. . . ⇢ 45 ˎˊ˗

236 12 9
                                    

"yang jungwon and nishimura ni-ki?"

"paano niyo nalamang nandito kami—"

"naka-open ang location information sa phone niyo kaya nahanap namin kayo."

nakatinginan sina ni-ki at jungwon saka muling bumaling sa matangkad na lalaking nakatayo sa harapan nila. napansin ni jungwon ang ID nitong suot at nakita ang logo ng agency na pinag-audition-an nila.

napalunok si jungwon. ito na ba?

"sino po ba sila?" si ni-ki ang nagtanong, walang ideya kung sino ang nasa harapan nila.

"manager ako sa heelift agency, sinusundo kayo—"

"what!?" hindi maiwasan ni jungwon ang magulat sa kanyang narinig. "anong ibig niyong sabihin na sinusundo niyo kami?"

"don't you read our emails to you? it states that all trainees of the heelift agency will leave the country and go to japan for training. at kayong dalawa ay kasama sa mga trainees namin."

napanganga si jungwon, hindi niya inaasahan na sa japan pa talaga sila magt-training. napatingin siya kay ni-ki na normal lang na nakatingin sa lalaki, na tila ba alam na nito na aalis sila ng bansa para sa training.

"mr..?"

"mr. jung."

tipid na ngumiti si ni-ki. "mr. jung, kailan po ba ang alis?" tanong niya.

"sa isang araw na." sagot nito.

napasulyap si ni-ki kay jungwon na halatang may malalim na iniisip saka tumingin kay mr. jung. "pwede po bang bumalik kayo bukas? may kailangan pa po kasi kami ayusin."

tumango lang si mr. jung. "sige, i'll be back tomorrow at dapat naka-ready na kayo kasama ang mga gamit niyo."

nakangiting tumango lang si ni-ki at pagkatapos non ay umalis na si mr. jung. tumikhim si ni-ki dahilan para maagaw niya ang atensyon ni jungwon. "hindi ka pa nakakapag-desisyon, hyung?"

umiling-iling lang ito. "ikaw ba?"

nagpakawala ng malalim na hininga si ni-ki. "matagal ko na 'tong pangarap, pero sa ngayon magiging selfless ako."

"what do you mean?"

ni-ki smiled. "hera needs me. hindi naman masamang piliin ko ang babaeng mahal ko kaysa sa pangarap ko, di'ba?"

dahil doon ay malungkot na napangiti si jungwon at napabuntong hininga. "buti ka pa."

"dahil ba 'to kay francine?" tanong ni ni-ki pero hindi sumagot si jungwon. "pangarap mo din 'to, di'ba?"

"pero ayokong iwan si francine.." nag-angat ng tingin si jungwon, makikita sa mga mata nito ang pag-aalinlangan.

"hyung, sa tingin ko kailangan niyo 'to pag-usapan ni francine." tinapik ni ni-ki ang balikat ni jungwon at saka pumasok sa loob nila jay.

ngayon ay nasa bahay naman sila nila jay dahil dadating ang daddy nito mamaya, pero boys lang ang nandito dahil 'yung girls ay busy sa pamimili ng school supplies na gagamitin nila sa pasukan.

muling napabuntong hininga si jungwon. "he's right, kailangan malaman ni francine ang tungkol dito."

-♡️-

jungwon
@shpgarden

jungwon
fran?

francine
bakit?

francine
teka nasa counter na kami, may papabili ka ba?

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon