleng umiwas ng tingin si victon at lumayo kay cyril. he can't take it, pakiramdam niya unti-unti siyang nalulunod sa mga mata ni cyril. at bago siya humarap muli sa dalaga ay inayos niya muna ang sarili.

pilit siyang ngumiti at hindi makatingin ng diretso kay cyril. "w-we have a dinner later, go upstairs and fix yourself."

hindi na hinintay ni victon ang sagot ni cyril at kaagad lumabas ng mansion para magpahangin. ngunit sa kanyang paglabas, bigla na lang nag-pop sa utak niya ang itsura ni cyril kanina.

napailing-iling siya.

kailan pa 'ko nakaramdam ng awa?

-♡️-

heeseung
@heeheehee

jake
hyung

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon