. . . ⇢ 34 ˎˊ˗

188 8 20
                                    

"kumain ka na daw."

pero hindi siya pinansin ng dalaga at nagpatuloy lang sa ginagawa nito. natatawang napailing-iling lang si sunoo at saka lumapit kay danica na busy sa pagsasanay ng pagtugtog ng piano.

pinanood ni sunoo kung paano igalaw ni danica ang mga darili nito at hindi maiwasang mamangha sa bilis at linis nitong magpatugtog. danica slowly closed her eyes as she started to hum softly.

pakiramdam ni sunoo muling nagbalik ang nakaraan habang patuloy niyang pinapanood ang dalaga. 'yung una niyang nasaksihan si danica na tumutugtog sa kabila ng sakit nito noon at ang araw ding 'yon ay naging magkaibigan sila.

"staring is rude, you know?"

nabalik sa sarili si sunoo nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si danica. walang mababasa sa mga mata nito at ang titig na 'to ay kagaya ng kung paano siya titigan ng dalaga noong hindi pa sila magkakilala.

umiwas lang ng tingin si sunoo, hindi maiwasang makaramdam ng lungkot dahil hindi niya rin maitatangging ang danica ngayon ay hindi na tulad ng danica na minahal niya. pero susubukan niyang ibalik ang dating danica.

hindi naman sa rude si danica, pero masungit din siya at madalas maging seryoso. at ang mga ngiti nitong gusto-gustong pagmasdan ni sunoo ay hindi na tulad ng dati nitong mga ngiti. ang mga ngiti nito ay may halong peke ngayon.

parang bumalik lang sila sa dati na sinusubukan ni sunoo na kaibiganin si danica pero umiiwas lang ito sa kanya.

kung 'di niyo rin tatanungin. madalas si sunoo kila danica dahil iyon ang gusto ni mr. choi, gusto niyang si sunoo ang mag-alaga kay danica or let say; gusto niyang ibalik kung ano mang meron kila danica at sunoo noon.

"your food is ready, kumain na daw—"

"later. may gagawin pa 'ko."

napanguso lang si sunoo habang pinapanood ang dalaga na umupo sa sofa at kunin ang sketch book nito at lapis. sumunod lang si sunoo at umupo sa tabi ni danica. bahagya pa siyang nagulat nang makita ang ibang sketch ni danica na nasa lamesa.

"sun?"

sa sinabi ni sunoo ay naagaw niya ang atensyon ng dalaga. "gusto mo rin ang araw?"

"ha?"

lihim na napairap ang dalaga at muling bumaling sa ginagawa nitong pagguhit. pinagmamasdan naman siya ni sunoo na nasa tabi niya at sa totoo lang, hindi alam ni sunoo ang dapat niyang maramdaman matapos makita ang mga drawing ni danica.

puro kasi 'yon araw.

"gusto mo.. sa mga araw?" hindi na naiwasan ni sunoo ang magtanong.

hindi siya binalingan ni danica pero tumango lang ito. "i don’t know why but before i could even open my eyes, i saw a guy’s smile. that smile was very bright, like how bright the sun is. at parang sinasabi ng ngiti niya na siya ang ilaw ko."

"what.. do you mean?"

"i can't explain it. pero pagkagising ko at tuluyan na nawala ang mga alaala ko, ang ngiting 'yon ang unang nakita ko sa isipan ko hanggang sa hindi ko na 'yon malimutan at nagsimulang gumuhit ng mga araw." sagot ni danica. "ewan ko, bigla na lang ako na-fall sa araw."

natigilan naman si sunoo. ayaw niyang mag-assume dahil ayaw niyang masaktan pero bakit feeling niya siya ang lalaking tinutukoy ni danica bago niya imulat ang mga mata niya?

"sa tingin mo.. may kamukha ba ang ngiti niya?" dahan-dahang tanong ni sunoo.

nag-angat naman ng tingin si danica at pinakatitigan si sunoo na naghihintay ng sagot ng dalaga. tumango lang si danica. "meron."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon