. . . ⇢ 68 ˎˊ˗

149 11 7
                                    

"usapang lalaki sa lalaki."

seryosong tiningnan ni sunghoon si damon na ngayon ay nakataas lang ang kilay sa kanya. nakangisi din at kung hindi lang nakipagkita si sunghoon sa kanya para makipag-usap ay for sure kanina niya pa sinapak ang lalaking nasa harapan niya.

sa una pa lang, hindi niya na talaga gusto ang aura ng lalaking 'to at mas hindi niya gusto ang relasyon nila ni julie. pero dahil kapatid siya, wala siyang magawa kundi ang galangin ang meron sila.

kahit ang totoo ay hindi pa rin malinaw sa kanya kung bakit nakipaghiwalay si julie kay heeseung at nakipagrelasyon kay damon kahit halata namang ayaw ni julie dito. may idea naman na si sunghoon sa posibleng nangyayari pero gusto niya muna makasigurado.

at kaya ngayon nandito siya.

"do you really love my sister?"

"of course-"

"does she love you?"

natigilan si damon. nagkatitigan sila ni sunghoon pero agad din siyang umiwas ng tingin dahil pakiramdam niya binabasa ni sunghoon ang mga mata niya. pero nanatili pa rin siyang nakangisi at proud na tumango.

"we love each other."

liar.

alam ni sunghoon na nagsisinungaling si damon kasi kilala niya si julie. kung naghiwalay man sila ni heeseung for some reason, hindi agad makikipagrelasyon si julie sa kung sino-sinong lalaki. knowing her, mas matigas pa sa bato si julie at hindi madaling amuin.

unless..

"you set her up."

mas lalong umangat ang kilay ni damon nang marinig niya 'yon mula dito. natawa siya dahilan para mag-igting ang panga ni sunghoon saka tumayo at hinawakan ang kwelyo niya ng mahigpit.

"so totoo?" paninigurado ni sunghoon at pakiramdam niya, nag-aapoy na ang mga mata niya sa galit.

"ngayon mo lang na-realize?" nakangising sagot ni damon.

hindi na nakapagpigil pa si sunghoon at saka malakas na sinuntok si damon dahilan para mahulog ito sa sahig at mag-cause ng ingay. napatingin sa kanila ang mga tao sa restaurant at nagsimulang magpanik.

pero walang pakialam si sunghoon sa nakapaligid sa kanya. matalim lang siyang nakatitig kay damon na ngayon ay hawak ang panga niyang nagdudugo, natawa pa ito na mas lalong nagpakulo sa dugo ni sunghoon.

kaagad niyang sinugod si damon at muling nagpakawala ng malakas na suntok, hindi lumalaban si damon pero ang mukha nito ay nang-aasar. at kung hindi lang siya inawat ng guard baka napatay niya na ito sa sobrang lakas ng mga suntok na pinapakawala niya.

"sir-"

"kaya ko." malamig na tugon ni sunghoon saka binawi ang braso niya sa pagkakahawak ng guard. muli siyang tumingin kay damon at dinuro ito. "if i saw you bothering julie again, i won't hesitate to end your life."

iyon ang huli niyang sinabi bago umalis doon.

honestly, hindi takot si sunghoon na makapatay. kung kinakailangan niyang makagawa ng masama para lang mapabuti ang mga mahal niya sa buhay, handa siyang gawin 'yon kahit makulong pa siya o mamatay.

pagkarating niya sa bahay ay nag-aalalang si julie ang agad na bumungad sa kanya. napatingin ang dalaga sa nagdudugo nitong kamao at muling napatingin kay sunghoon, sunghoon just smiled at her.

"he's gone."

"w-what did you do? hindi mo naman siya pinatay, d-di'ba..?"

bakas ang kaba sa mukha ni julie dahilan para matawa si sunghoon. nangangamba kasi si julie na baka ginawa niya ang bagay na 'yon kay damon at kapag nangyari 'yon, baka makulong pa si sunghoon na ayaw mangyari ni julie.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon