. . . ⇢ 42 ˎˊ˗

177 12 16
                                    

"HERAAAAAAAA!!!"

napabalikwas ang boys nang marinig nila ang tili ng girls dahil sa gulat. doon ay bumungad sa kanila si ni-ki at kasama si hera. niyakap ng girls si hera habang si ni-ki ay nakangiti lang silang pinapanood.

"na-miss ka namin kahit 'di tayo close, hehe." pananalita ni francine na ikinatawa nila.

"nako hera, alam mo ba 'yang si ni-ki mukhang tanga noong wala ka? buti na lang talaga nandito ka na." sambit naman ni joy na ikinanguso ni ni-ki pero hindi na siya sumagot pa dahil totoo naman ang sinabi ni joy.

"omg, how are you hera? your asthma—" natigilan si cyril nang mapansin niyang nakasakay si hera sa wheelchair, nawala ang ngiti sa labi niya.

hera noticed that and let out a faint smile. "i lied."

doon ay binalot sila ng katahimikan. walang nagsalita pero wala ding nag-react na nagulat sila o ano. wala, normal lang silang nakatingin kay hera na ngayon ay nakayuko at nakakaramdam ng guilty sa kanyang ginawa.

"i-i'm sorry.." muling usal ni hera. "m-may cancer ako, it's multiple myeloma. sa dugo 'yon pero kasama ang panghihina ng mga buto ko."

wala pa ring nagsalita. si ni-ki na nasa likod lang ni hera ay napalunok na lang dahil sa kanyang nalaman. nagsisimula pa lang si hera na mag-open sa totoong nangyari sa kanya pero pakiramdam ni ni-ki hindi niya na kakayanin ang mga susunod nitong sasabihin.

hera bit her lower lip, pinipigilan ang kanyang emosyon. "a-a-at masyado nang malala ang sakit ko to the point na hindi ko na m-mailakad ang mga paa ko.."

"pero sabi nila charlotte may treatment daw sa sakit mo." si jay ang nagsalita.

napatingin sa kanya si joy. "alam mo? pati ni charlotte?"

"yeah..? kahit si sunghoon pero sinabi ni charlotte na manahimik na lang ako at hintayin na si hera na lang ang mismong magsalita kaya hindi ko sinabi sa inyo." paliwanag nito.

"congrats hyung, for the first time napigilan mo 'yang madaldal mong bibig." komento ni jungwon.

napangiwi lang si jay. "compliment ba 'yan or what?" jungwon just shrugged his shoulder. napatingin naman si jay kay ni-ki. "sorry sa hindi pagsasabi sa'yo, ni-ki."

ni-ki just smiled faintly. "i understand, hyung. ginawa mo lang ang tama."

muli ay binalot sila ng katahimikan hanggang sa mapatingin na lang silang lahat kay hera dahil sa biglaan nitong paghikbi. nakayuko pa rin ito, natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha.

masakit sa side ni ni-ki na nakikitang ganito si hera, umiiyak pero hindi na nagsalita pa. nararamdaman din ni ni-ki na bukod sa mga sinabi ni hera kanina ay may kailangan pa siyang malaman, pero hindi niya na pipilitin na magsalita ang dalaga.

-♡️-

"nakauwi na ba sila ni-ki at hera?" tanong ni francine sa katabi nitong si jungwon.

nasa bahay ulit sila nila joy ngayon dahil dito lang naman free tumambay. kaninang alas-otso pa sila nandito at ngayon ay maghahapon na. bakit sila nandito? wala, pa-chill chill lang habang hindi pa pasukan.

jungwon just nodded his head. "kanina lang. sumasakit kasi ang ulo ni hera kaya inihatid siya ni ni-ki sa bahay nila."

"sa tingin ko mas maganda kung mananatili na lang muna si hera sa bahay nila at magpahinga. halata kasi sa itsura niya ang panlalata at pamumutla." lintanya ni francine, nag-aalala sa kalagayan ni hera. "pero sa tingin mo ba ayos pa si hera?"

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon