. . . ⇢ 24 ˎˊ˗

210 12 2
                                    

inis na pinatay ni julie ang phone niya nang muli iyong mag-ring. napakagat siya sa kanyang ibabang labi sa labis na galit na kanyang nararamdaman at padabog na umakyat sa taas. nagkatinginan naman sila joy at cyril na kanina pa pinapanood si julie.

agad lumapit si joy kay cyril at umupo sa tabi nito. si cyril naman ay umayos ng upo para bigyan ng space si joy. "ako lang ba o may kakaiba kay julie?" paninimula ni joy.

"she's been acting weird lately. i wanted to ask her pero pinipigilan ko ang sarili ko since sunghoon says na pabayaan muna si julie." sagot ni cyril saka sumubo ng popcorn na hawak niya.

"nagsimula siya maging ganyan mula nang makabalik siya after niya mawala. at pansin ko pa, mas lalo siyang nagiging grumpy sa tuwing may nagr-ring sa phone niya.. wait.." napatingin si cyril kay joy at ganun din si joy sa kanya. "may something sa phone niya!"

"i saw that! that time na naiwan niya ang phone niya sa lamesa para kumuha ng cookies sa refrigerator, her phone rang and an unregistered number was calling her. titingnan ko sana ng maayos 'yung number since naisip ko na baka kakilala ko, isa sa gang, pero bigla na lang kinuha ni julie ang phone niya and she let out an awkward smile. i didn't know why, but that was kinda sus for me." mahabang lintanya ni cyril.

napatango-tango lang si joy sa sinabi ni cyril. "unregistered number.. sa tingin mo sino naman kaya 'yon?"

cyril just shrugged off. "hindi ko knows."

-♡️-

julie
@liekim

heeseung
julie nasaan ka?

heeseung
wala ka sa hotel room niyo, lumabas ka ba?

heeseung
julie?

heeseung
madam julie naman :<

heeseung
hindi ko alam pero pakiramdam ko bumalik ulit tayo sa dati

heeseung
kinukulit kita at ikaw naman ang umiiwas..?

heeseung
ang pinagkaiba lang hindi ko pa nakukuha ang puso mo noon, pero ngayon?

heeseung
julie ano ba talagang nangyari?

heeseung
ayokong isipin na iniiwasan mo ko pero bakit yon ang nararamdaman ko?

heeseung
oo, kinakausap mo ko pero bakit parang may nag-iba? bakit parang naging cold ka na?

heeseung
julie kung may problema ka pwede naman natin yon pag-usapan. kung ano man yan, haharapin natin yan ng magkasama

heeseung
julie?

heeseung
julie, please let's talk

heeseung
sabihin mo sakin kung ano man yang kinikimkim mo

heeseung
please

-♡️-

hindi bato si heeseung at nasasaktan na siya sa kung paano siya pakitunguhan ni julie. okay naman sila noong mga nakaraang linggo pero bakit biglang naging ganito? bakit parang iniiwasan siya bigla ng dalaga?

ano ba talagang nangyari noong araw na nawala si julie?

diretsong nakatingin si heeseung sa kanyang dinadaanan habang ang kanyang isipan ay kung saan-saan nakakarating. lutang siya at maraming iniisip to the point na hindi niya napansin ang bolang tatama sa kanya.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon