. . . ⇢ 76 ˎˊ˗

141 10 2
                                    

"sa susunod 'wag ka na kasi magpupuyat." angil ni sunoo kay joy na kakagising lang. tanging tango lang ang naisagot ni joy.

tahimik lang ang dalaga na kumakain ng pinadalang pagkain ni danica habang si sunoo ay nakanguso lang siyang pinapanood. napansin 'yon ni joy dahilan para mapalingon siya dito, nagtatakang tinitigan si sunoo.

"bakit?"

mas lalo lang ngumuso si sunoo. "ang lalim kasi ng iniisip mo, baka malunod ka diyan."

hindi sumagot si joy at umiwas lang ng tingin. kasalukuyan siyang nasa mansion, of course kasama ang dad niya— si mr. park. nalaman kasi nito ang nangyari kay joy kaya inuwi niya si joy para dito na pagpahingahin.

tatlong araw na ring nasa loob lang ng kwarto si joy at gusto niya na bisitahin ang ina niya dahil isang linggo niya na itong hindi nakikita. miss niya na talaga ang mom niya na alam niyang may tampo pa rin dahil sa nangyari.

katulad ni jay at joy, hindi rin matanggap ng ina ni joy ang lahat ng nangyari dahil siya ang ina at alam niya ang totoo pero wala siyang magawa dahil iba ang sinasabi ng DNA test sa katotohanan na siya mismo ang nakaranas.

tapos nung kinagabihan bago nakita nila sunoo at danica si joy na walang malay sa dorm ay may nalaman din si joy at dahil don hindi siya nakatulog. inabot na siya ng araw na 'yon lang ang iniisip hanggang sa biglang kumirot ang ulo niya at nandilim ang paningin niya.

napabuntong hininga si joy. hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang nakita niya sa twitter account ni jay. at hindi siya pwedeng magkamali dahil kilala niya ang babae sa recent post ni jay— si lucy.

tuloy, hanggang ngayon ay nag-ooverthink pa rin si joy. ang dami niyang tanong like; bakit nandoon si lucy? magkasama ba silang dalawa ni jay? kung oo, bakit at anong ginagawa ni lucy kasama si jay?

what if.. naghanap na siya ng iba?

joy unconsciously clenched her fist, biting her lower lip. unti-unti niyang nararamdaman ang pag-init ng magkabilang gilid ng mga mata niya hanggang sa may luhang nagsunod-sunod na nagsipatakan mula dito.

napansin 'yon ni sunoo at akmang hahawakan niya si joy sa balikat para i-comfort ito nang dahan-dahan lang umiling si joy saka nagsalita. "i-i'm okay."

"joy—"

"i'm fine." agad na pinutol ni joy ang sasabihin ni sunoo.

dahil doon ay hindi maiwasan ni sunoo ang mainis. halata naman kasing hindi okay si joy pero bakit niya pa pinipilit na okay siya kahit umiiyak na nga siya? ganun pa man, pinilit pa rin ni sunoo na pakalmahin ang sarili at saka niyakap si joy na unti-unti na lumalakas ang hikbi.

"shush now, i'm here. hindi kita iiwan."

mas lalong lumakas ang hikbi ni joy. "p-please.. i want to see him again, sunoo. pakiusap.. dalhin mo 'ko sa kanya.."

matagal bago nakasagot si sunoo. pinag-iisipan niya kung mas mabuti bang magkita sila ulit o 'wag na lang? pero kapag hindi siya pumayag, for sure maghapon na naman iiyak si joy at ayaw ni sunoo na mangyari ulit 'yon.

napahugot ng malalim na hininga si sunoo saka dahan-dahan na tumango. "i will, dadalhin kita mamaya sa kanya."

jay hyung you better not push us away or else.

-♡️-

nica
@dnicachoi

nica
are you with joy?

sunoo
hala nakalimutan ko, im sorry hindi kita masasamahan mamaya 😭

nica
hey okay lang

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon