. . . ⇢ 74 ˎˊ˗

124 9 2
                                    

jay @rasleader

got his phone hoho

reply | retweet | like

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

reply | retweet | like

-♡️-

"bakit nasa iyo phone ko, lucy?"

inosenteng napangiti si lucy habang nakataas lang ang kilay ni jay sa kanya. "para mag-picture?"

"wala kang phone?"

"meron."

"so bakit kinuha mo 'yung akin-"

"wooshhh, stop na jay. wala naman akong pinakialaman sa phone mo. i swear, kahit mamatay ka pa." jay frowned which made lucy chuckle. "tampo yarn?"

"shut up. ano ba kasing ginagawa mo dito?" angil ni jay saka hinablot kay lucy ang phone niya.

"napaka gentleman." sarkastikong ani lucy. "pero bakit ka ba ganyan sa'kin? after kitang tulungan kay joy nung senior high pa tayo? kapal din your face ha."

hindi siya sinagot ni jay na agad namang napansin ni lucy. napakunot pa ang noo niya nang makita ang biglaang pagbabago ng itsura ni jay matapos niyang sabihin 'yon dahil kumpara kanina, bakas na ang lungkot sa mukha ni jay.

"wait, don't tell me.. hiwalay na kayo..?"

muli, hindi sumagot si jay at napabuntong hininga na lang.

eh?

"pwede bang umalis ka na lang muna?" mahinang usal ni jay ngunit sapat 'yon upang marinig ni lucy.

kasalukuyan silang nasa living room, nasa isa pang mansion nila jay since gusto niyang makalayo-layo matapos ng mga nangyari. pakiramdam kasi ni jay hindi niya kayang bumalik doon lalo pa't alam niyang doon na rin nakatira si joy.

mahirap para sa kanyang manatili kasama ang babaeng mahal niya na ngayon ay pinagbabawal nang mahalin gaya ng dati.

nagpapahinga lang si jay or sabihin nating nakatulala lang kanina nang biglang sumulpot kung saan si lucy at hanggang ngayon hindi pa rin alam ni jay kung bakit nandito si lucy at paano siya nito nahanap.

"nope, sabi ni tita samahan daw kita."

kung akala niyo tuluyan na nawala si lucy sa storyline well nope, never siyang nawala. ngayon lang siya nagpakita ulit dahil utos ni mrs. park- jay's mother. at nitong nakaraan lang nalaman ni jay na ang mom niya at mom ni lucy ay matalik na magkaibigan.

jay groaned, hinarap niya si lucy at umiling-iling. "hindi na kailangan-"

"jay."

napatingin sila lucy at jay nang may biglang magsalita. doon ay bumungad sa kanila si mrs. park na nakasalubong ang kilay na nakatingin sa anak. jay just looked away saka humiga sa sofa, wala siyang energy para makipagdebatehan pa.

"jay, that's rude. bisita mo si lucy-"

"hindi ko kailangan ng bisita, mom."

i don't need anyone, i just want her.

"so?" mrs. park scoffed. "i don't need your opinion either. sasamahan ka ni lucy dahil sinabi ko so don't be stubborn jay. you also need someone to talk to, hindi 'yong palagi ka na lang nakakulong dito."

pero nagbingi-bingihan lang si jay. hindi siya gumalaw mula sa kinahihigaan niya na siyang ikinailing-iling ni mrs. park. ito ang mahirap kay jay, kapag once na ayaw niya, ayaw niya talaga at wala kang magagawa don.

"jay." muling tinawag ni mrs. park si jay pero hindi pa rin ito lumingon sa kanya.

si lucy na medyo naguguluhan na dahil hindi niya naman alam kung anong nangyayari kay jay ay awkward lang na ngumiti kay mrs. park na halatang unti-unti na napipikon sa inaasal ni jay.

"uhh.. ako na lang po ang bahala kay jay, tita. trust me, i won't leave him alone here." lucy gave her an assuring smile which made mrs. park sigh.

tinapik niya si lucy sa balikat at tipid na ngumiti. "aasahan ko 'yan, hija."

lucy just nodded her head as she watched jay's mom walked away. nang makaalis ito ng tuluyan ay kaagad niyang nilingon si jay na nakatulala pa rin sa kawalan. napairap si lucy saka binato kay jay ang isang unan.

"the heck-"

"get up, may pupuntahan tayo."

natigilan si jay nang sabihin 'yon ni lucy. magtatanong pa sana siya nang bigla siyang hilain ni lucy, dahil sa gulat ay hindi na rin siya nakapalag pa at nagpadala na lang sa kung saan man siya dalhin ni lucy.

hanggang sa natagpuan na lang ni jay ang sarili kasama si lucy sa gilid ng bangin. naguguluhang napatingin si jay kay lucy na nakangiti lang na pinagmamasdan ang tanawin mula sa ibaba.

"hindi mo naman ako ihuhulog dito 'no?" dahan-dahang tanong ni jay na ikinalingon ni lucy sa kanya.

lucy chuckles. "hindi, pero kung gusto mo pwede naman kitang itulak."

bakas ang takot sa mukha ni jay at dahan-dahan lang napailing na mas lalong ikinatawa ni lucy saka kinuha ang papel at ballpen na hindi alam ni jay kung saan galing. ibinigay ni lucy kay jay 'yon pero nagtataka lang siya nitong tiningnan.

"anong gagawin ko diyan?" tanong ni jay na ikinairap ni lucy.

"kainin mo kaya?" panunupalpal nito. "malamang susulatan mo! kaya nga may ballpen, duh."

hindi pa rin malinaw kay jay kung anong gagawin nila sa papel at ballpen. sure, he knows na pagsusulatan 'yon pero for what? saka anong isusulat sa papel na 'to? ganun pa man, kinuha niya na lang kay lucy ang papel at ballpen.

"isulat mo diyan kung ano mang gusto mong isulat. i know, may dinaramdam ka ngayon pero dahil ayaw mong sabihin kung ano 'yon edi diyan mo na lang ilabas ang hinanakit mo na hindi mo masabi-sabi in person." nakangiting ani lucy saka kinuha ang babasaging bote na hindi alam ni jay kung saan ulit nanggaling.

"and this, this is the lalagyan. 'yung sulat mo kailangan mong punitin bago mo ilagay dito para kapag binato mo na ang bote sa bangin, mababasag ang bote kasama ang mga punit na papel na liliparin kung saan." dagdag ni lucy.

napatingin si jay sa papel na hawak niya. at sa totoo lang, madami siyang gustong ilabas pero lahat ng 'yon ay hindi niya alam kung paano niya sasabihin kaya sa tingin niya naman malaking tulong ang naisip ni lucy.

napangiti lang si lucy nang mapansin niyang nagsisimula na magsulat si jay sa papel na binigay niya. meron din siyang papel at dahil dalawang bote ang dinala niya, makikisabay na rin siya kay jay. isinulat ni lucy ang mga gusto niyang sabihin.

nang matapos sila sa lahat, napatingin sila sa isa't-isa at sabay na nagbilang mula isa, dalawa at tatlo saka sinimulang ibato sa bangin ang hawak nilang bote. pinanood nila 'yon hanggang sa tuluyan itong nabasag at magsiliparan ang mga punit na papel dala ng ihip ng hangin.

napasulyap si lucy kay jay na nakangiti lang na pinapanood magliparan ang mga punit na papel hanggang sa hindi niya na namalayang unti-unti na lumalaki ang ngiti sa kanyang labi saka napabuntong hininga.

nothing has changed, my heart is still beating for you jay.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon