. . . ⇢ 21 ˎˊ˗

206 12 7
                                    

ang lahat na kasama sa party ay patuloy pa ring nagsasaya habang palalim ng palalim ang gabi. may ibang guest na bumalik na sa kanilang mga hotel rooms pero ang gang ay nandito pa rin.

sina sunoo at jake ay nasa buffet table para kumuha ng mga pagkain. kumain na sila kanina pero nagutom ulit sila kakasayaw kaya naman pinili nilang kumain ulit. ang iba naman ay nasa lamesa at may kanya-kanyang ginagawa.

"look at them." pasimpleng itinuro ni charlotte si ni-ki na kasama si mae ngayon.

napatingin si sunghoon doon. "anong meron sa kanila?"

charlotte let out a smile. "wala, masaya lang ako dahil kahit papano hindi na lonely si ni-ki ngayon." sagot niya.

pinanood ng dalawa sina ni-ki at mae na nag-uusap. halata sa kanila ang awkwardness at nahihiya sa isa't-isa dahil gaya nga ng sabi ni ni-ki; close sila ni mae sa chat pero hindi sa personal.

bumaling si sunghoon kay charlotte at gumuhit ang pag-aalala dito nang makita niyang nakasimangot si charlotte ngayon. "what's wrong?"

charlotte just shook her head. "nothing.."

"'yung totoo, masaya ka ba talaga para kay ni-ki?"

sa tanong ni sunghoon ay agad na natigilan si charlotte at hindi nakasagot. sa totoo lang, masaya si charlotte para kay ni-ki, masaya siya na nakilala nito si mae at naging magkaibigan sila. pero nangangamba si charlotte sa kahahantungan ng pagkakaibigan nila ni-ki at mae.

what if may isa sa kanilang ma-fall?

muling napatingin si charlotte kila ni-ki. pinakatitigan niya ang dalawa at bilang babae ay may napansin siyang kakaiba kay mae— kung paano ito tumingin at matawa sa mga pinagsasabi ni ni-ki.

she likes ni-ki.

hindi alam ni charlotte kung anong mararamdaman sa kanyang nalaman. hindi man aminin ni mae ang totoo, babae din si charlotte at kabisado niya ang mga ganitong galawan, alam niyang may gusto ito kay ni-ki.

mae likes him, what if kung ma-fall din si ni-ki?

natigilan si charlotte.

no.

akmang tatayo sana si charlotte para lapitan sina ni-ki at mae na nasa unahan nang hawakan siya ni sunghoon sa wrist dahilan para matigilan si charlotte. napatingin siya dito at umiling-iling lang si sunghoon.

"hayaan mo sila, cupcake."

"pero paano si hera—"

"gagawa ng paraan ang tadhana kung sila talaga ni ni-ki ang para sa isa't-isa. pero sa ngayon, hayaan mo muna si ni-ki kasama si mae. kung ano man ang mangyari ay mangyayari, after all wala tayong kakayahan pigilan sila especially kung puso na ang pumili kung sino dapat ang mahalin nila."

nanlambot ang mga mata ni charlotte, nalulungkot siya sa totoo lang at nasasaktan kahit hindi naman siya ang nasa sitwasyon nila. pero hindi niya kasi maiwasan mangamba para kay ni-ki at hera, natatakot siya sa kahihinatnan nilang dalawa.

pero tama si sunghoon, kung ano man ang mangyari ay mangyayari. hindi na nila mapipigilan 'yon lalo pa't kung puso na ang nagdesisyon.

but i hope, i hope sila pa rin ni ni-ki hanggang sa huli.. charlotte thought saka nagpakawala ng mabigat na hininga.

"about hera, na-contact mo na ba siya?" muling pagsasalita ni sunghoon.

doon ay mas lalo lang nalungkot si charlotte sa katotohanang maging sila ay nawalan na rin ng communication kay hera. ilang linggo na ang nakakalipas mula ng umalis si hera at hindi na nila ito ma-contact para kamustahin.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon