. . . ⇢ 38 ˎˊ˗

206 10 29
                                    

"HOY PUTANGINA!"

ang lahat ay nagulat at napatingin kay joy sa biglaan nitong pagbulaslas. "bakit!?"

"gagi, enrollment pala ngayon at hindi ako nakapag-enroll!" sagot ni joy at bahagya namang nanlaki ang mga mata nila. "wait.. nalimutan niyo din?"

"HALA!" napatayo si francine at nagtatalon habang nagpapanik. "ALA-SIETE NA! TAPOS NA ANG ENROLLMENT! HINDI NA TAYO MAKAKAPASOK!"

"omg!? paano na!?" si cyril ay balisa na rin at kinakabahan na baka hindi sila makapasok sa pasukan.

agad namang kinuha ni jungwon ang phone niya at nag-scroll sa twt account ng hybe university para tingnan ang mga announcement dito. para siyang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan nang makita nito ang last announcement.

"calm down, open pa naman ang enrollment hanggang pasukan. pwede pa tayo mag-enroll bukas o sa susunod na araw o kahit sa isang araw pa." sabi ni jungwon. "check their account, nag-post sila ng announcement kanina."

dahil doon ay dali-dali nilang kinuha ang mga phone nila at tiningnan ang sinasabi ni jungwon. nang mabasa nila ang announcement ay sabay-sabay nilang nagpakawala ng hininga.

"i thought late na for enrollment, gosh." cyril says.

"muntik na 'kong atakihin sa puso." komento naman ni jay.

"sayang, sana natuloy na." pagtukoy ni jungwon sa sinabi ni jay.

jay just glared at him which made jungwon laugh. sasagot pa sana si jay nang tawagin siya ni joy na ngayon ay nasa kusina na para ihanda ang mga kakainin nila mamaya habang nanonood ng movie.

naging busy ang lahat sa pag-aayos para sa kanilang sleepover hanggang sa abutan na sila ng 11 PM. ngayon ay nakapwesto na ang girls sa sofa habang ang boys ay nasa carpet nakaupo, si joy na lang ang hinihintay dahil kinukuha pa nito ang popcorn.

nang makarating si joy ay sinet-up na ni jay ang panonoorin nila. horror 'yon dahil kanina namili sila kung romance or horror and since majority wins, ang horror ang napili kasi nakakaumay na daw ang romance na may pare-parehong plot.

ilag mga romance writer- *umilag*

so ayon, nagsimula na ang horror movie na 'wag na natin pangalanan dahil ang nagsusulat ay hindi mahilig manood ng movies so wala siyang alam na movies.

sa unang scene pa lang ay nagulat na agad sila, especially sina jay at jake. bigla kasing sumulpot 'yung bida-bidang multo sa screen nila. wala namang espesyal na nangyari. kain ng popcorn, nagulat kaya sumigaw at minsan nagtatago pa sa katabi nila o sa kumot.

"hindi naman nakakatakot." komento ni jay pagkatapos ng movie.

binato naman siya ni joy ng unan. "ulol, ikaw nga 'tong parang pusa na siksik ng siksik eh."

"pakunwari pa si jay hyung, siya naman 'tong duwag na duwag." dagdag pa ni jungwon.

napanguso lang si jay. "fine, nakakatakot na. pero medyo lang!"

hindi na siya pinansin ng mga 'to at napatingin lang kay jake na mahigpit na nakayakap sa katabi nitong si sunoo, pati nga mukha nito ay nakatago na sa gilid ni sunoo. natawa lang sila sa itsura nito, knowing na matatakutin talaga si jake.

"poor jake hyung." natatawang ani ni-ki.

"pero seryoso, hindi naman siya nakakatakot. nakakagulat, oo. pero dahil sanay ako manood ng horror movies kasama si ni-ki noong high school, hindi na 'ko ganun na natatakot." pags-share ni sunoo.

napatango naman si ni-ki at napatingin sa girls sa taas. si joy lang ang maayos sa kanila dahil sina francine at cyril ay nakayakap sa isa't-isa. especially cyril na katulad ng boyfriend niya ay takot na takot din at halos hindi na maimulat ang mga mata.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon