. . . ⇢ 36 ˎˊ˗

185 11 15
                                    

"mom.. dad.. w-what are you doing here?"

natigilan si charlotte nang makita ang parents niya sa loob ng bahay. prenteng nakaupo ang dalawa at halatang hinihintay ang pagdating ni charlotte na umalis kanina para makipagkita kay sunghoon.

"welcome back, i guess? akala ko kami ang iw-welcome mo pero mukhang kami pa ang magw-welcome sa'yo." sagot ng mom niya.

the middle-aged man cleared his throat, tiningnan niya ng seryoso ang anak. "it's already 12 in the midnight, uwi ba 'yan ng matinong dalaga?"

pasimpleng napalunok si charlotte sa paraan ng pananalita ng ama niya. seryoso ito kaya alam niyang hindi ito natutuwa sa ginawa niya, for sure mapapagalitan na naman siya. ganun din ang mom niya na pekeng nakangiti sa kanya.

"i'm not a kid, dad. i can handle myself." sagot ni charlotte.

tiningnan naman siya ng seryoso ng ina niya. "huwag ka na sumagot, nag-aalala lang ang daddy mo para sa safety mo."

hindi na sumagot si charlotte at napabuntong hininga na lang. nagsimula siyang maglakad para sana umakyat na sa taas nang isang malalim at madiin na boses ang nagpatigil sa kanya, halatang galit.

"we didn't raise you to disrespect us, shin charlotte. come back here."

dahil sa sinabi nito ay agad naagaw ang atensyon ni charlotte. bumalik siya sa harapan ng mga magulang niya at malungkot silang tiningnan. "what do you mean by you raised me? mom, dad, have you forgotten grandma has been with me since i was a child? and you? busy with your jobs."

hindi na naiwasan ni charlotte na maglabas ng sama ng loob dahil sa kanyang narinig. ayaw niya ring sagutin pa ulit ang parents niya dahil for sure magagalit ang grandma niya dahil ang pagsagot ay pagdisrepeto sa mga magulang mo.

pero hindi na kaya ni charlotte pigilan ang emosyon niya kaya nasabi niya ang mga bagay na 'to sa harapan ng mga magulang niya. napayuko pa siya at doon ay napahikbi.

"m-minsan naiisip ko, binubuhay niyo ba 'ko bilang anak niyo o para lang may maipagmalaki kayo sa ibang tao? kasi sa totoo lang, h-hindi ko maramdaman na tinuturing niyo 'kong anak." dagdag pa ni charlotte na nananatiling nakayuko.

"that's not true, we're doing this for you." rinig niyang sambit ng kanyang ina pero umiling-iling lang si charlotte, nanatiling sarado ang isipan.

she looked up, tears streaming down her face. "for me? really? but why every time i want to do something, you're always against it? i told you i wanted to be a photographer but you still chose what you wanted. your reason? para sa akin din 'to, para sa future ko."

"tapos ngayon gusto niyo doon ako sa canada mag-aral? sinabi kong gusto ko dito pero ayaw niyo, palaging hindi pwede. saan ba 'ko lulugar? kailangan ba palagi na lang kayo ang nasusunod? paano naman ang mga gusto ko?" ani pa ni charlotte at kasabay non ang pagtulo ng panibagong luha sa kanyang pisngi. "mom, dad, nasasakal na po 'ko.."

hindi nakasagot ang parents niya habang nakatitig lang si charlotte sa kanila, naghihintay ng sagot pero wala. wala siyang narinig sa kanila, wala man lang kahit; sorry.

napakagat na lang sa ibabang labi si charlotte at naglakad para umakyat sa taas. pero bago pa man siya makadalawang hakbang ay napahinto siya sa sinabi ng dad niya at doon napagtanto niyang hindi talaga siya mahalaga para sa kanila.

"pack your things, uuwi tayong canada bukas at doon ka na mag-aaral. that's final."

-♡️-

sunghoon
@icehoonie

charlotte
hoonie?

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon