. . . ⇢ 22 ˎˊ˗

203 10 7
                                    

"guys! he's already awake!" cyril screamed.

doon ay nagsilapitan ang iba kay heeseung na ngayon ay unti-unting iminumulat ang mga mata. napakurap-kurap siya hanggang sa manumbalik sa kanyang isipan ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay.

agad siyang napabalikwas ng tayo at hahakbang na sana nang mapahawak siya agad sa kanyang ulo dahil sa biglaang pagsakit nito. mabilis namang kumilos sina jay at jake para igaya si heeseung pabalik sa higaan.

"j-ju— argh!" napapikit na lang si heeseung sa sobrang sakit ng pagkirot ng kanyang ulo.

"hyung, magpahinga ka muna—"

pero hindi nakinig si heeseung at akmang tatayo ulit nang pigilan siya ni sunghoon. "hyung, hindi pa gumagaling ang sugat mo sa ulo." seryosong sambit nito.

umiling-iling lang si heeseung. "s-si j-j-julie, n-nasaan siya???"

nagkatinginan ang lahat nang sabihin iyon ni heeseung. maging si heeseung ay natigilan din nang biglang tumahimik ang paligid. nagsimulang makaramdam ng kaba si heeseung dahil doon.

pasimpleng sumulyap si jungwon kay sunoo pero umiling-iling lang si sunoo na dala ang phone at sinusubukang tawagan si julie. kanina pa 'yon ginagawa ni sunoo pero wala pa rin, kahit reply sa chat at text wala.

kanina pa sila nag-aalala para kay julie. magmula nang malaman nilang natagpuang walang malay si heeseung ay hindi na rin nila malaman kung nasaan nagpunta si julie. ang mas nakakakaba pa ay lasing si julie at wala sa katinuan nito.

humingi na ng tulong sina sunghoon kay mrs. park at sa lahat ng staffs ng en-connect island pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung nasaan si julie. saka hindi lang halata pero kanina pa nagpapanik si sunghoon para sa kapatid niya.

hindi pa nga sila natutulog dahil 2 am na natapos ang party at ngayon 8 am na, 6 hours na natutulog si heeseung matapos nilang malaman na nawalan ito ng malay at may kung sinong pumukpok sa ulo nito.

about doon, chineck na rin ang lahat ng cctvs sa part ng isla kung saan natagpuan si heeseung pero wala silang nakita dahil nakapatay ang lahat ng cttvs nang mangyari ang pagpukpok sa ulo ni heeseung.

ngayon ay iniimbistigahan na ang nangyari.

"h-hyung.. hindi namin alam kung nasaan si julie—"

"J-JULIE!"

agad napalingon sa kanilang mga likuran ang lahat nang biglang sumigaw si heeseung, nakatingin sa unahan. doon ay nakita nila si julie, gulo-gulo ang buhok nito at namamaga ang mga mata.

"j-j-julie.." usal ni heeseung.

nagtama ang mga mata nilang dalawa at doon ay hindi na napigilan pa ni julie ang kanyang sarili, may isang butil ng luha ang bumagsak mula sa kanyang mata at bago pa muling makapagsalita si heeseung ay agad na tumakbo pataas si julie.

iniwang gulat at nagtataka ang lahat.

-♡️-

jungwon
@shpgarden

jungwon
bestie?

jungwon
hapon na pero hindi ka pa rin lumalabas sa kwarto mo

jungwon
ni-hindi ka pa nga kumakain

jungwon
julie naman

jungwon
sighs

jungwon
alam mo sa totoo lang gusto kitang bulyawan kaso nasa drama mode ka ngayon kaya sige lungs

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon