. . . ⇢ 67 ˎˊ˗

198 11 3
                                    

let's talk about mae.

her name is jung maelary and she's only child, pero never niyang naramdaman na nag-iisa lang siya dahil kahit nasa isla ang mama niya para magtrabaho ay nandiyan naman ang tita kendra niya, her mom's best friend.

siya ang nag-alaga kay mae mula bata pa lang. mabait ito at maalaga kaya itinuturing niya na rin itong pangalawang ina. si kiel naman ay anak ng tita kendra niya, siya ang nag-iisa niyang best friend slash bro.

masaya siya kasama sila pero habang tumatagal, hindi niya rin maiwasang hanapin ang presensiya ng kanyang ina. pero wala naman siyang magawa kundi kausapin lang ito sa telepono dahil nasa malayo ito at nagtatrabaho.

sa en-connect island, doon nagtatrabaho ang mama niya bilang janitress. private island 'yon at malayong-malayo sa lugar nila kaya halos isang beses sa 2 taon lang nakakauwi ang mama niya tapos babalik din agad.

minsan na ngang nakiusap si mae na iwan na ng mama niya ang trabaho niya sa isla at dito na lang sa kanila maghanap ng bagong trabaho pero ayaw ng mama niya dahil sobrang laki ng sahod niya kahit janitress lang.

lumipas ang maraming taon at nagsimula na ring maghanap ng trabaho si mae para matulungan ang mama niya at masuklian ang tita kendra niya sa pag-aalaga nito sa kanya mula noong bata pa siya.

pero kasabay non ang biglang pagdating mama niya sa bahay nila. doon, nakita ito ni mae na nanghihina. saka niya lang nalaman na may malubhang sakit ang mama niya at kailangan ng malaking pera para mapagaling ito.

doon na nagsimula ang pagpasok niya sa en-connect island at halos doon na rin siya namuhay. nagsimula siya bilang janitress tulad ng mama niya pero hindi rin nagtagal ay naging tour guide siya ng isla.

masaya si mae sa trabaho niya at minahal niya na rin ang isla. unti-unti na ring gumagaling ang mama niya at nagpapalakas kaya naman napagdesisyunan niyang umuwi muna para bisitahin ito.

pero hindi pwede dahil may mahalagang bisitang dadating- at 'yon ay sila jake na anak ni CEO sim, kasama din nito si jay na anak naman ni CEO park at si cyril na anak ni CEO min na isa na rin sa nagpapatakbo sa isla.

naging malungkot si mae dahil doon pero kailangan niya gawin ang trabaho niya. at nang dumating ang araw na it-tour niya na sila jake at nakita niya ang mga ito ay hindi niya maalis ang tingin niya sa pangalawa sa pinaka matangkad na lalaki na kanilang kasama.

iyon ay si ni-ki.

yes, mali si cyril nang akalain niyang may crush si mae kay jake. talagang ganun lang si mae sa mga guest nila kaya akala niya may crush ito sa binata pero ang totoo ay kay ni-ki talaga.

hindi alam ni mae kung anong meron kay ni-ki at hindi na ito maalis sa isipan niya mula nang una niya itong makita. minsan pa nga silang nagkabanggaan at muntik na siyang matumba, mabuti na lang nasalo siya ni ni-ki.

matapos non hindi na nawala ng tuluyan si ni-ki sa isip niya. minsan niya pa nga itong pasimpleng sinusulyapan mula sa malayo. at noong araw na napunta si ni-ki sa may lighthouse at nakita siya ni mae, gustong sumigaw ni mae na parang ewan.

ganon talaga siguro kapag kasama mo ang crush mo.

dahil din doon ay nagkaroon sila ng chance na makapag-usap. madilim non dahil gabi na pero nakikita pa rin ni mae ang mga mata ni ni-ki na puno ng kalungkutan habang nagsasalita ito, makikita doon ang pangungulila.

broken ba siya? 'yon ang unang pumasok sa isipan ni mae nang mapansin niya ang bagay na 'yon kay ni-ki.

lumipas ang mga araw at nagising na lang si mae na kaibigan niya na si ni-ki. minsan pa nga siyang napapatanong kung paano nangyari 'yon pero nangyari na nga. naging magkaibigan sila na tipong komportable na si ni-ki na sabihin ang ibang bagay kay mae.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon